7-10 chapters lang ito, sana magustuhan ninyo. :))
CHAPTER ONE
LEIGHTON RUSSEL CHUA’s POINT OF VIEW
''Tickets are available in www.ticketonic.com..'' pagkasabing pagkasabi ni Dj Wallace nag madali na akong nagbihis. Dahil nakakasigurado ako na magiging marahas at madugo ang pag pila sa mga tickets.
''Mga asawa ko, mag kikita ulit tayo. Excited na akong makita kayo. Lalo na ikaw, Calyx!'' sabay yakap ko dun sa poster na nakadikit sa pader ng kwarto ko. Hindi ko maiwasang mag day dream na malalapitan ko sila, maka-usap, makapag pa-picture at mahawakan ang kanilang kamay. Iniisip ko rin na mag bitbit ng sako ng bigas at ikabit sila dun.
''Sorry mister piggy, pero kailangan na kitang tanggalan ng internal organs. Thank you sa pag tago ng pera ko!'' kinuha ko yung ruler at nag simulang dukutin yung perang naipon ko. Pahirapan na naman ‘to panigurado. Ayaw ko namang basagin, dahil saksi ang alkansyang baboy na ito sa kabaliwan ko.
''Teka nga! May naisingit pala akong pera dun sa lalagyanan ko ng medyas! Sayang din yun.'' nang makita ko yung drawer ko, tinaktak ko agad yung laman nun, wala akong pake kung nag kalat sa sahig ang undies pati medyas ko.
''Tenenentenen! Two hundred pesos..'' paluhod akong bumalik sa kama ko, at itinuloy ang pag dukot ng pera kay mister piggy.
''5,556.50 pesos. Ayos! Sa VIP ako panigurado makakaupo.'' masayang sabi ko habang inaayos ko yung mga gusot gusot kong pera. Habang hawak ko ang pambili ko ng ticket hindi ko maiwasang mapangiti, dahil sa wakas makikita ko na rin sila.
Kung nag tataka kayo kung bakit nabuo ko yan, hindi na ako nag re-recess at nag lu-lunch, nag babaon nalang ako. Para tipid, tsaka imbis na mag commute nag papahatid at nag papasundo nalang ako kay Kuya.
Dagdag pa yung perang binibigay ni Mama at papa na nag kakahalagang tig-dalawang libo pambili ng damit at luho. Hindi na rin ako bumibili ng luho dahil desidido talaga akong makita sila.
Umulan man o umaraw.
''Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ka sa mga yan e. Ikaw kakilalang kakilala mo sila, sa dami niyong fans sa tingin mo naalala nila kayo isa-isa?'' natigilan ako sa pag aayos ng pera ng biglang nag salita ang bayolente at walang manners kong Kuya.
''Thank you for ruining the good vibes Brother.'' pumasok ito ng tuluyan sa kwarto ko at marahan akong sinapok sa ulo.
''Aaw! I'm feelin' the love.'' hindi naman ako makaganti dahil matanda siya sa akin. Mapang abuso tong kumag na 'to e. Porke't alam na hindi ako makaka ganti, binubully ako.
''Totoo naman e, hindi ka naman kakilala ng mga n’yan bakit mo pa pinag aaksayahan ng panahon? Magagamit mo ba yang pag s-spazz mo sa kinabukasan mo? Makakain mo ba yang mga poster na naka dikit diyan sa pader ng kwarto mo?'' hindi ko ito pinatulan at tuloy pa rin ako sa pag ayos sa gusot-gusot kong pera.
''Hindi mo kase maiintindihan ang point of view ng isang diehard fan.'' umupo ito sa bed ko, at kinuha si Mister Piggy.
أنت تقرأ
CONFESSION OF A DIEHARD FAN
أدب الهواةHanggang kailan mo matatawag ang sarili mo na DIE HARD FAN? Hanggang kailan mo sila kayang suportahan? Mapapansin ka kaya niya? Being a diehard fan is fun, but falling in love with your idol is hard.