"Linggo pa lang pala" naupo siya at tinitignan pa din ang papel.
Sobrang pagtataka niya, bakit walang tao sa bahay nila. Sa lamesita siya napatingin, isang papel nanaman na kapareho ng una niyang nakita.
"Iniisip pa lang kita, lalo na akong nabibighani sayo. Paano pa kaya kapag nakita kita sa personal ?"
Namula siya at sobrang tuwang tuwa, halos nagpagulong gulong sa sofa. Agad siyang nagayos ng sarili at lumabas ng pinto.
Habang naglalakad siya sa iskinita nila, madami ang nagaabot ng papel sa kanya. Kada isa may numero.
#1. CAN ?
Napapaisip siya kung ano ito.#2. YOU
"number 1, CAN. number two, YOU?"
Napapangiti siya at tinitignan kung sino ang sunod na magaabot.#3. BE
Parang alam niya na ang mga susunod na panyayari, sinulatan niya ito sa likod.#4. MY
Nagmamadali na siya at sobrang exited.halos lahay ng tao nakatingin sa kanya at pinaguusapan siya. Mejo naiilang siya kaya binilisan niya ang lakad.
Kinalabit siya sa likod, unti unti siyang tumalikod. Si Daniel na may hawak na papel.#5. CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?
nasa gitna sila ng daan at pinapanood ng mga tao. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa sobramg tuwa niya. Halos tumulo ang luha, at napayakap siya kay Daniel.
Inabot ni Selia ang papel kay Daniel na may nakasulat na.
#6. YES !
nagyakapan sila ulit.
Sa pagkakataong ito halos mabura na sa puso niya si Anton. Iniisip niya na masaya na siya kay Daniel. At mahal na mahal pa.
Isang maliit na salo salo ang naganap sa kanilang bahay, na sobrang ikinatutuwa ng nanay ni Selia.
![](https://img.wattpad.com/cover/54291718-288-k430108.jpg)
BINABASA MO ANG
TWO TIMER
Romansaano ang gagawin kapag nakita mong sabay sa harap mo ang dalawang karelasyon mo?