chapter two. starting mistakes

10 1 0
                                    

Ilang araw makalipas ng maihatid ni Daniel sila Selia at ang pamilya nya, muli siyang bumalik para manligaw. Agad siyang pinapasok,.

"Tuloy ka iho, tamang tama naghahanda na para sa hapunan si Selia, saluhan mo na kami"
Alok ni aling Aida kay Daniel.

"Nakakahiya naman po, pero sige mas nakakahiya naman po kasi kapag tinanggihan ko kayo"
Galak na sagot niya.

Paupo na sila sa hapagkainan, ng biglang mag ring ang cellphone ni Selia.

"Si Anton... "
Bulong na sabi niya...

Tumingin siya kay Daniel, habang nagdadalawang isip sagutin ang ang tawag.
Lumabas siya ng bahay para kausapin.

"Mukhang may importanteng kausap si Selia,... "
Panimulang sabi ni Daniel, gusto nya kasi malaman kung sino ang kausap nito.

"Kaybigan nya... Huwag kang mag alala walang nobyo si Selia"
Nagsisinungaling na sagot ni aling Aida. E ayaw nya kasi kay Anton, dahil wala daw mangyayari sa buhay ni Selia kapag nagkatuluyan sila. Kaya mas gusto niya na makapangasawa ang anak niya ng isang gwapong lalaki na lumaki sa maynila.

Pumasok na sa loob si Selia, ngumiti siya kay Daniel at umupo.

Tunog ng tunog ang cellphone ni Selia habang kumakain.

--'"" 22msg unread msgs ""'--

"Ahh,, ehhh, muhkang madaming nagtetext sa cellphone mo Selia"
Sabi ni Daniel. Sa oras na iyon, sobrang takang taka na siya.

"Yu... Yung mga k...classmate ko... Nung highschool nag nangangamusta sakin, ma...makukulit ee, kumain muna tayo"
Sagot niya.

Makalipas ang ilang oras na pagkukuwentuhan, uuwi na si Daniel. Hinatid siya sa gate ni Selia.

"Salamat dahil nakasama kita ngayon Selia, kailan mo ba ako sasagutin?"
Seryosong tanong niya.

Ngiti lang ang sagot ni Selia, sinara ang Gate at tumalikod papasok.

Hindi na maintindihan ni Selia, labis na siyang nahuhulog sa kabaitan at kapogian ni Daniel. Pero lagi niya iniisip si Anton.

Tinawagan niya si Anton.
"Hello, mahal. Pasensya ka na kanina, may bisita lang kasi si mama."
"Nagtatampo na ako sayo, ilang araw ka ng ganyan sa akin, wala pang dalawang buwan na nanjan ka sa maynila"

"Sorry na mahal, hayaan mo, babawi ako sayo habang hindi pa naguumpisa ang pasok ko sa iskwela"

Mahaba ang kanilang naging usapan at malungkot lang na nakikinig si Daniel sa labas ng hindi namamalayan ni Selia.

"Badtrip !!! "
Tanging nasabi ni Daniel.

Makalipas ang ilang araw.
Nagtataka si Selia, ilang araw na din hindi nagpaparamdam si Daniel kahit nanay niya tanong ng tanong sa kanya. Pero ok lang naman daw, atlis mas matututukan niya ang pagmamahal kay Anton.

--'"" 1msg receive ""'--
Isang text na hindi niya kilala ang numero.

""Nandito ako sa baba nakatingin sa bintana mo ..."
Nagtatakang pagkabasa ni Selia, agad siyang tumayo at sumilip sa bintana.
Nagulat siya sa mga nakita niya na labis niyang ikinatuwa.






TWO TIMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon