Chapter 3 : Meet Dereck

323 11 1
                                    

Dereck's POV

"May gusto sayo si Queeny?!" Sigaw nung babaeng hilaw.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya at tumingin kay Queeny na diring-diri. 

"Alisin mo nga yang kamay mo, babae! Ang pangit ng lasa! " 

Sigaw ko sakanya kasi nakatakip pa din yung kamay niya sa bibig ko.

"Eiii. Evince hindi ko siya gusto.. ! " 

Mas lalo na ako!

"Eh, sabi ni Dereck eh may gusto ka sakanya." 

Wala akong sinabi na ganun. 

"Anong kaguluhang ito?!" Nagkagulo ang lahat ng mga istudyante at bumalik sila sa kinauupuan nila.

Habang yung katabi ko naman ay galit na tumingin saakin.

BAKIT? Anong kasalanan ko?!

Queeny's POV

Napagalitan tuloy kami si Mam Fellapos, ang bata-bata pa daw kumekereng-keng na.

Like duh!?

Kasalanan kasi nung hambog na yun eh!

Mamaya yun saakin.

Dismissal na namin nang sinunggaban ako nila Evince at Danica. 

"Totoo ba yung kanina na sinabi ni Evince?! " -Danica

Eto nanaman po tayo, ilang ulit ko na bang sinabi sakanila kanina na hindi nga. Kulet to the max!

"Hindi nga eh!" 

"Wag ka nang magdeny ! Si Dereck na nag sabi nun kanina eh! At saka Approve naman ako sa taste mo! Ang GWAPO kaya ni dereck! " 

Napahilamos naman ako sa mukha ko at napasubunot sa buhok ko. Leche ka talaga dereck! kebago-bago mo sa school namin, gumagawa ka ng gulooo.

"Bahala kayo kung anong isipin nyo! Kesa maniwala kayo o hindi! " Nag walk-out na lang ako dahil nakakapikon na talaga.

Kanina lang nung lumabas ako ng campus , ang daming nakatingin saaking mata.

Jusko. Kulang nalang talaga, patayin nila ako sa tingin.

At isa pa ! May narinig akong sinabi nila na.. "Eww, Siya ba yung nagkakaguso kay dereck?! As if naman magugustuhan din siya. Assuming much!"

Nakakainis!

Palabas na ako ng gate ng mahagip ng mata ko SI HEAVEN KO! 

Mas mabuti pang malaman nila na si Heaven ang crush ko kesa dun sa hambog na yun.

Lalapit na sana ako at magha-HI.

Nang dinaanan niya lang ako.

Awts?

Parang wala siyang nakita? 

Queen of FREEbies [Minsul♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon