For years ago
"Palagi kayo magiingat nila tita jan, saka ni Buchoy, madami daw manloloko jan sa maynila mahal"paingat na paalala ni Anton kay Selia habang kausap niya sa cellphone.
"Sige na mahal pababa na kami ng bus, i love you"
"Ingat kayo mahal , i love you too"
At naputol ang linya ng tawag. Bitbit ang mga gamit bumaba sila ng bus kasama ang nanay ni Selia at ang kapatid niyang si Buchoy na pitong taong gulang.
Hindi namalayan ni Selia ang nagmamadaling kargador.
"Aray ! Kuya dahan dahan naman ..! Muntik na ako mabagsakan ng bitbit mo"
Sigaw ni Selia.
Napatingin siya sa kargador, pawis na pawis at parang nasaktan. Agad niyang binaba ang dala niyang gamit.
" ay, kuya okay ka lang po ba ? Pasensya na hindi kasi kita nakita "
Naaawang sabi niya.Napatingin ang kargador kay Selia, namangha siya sa kagandahan nito. Parang nawala ang sakit ng katawan niya. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya.
Napakaganda naman kasi ni Selia, napaka simple, morena , may katangusan na ilong, magandang labi , at kumikinang na mga mata."Ok ka lang ba miss, hindi ka ba natamaan ng mga dala ko?"
Kahit iniinda ang sakit, pinilit niyang tumayo at binitbit ang gamit."Ingat ka miss,mauna na ako"
Tinitignan niya lang hanggang maglaho na sa kanyang paningin ang lalaki.
"Okay ka lang ba Selia anak? Halika na, tatanghaliin na tayo"
Sabi ng nanay niya.Di pa din mawala sa isip niya ang itsura ng lalaking nabunggo niya. Maputi, matangos ang ilong at maamo ang mukha.
"Saglit ma,.. Yung bag ko, ? Nasaan na ??... "
Hinanap niya ang bag pero hindi niya makita. Sa sobrang daming tao sa lugar nila imposibleng makita niya pa."Nandun pa naman ang mga importanteng papeles at mga gamit ko"
Naluluhang sabi niya.Nagtanong tanong siya, pero inabot na sila ng tanghali, hindi pa din ito nahanap.
"Tara na Selia, kukuha na lang tayo ng mga nawala mong kopya na papeles.... Sa susunod kasi magiingat ka" kalmadong sabi ng nanay niya.
Nakasakay na sila ng jeep ng biglang may humabol na sakay.
"Whoooo ! Buti na lang naabutan pa kita miss maganda"
Masayang sabi ng nabuggong lalaki kanina ni Selia.Nagulat si Selia at dala dala niya ang bag niya.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi ka mapagkakatiwalaan na tao, ibalik mo sakin yang bag ko! Magnanakaw!! "
Maluhang galit na sigaw niya.
Inagaw niya ang bag at tinignan ang mga gamit."Salamat panginoon at walang nawala sa mga gamit ko... "
Napatingin siya sa lalaki, nakangiti ito at nakatitig sa kanya.
"Ahhh, pasensya ka na miss, nabitbit ko kanina yang bag mo kakamadali ko, ako nga pala si Daniel at ikaw? "
Masayang sabi niya."Ahh , ehh... "
Walang nasabi si Selia, napatitig lang siya at parang nahihiya."Siya si Selia, ito nmn si butchoy ako ang nanay nila, maraming salamat sa iyo Daniel, napakaimportate kasi ng mga laman ng bag niya"
Si aling Aida na ang sumagot, kasama ang pagngiti.Nagulat si Daniel na kasama niya pala ang magulangbat kapatid niya.
"saan po ba ang baba niyo, ihahatid ko na po kayo at ako na magbibitbit ng gamit niyo"
Alok niya."Huwag na iho, baka makaabala pa kami sa iyo"
"Trabaho ko pa iyan, at gagawin ko ng libre"
Ngumiti at tumingin sa nahihiyang Selia.Naghahalo ang emosyon ni Selia, hindi siya mapakali kapag tumitingin si Daniel sa kanya. Iba ang nararamdaman niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/54291718-288-k430108.jpg)
BINABASA MO ANG
TWO TIMER
Romanceano ang gagawin kapag nakita mong sabay sa harap mo ang dalawang karelasyon mo?