chapter 3.1 surprises

8 0 0
                                    


Aral - trabaho, karaniwang gawain ng isang disididong makatapos sa pagaaral katulad ng ginagawa ni daniel. Criminology ang kinuha niyang kurso. Dahil bata pa lang siya pagpupulis na ang kanyang pinangarap.

Isa lamang siyang kargador sa isang terminal, para matustusan ang kanyang pagaaral pati sa tatlo niyang kapatid na babae.

At dahil kagwapuhan siya, hindi maiiwasang kung sino sino ang lumalandi sa kanya. Pero kapag kailangan na ng pera kumakapit na siya sa masama para makaraos ng kaunti sa hirap ng kanyang pamilya.

Mejo mahiyain siya kaya hindi niya tinatanggap ang mga offer sa kanyang pagmomodel at pagaartista.

Hanggang sa makilala niya si Selia. Unang kita niya pa lang, alam niya na siya na ang makakasama niya sa habang buhay. Sa dami ng magagandang babae na nakilala niya siya din ang pinaka kakaiba.

"Iba ang ngiti mo kuya... Sino yang iniisip mo, kwento ka naman, ayieeh!"
Sabi ni Leny, pangalawa sa kanyang kapatid.

"Tigilan mo ako leny, wala ito, masaya lang ako"

"Masaya kanino ? Uyyy si kuya may girlfriend na!!"
Sigaw nito sa iba pang mga kapatid na si Bea at Thea.

"Ayan nanaman kayo, masaya lang ako kasi unti unti ko na natutupad ang pangarap ko kasama kayo."
Sabay akbay sa mga kapatid
"Wala man si papa kakayanin natin mabuhay, ako bahala sa inyo"

"Masaya din kami sayo kuya"
....
...
"Masaya ako kasi nakilala ko si Selia" bulong niya habang nakangiti at nakatingala sa langit na puno ng bituin.

----

Naghanda siya para sa araw na kanyang pinagpaplanuhan. Pinalantsa niya ang pinaka maayos niyang damit na ginamit niya pa noong nag JS siya .

----

Isang magarbong kumikinang na mga lucies ! Nagkikinangan sa mga mata ni Selia. Sa likod nito ang mukha ni Anton na may magarbong pananamit. White shoes, white pants, saka white coat.

Natuwa at nagulat si Selia, hindi niya inaasahan ang pagluwas ni Anton ng maynila. Natuwa siya at mabilis bumaba ng hagdan para salubungin niya ito.

Iniisip niya na sobrang laki ng pinagbago ni Anton sa sandaling panahon. Iniisip nya baka tumama sa lotto at ngayon mayaman na. At pumunta sa kanila para isama na siya sa kanyang palasyo.

Ngayon maipagmamalaki na niya si Anton sa nanay niya. Hindi na lalaitin na isang probinsyanong mahirap.

"Sasama na ako sayo Anton"
...
...
...

...

Pero isa lamang panaginip ang lahat.
Nagising si Selia sa sinag ng araw. Tumingin siya ng oras sa cellphone nya.

"7:00 am"

"Ow. Late na ako !! First day of school pa namam ngayon"

Dali daling bumangon at tumakbo papuntang cr para maligo.

Naiisip niya pa din ang kanyang panaginip habang nagsisipilyo siya.
Parang totoo ang lahat,
Sana hindi na siya nagising kung pwee lang, sana magkatotoo itong panaginip niya.
Mga bagay na nasa isip niya. Sobra ang kilig niya.

Habang nagpupunas ng buhok, napansin niya sa lamesa ang isang papel.

"Ano ito? Ang bango ng papel at ang ganda ng kulay, kulay pink"

Binuklat at binasa ang laman.

"Araw ng linggo ngayon, ito ang araw na sobra akong nahulog sa kagandahan mo"

Sobrang kinilig si Selia, pero nagtaka siya, linggo pa lang pala. Kinabukasan pa ang pasok ng iskwela.


TWO TIMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon