Chapter 4 : AMP!

298 11 0
                                    

Queeny's POV

Dati-rati nginingitian naman niya ako kapag nakaka-salubong kami ah?

Siguro hindi niya lang ako napansin. Yun lang yun.

Pero biglang may tumawa sa likod ko. Naikinapikon ko naman. AMPNESS!

"HAHAHA! Yan ba yung crush mo? Hindi ka nga pinansin eh. Kawawa. Tulo laway ka pa naman!" 

"Kasalanan mo to! DERECK SAM PNEOMY! " 

Sigaw ko sakanya. Naiinis na ako.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Akalain mo yun alam mo pala ang buong pangalan ko! Haha. Gusto mo talaga ako noh!?" 

Pang-asar niya.

Kyaaah! ANG HANGIN MO TALAGA!

"ARAY--! Ano ba!--!" 

Sinuntok at tinadyakan ko siya. marami na kaming nakukuhang antensyon ng mga tao.

"Akala ko ba hindi mo siya gusto palibs? Eh bakit ang sweet-sweet niyo ! Ayiie." Walang hiya, sweet ba ang ganito?

"Hindi ko nga siya gusto ehh!" Ulit ko kay Evince.

"Totoo ba yun Dereck?" 

Ngumiti ulit si dereck ng nakakaloko.

"May gusto saakin yan. Nakita ko kanina sa doodle niya yung pangalan ko tapos pangalan niya sa gitna may heart." 

O________________O

Bakit ba ang hilig nitong gumawa ng kwento!!

"Ayyie! Akala ko ba si--" Hindi na naituloy ni Evince ang sasabihin niya ng bigla kong hinigit si Dereck palabas ng gate. 

Andito na kami sa may eskinita. Wala masyadong tao.

Tuturuan kita ng leksyon.

"Ambaho naman dito!" Pagreklamo niya.

"Wag mong ibahin ang usapan! Nakakainis ka na ha! Bakit mo iniiba yung nakita mo kanina. Diba si HEAVEN yung nakasulat dun!? hindi naman totoo na gusto kita. Eww! As in!" 

Nanliit naman yung mata niya.

"Ako pa ngayon yung eww? Eh kanina nga nakita kong tumutulo ang laway mo saakin eh. You should thank me what I've did." Cool lang sya habang sinabi niya iyon.

Anong-?!

"At bakit naman kita pasasalamatan!? Eh gingulo mo ang buhay ko?!" Napatakip siya sa tenga niya.

"Bakit ka ba na sigaw!? katabi mo lang naman ako ah! Dapat mo akong pasalamatan kasi hindi ko sinabi yung totoo. Kung sinabi ko yung totoo, mas lalo kang mapapahamak. Isipin mo na lang ang kalalabasan. Atleast ako lang yung nakaka-alam nun. "

Napa-isip naman ako.

Sabagay. Crush kaya din ni Evince si Heaven.  T___T

"Tanga mo kasi, hindi ka nag-iisip." Pabulong niyang sinabi.

"Hoy! Narinig ko yun!" 

"Totoo naman. " Balewala niyang sagot.

*Kruuuug.!

Napahawak ako sa tiyan ko.

*Chuckled.

"Bakit ka tumatawa?!" 

"Obvious ba? Haha. Wag kang magkakamali saakin na mag-palibre." 

(_ _)

Queen of FREEbies [Minsul♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon