Author's Note : Hindi naman ako mahilig mag-lagay ng Note sa Story na ito. Pero pagpasensyahan niyo na kung bakit ang ikli ng mga UD ko. Haha, ganun talaga. Napag-isip-isip ko na mas madali itong gawan ng SOFT COPY.
**
Palibs POV
Ang haba haba talaga ng tawa ko kanina dahil sa nakita kong brief ni Dereck.
Eto siya ngayon katabi ko. Ang haba nga din ng oras eh, hindi pa nag re-recss.
Gutom na ako.
*StomachSound*
"Ano yun?" -Dereck
"Tanga kaba? San pa ba yun maririnig, edi sa tyan. Batukan kita dyan eh."
"Haha. Ah, gutom kana pala." Napa-iling na lamang ako sa sinabi ni Dereck.
"Ay, hindi. Busog na busog ako." Bulong ko.
Sakto noon, biglang tumunog yung bell. Nagsilabasan na nga yung mga estudyante.Saka kami tumayo.
Tatahakin ko na sana yung daan pa Canteen ng mag makasalubong ako.
"Queeny. Gusto mo sumabay kumain sa Canteen? Libre ko." Alok ni Heaven.
Ehh? tama ba narinig ko.
'Heaven will FREE you.'
Bigla akong napalunok. Sumusunod pala sa akin si Dereck.
"Ahh. Salamat pero ililibre na ako ni Dereck."
Bigla kong hinatak si Dereck, at mahigpit kong hinawakan ang braso niya.
"Ahh, ganun. Sige, next time na lang." At yun nag martsa na siya paalis.
Nalungkot naman ako kaagad.
"Anong ililibre kita!?" Sigaw niya saakin.
"Ang kuripot neto! Sige ipagsisigawan ko sa mga fans mo na ----Ammp!"
"Okay! Kung hindi mo lang sana yun nakita. Grr!"
Haha. Ililire niya ako.
Saan kaya kami kakain. For sure sa mga resto na mamahalin. Yung may iba't-ibang klaseng menu.Tapos ang sasarap ng mga desert. HAHA. Tiba tiba tayo dito.
"Hoy! Ano nanaman ang iniisip mo?" bahagya niya akong itinulak.
"Aray! Magtatanong lang nanunulak na kaagad!? Iniisip ko lang kung saan tayo kakain!"
"Sa bahay tayo kakain!"
Kinaladkad niya ako papasok sa kotse niya.
Sa bahay nila?
Hmmp. Pwede na rin?
"Ano ba yan nakaka-hilo naman yang pabango ng kotse mo. Pwee!"
Reklamo ko, totoo namna eh. Ang tapang ng amoy.
"Ang bango kaya, anong klaseng ilong meron ka?"
"Bilisan mo na lang ang pagmaneho! Gutom na ako! Kainin kita dyan eh."
Nag make-face na lang siya, hindi ko na lang pinatulan, baka mainlove na yan saakin. Haha
Anong konek?
"Andito na tayo."
Naamoy ko na talaga yung niluluto. Napahawak nanaman ako sa tyan ko.
Hindi na lang ako umimik. Hanggang sa makarating kami sa Dinning Table. At nakita ko ang masasasasasasarap na pagkain.
"Maup--"
Wala na , nauna na ako bago pa siya mag salita.
Nilantakan ko na nga yung mga pagkain sa harap ko.
"Shanely, come here." tawag ata ni Dereck. Hindi ko naman kilala kung sino yung Shanely na yun.
"Who's this Ugly Creature sitting in my favorite chair?!"
Bigla akong nabilaukan.
**
Shanely (Multimedia)
BINABASA MO ANG
Queen of FREEbies [Minsul♥]
AdventurePag-dating sa LIBRE, palaging PRESENT si QUEENY. Paano kaya kung makilala niya sa pamamagitan ng LIBRE ang lalaking kaayawan niya?