Dereck's POV
Edi sila na. Si Heaven na yung pinasalamatan ni Queeny. Bigla ko na lang nasuntok ang kaharap kong puno ng mangga. Naguguluhan ako kung bakit.
Naramdaman ko na lang na pumatak na pala sa mukha ko ang isang Rain Drop. Naglakad na lang ako pa-uwi sa bahay namin.
**
"Yah! Kuya! Why are you so wet ?!" Sigaw ng nakababata kong kapatid.
"Naligo lang si Kuya." Matamlay kong sagot saka pumasok sa kwarto ko at nahiga.
Hindi ko na lang pinansin na basa ako. Saka ako nagtalukbong ng kumot.
Pero napansin kong nagbukas ang pinto. Nakasunod ata si Carly.
"Duh! Kuya, Don't make fun of me. Tell me the truth. You're wet because of the rain, Right?!"
"Pagod ako Carly. Get out of my Room now!"
Wala na ngang sumagot , kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Queeny's POV
*Yawn. Ang ganda ng tulog ko. Hihihi. Napaka-ganda talaga. Inayos ko na yung higaan ko, nakakahiya naman kung hindi ko ito aayusin eh naki-tulog na nga lang ako.
"Good Morning." Malumay na bati saakin ni Heaven, pakalabas ko sa pinto.
Nanlaki naman ang mata ko. Kanina pa ba siya dyan sa may pinto?!
"May morning glory ka pa." Napahawak naman ako sa may mata ko. Nakakahiya >...<
Pero narinig ko siyang tumawa ng kaunti. Totoo ba yun.
"Tara na , kakain na." Yaya niya saakin at nauuna ng naglakad.
Naupo na nga ako sa may tabi niya, pero ang awkward pa din ng feeling ko Eh. Pero nawala naman bigla yung hiya ko ng nakita ko yung mga pagkain sa tapat ng ko. Weeew.
May bacon, hotdog, fried egg, tocino, bread and etc. HAHA. Ang dami.
Sinumulan ko na ngang kumain. Napatigil ako dahil nararamdaman kong may nakatingin saakin.
"He-he." Nakatingin pala saakin si Heaven.
"Sige kumain ka lang. (Ang cute mo naman kumain)" Tapos nakita ko yung half smile niya. Hindi ko lang narinig yung huling sinabi niya.
Kaya bigla naman akong nabulunan. Uminom ako kaagad ng tubig.
"May narinig kaba?" Nahihiya niyang tanong.
Napa -Huh naman ako. Pero sabi niya wala naman kaya inag-patuloy ko naman kaagad yung pagkain ko.
**
"Sige , alis na ako Heaven. May gagawin pa kasi kami ni Dereck, hindi kasi natuloy kahapon kaya pupuntahan ko na lang siya sa bahay niya. Teka--, alam mo ba yung bahay niya.?"
Pagka-banggit ko naman nung pangalan ni Dereck, biglang nag-iba ang aura niya? Bakit kaya?
Dahil ba sa hindi siya sumipot kahapon?
"Sa kailang kanto. 589 Street. " Saka siya tumalikod at isinara yung gate? Anyare dun?
Mga bipolar talaga ang tao.
Naglakad na nga ako, magka-subdivision pala sila. Hinanap ko yung 589 Street. Nagtanong naman ako kung saan yung Pneomy's Residence. Sabi nila sa may pinaka-malaking bahay tapos may Blue na gate.
Inilibot ko naman yung mga mata ko. Ayun. napa-Wow talaga ako as in. Ang laki pala talaga mas malaki ito kesa sa mga bahay dito sa subdivision.
Lumapit ako at pinindot ko yung Door Bell. *Ding-Dong.
"Good Morning. Phemoy's Residence. May I help you?" AS IN WOW! Ganun sumasagot yung Door Bell?
"Ah, Si Dereck po. "
"Ah, Okay. Please Come in Ma'am."
Bumukas na nga yung gate, wala namang taong nagbukas as in remote lang ata to.
May sumalubong naman saaking babae ng naka black suit.
"Master Derec--" Hindi na natapos yung sasabihin nung babae na kagalang-galang ng may sumulpot na nuno. Este batang babae. Ang kyot - kyot naman.
At dahil natuwa naman ako sa bata hahawakan ko na sana yung pisngi niya para kurutin pero tinap niya ito, Aray ang sakit lang.
"Don't Touch my Precious face. Ugly Girl."
ABA! Nabigla naman ako dun! Napaka maldita. Napataas ito ng kilay.
"Who are you?" Napakamewang niyang tanong.
Englishera talaga.
"Ah. Classmate ako ng kuya mo. May itatanong sana ako. Kung pwede---"
Hindi ako pinatapos!
"Kuya is sick! Don't Disturb him.Ugly girl."
Isa pa. Isa pa talaga. Napupuno na ako sa dwendeng ito.
"Carly! Gumalang ka sa nakakatanda sa iyo. Hala. Pumasok sa na sa loob."
Sigaw ng matandang babae. Mukhang mayordoma.
Nakita ko naman na bumusangot ang mukha nung bata. At sinunod naman pero bago siya pumasok nag "Bleeh." Siya saakin.
Pinandilatan ko na lang siya ng mata.
Lumapit saakin yung matandang babae.
"Pasensya ka na iha dun sa batang yun. Mabait naman yun talaga. Tungkol naman kay Dereck, may sakit siya iha. Kung gusto mong kausapin pumunta ka na lang sa kwarto niya."
Itinuro naman niya saakin kung saan ang kwato ni Dereck.
"Dereck?" Pagtawag ko sakanya. Pero wala pa ding sumasagot kaya minabuti ko ng pumasok sa loob.
Nakita ko naman na nakahiga siya sa kama at mahimbing na natutulog.
"Aba. Nagkakasakit din pala ang mga taong tulad mo. " Pasimple kong sinabi.
"Huy! Gising. May gagawin pa tayo sa reasearch." Niyug-yog ko siya pero ayaw niya pa ding gumising.
Nagbigla na lang ako ng hinigit niya ako tapos napahiga ako sa ibabaw niya.
Napaka-awkward ng posisyon namin. Ang init din niya.
>...<
"Dereck.." nanghihina kong sabi.
BINABASA MO ANG
Queen of FREEbies [Minsul♥]
AdventurePag-dating sa LIBRE, palaging PRESENT si QUEENY. Paano kaya kung makilala niya sa pamamagitan ng LIBRE ang lalaking kaayawan niya?