Queeny's POV
"Heaven." Nakita kong binugbog ni Heaven yung mga lalaki na gustong mang-trip saakin. Siya ang aking Shimmering Knight Shining Armor . Yiiee.
Pero may nahagip ang aking mata na isang lalaki na nakatayo sa may puno, hindi ko naman makita mukha niya. Pero parang kilala ko yun eh.
Halos wala ng malay lahat ng mga kalalakihan kanina, nag-punas ng dugo sa bibig si Heaven ko. Stk! Nasugatan siya sa bibig.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.
Pero parang nagalit siya sa sinabi ko.
"Dapat ako ang nagtatanong sayo niyan hindi ikaw!" Sigaw niya saakin.
Napaatras naman ako, nagulat ako eh. Ikaw banaman sigawan ng crush mo.
"Ah-- Sorry. O--k lang ako."
Sabay yuko.
"Tara na uwi na tayo. (Kanina pa kita dito binabantayan pero walang Dereck na sumipot)"
Sabiniya pero hindi ko narinig yung iba niyang sinabi saakin, dahil halos pabulong na lamang iyon.
Naramdaman kong hinawakan niya ang wrist ko. Bakit siya nanlalamig?
Biglang pumatak ang ulan.
"Heaven. Nababasa na tayo. Ang lakas na ng ulan!" Sigaw ko sakanya.
"Tara doon na muna tayo sa bahay namin. Malapit lang naman yun dito."
Takbo kami ng takbo ni Heaven, akala ko ba malapit lang. Halos 10 minuto na kami tumatakbo ah?
Basang basa na ako este kami, kahit madailim halata pa din yung abs niya. Hihihi
Pumasok kami sa isang malaking red gate na may nakapangalan na ' Choi's Residence ' .
Nang maka-pasok kami sa loob may sumalubong kaagad saamin na isang matandang babae.
"Nako. Iho! Hindi ka man lang nag-pasabi saamin na maliligo kayo ng nobya mo!"
Nanlaki naman yung mata ko sa mga sinabi ni manang.
"Manang naman, classmate ko po siya hindi syota. At hindi po kami naligo, nabasa lang po kami ng ulan."
Mahabang 'Ahhh' naman ang nasagot ni Manang, grabe naman nakakahiya naman na naligo kami ni Heaven.
Sana nga lang Nobyo ko siya , Kekeke.
Pina-pasok na nga muna ako ni Manang sa isang guest room. Grabe ang laki pala talaga ng bahay namin. Etong Guest room na ito parang sala na namin.
Binigyan naman nila ako ng extrang damit kasi nga basa yung mga damit ko, hindi ko naman alam kung kanino itong mga sinuot ko, Nakakahiya lang.
*Tok*Tok
"Anak, kakain na muna. Nakahanda na ang inyong hapunan sumabay kana kay Heaven."
Pakarinig ko ng HEAVEN at PAGKAIN napalabas ako ng kwarto ng wala sa oras. Eh sa gutom na ako eh, dahil sa pag-antay sa ungas na yun. Tsk. Sabi ko na nga ba hindi ako sisiputin ng lalaking yun.
Pagka-baba ko ng hagdan dahil may second floor. Nakita kong naka-upo si Heaven. Nahalata ko yung maraming pag-kain at dali-dali akong umupo.
"Eat." Hindi pa nga nakakasabi si Heaven eh naka kuha na ako ng kanin. Lol's
Habang sa kalagitnaan na ako ng kinakain ko may sinabi si Heaven.
"Dito ka na muna tumuloy dahil ang lakas-lakas pa ng ulan. Sinabihan ko na din ang magulang mo na hindi ka makaka-uwi."
Saka siya umalis at pumunta sa kwarto niya, hindi ko naman magawang malunok yung kinakain ko.
As in?
**
"Sige po matutulog na po ako. Paki sabi nalang po kay Heaven na matutulog na ako at Salamat na din sa pagpapatuloy saakin dito." Pasabi ko sa isang maid na papasok sa kwarto ni Heaven para bigyan ng gatas.
Natawa ako nung sinagot nung Maid na para pala yun kay Heaven , akalain mo yun Umiinom pa pala yun ng gatas. Sabagay pampalakas naman yun ng mga bones. Hehe
Heaven's POV
Habang nagbabasa ako ng libro, may narinig akong kumatok.
"Pasok."
"Sir, ito na po yung gatas nyo. At pinapasabi po pala ni Ms. Queeny na matutulog na daw po siya at saka Salamat na daw din po sa pagpapatuloy sakanya."
"Ok. Makaka-alis kana."
Napatingin naman ako sa gatas na binigay ni Manang Pola. Nakita kaya niya na dinala ni Manang yung gatas ko?
Natutulog na pala siya.
10:59 Pm
Siguro talaga tulog na ata siya, hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa kwarto niya.
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto sa Guest Room.
Nakita kong mahimbing na natutulog si Queeny. Napaupo ako sa gilid ng kama.
Hinawakan ko ng dahan-dahan ang kanyang mukha.
"Queeny." Pagtawag ko sa pangalan niya pero narinig ko lang siyang umungol.
I smiled. Hindi kita iniwan sa park kanina kasi alam ko naman na hindi sisipot si Dereck kanina, kaya maghapon akong nagbantay sayo. Kaso nga lang may nangtrip sayo kaya wala akong nagawa kundi ang pag-tanggol ka.
"Sleep well Queeny."
I kissed her forehead.
BINABASA MO ANG
Queen of FREEbies [Minsul♥]
AdventurePag-dating sa LIBRE, palaging PRESENT si QUEENY. Paano kaya kung makilala niya sa pamamagitan ng LIBRE ang lalaking kaayawan niya?