prologue

12 0 0
                                    


Hindi inaasahan ni Selia na makikita niya si Anton, hindi siya makapaniwala dahil sa apat na taong hindi nila pagkikita malaki ang pinagbago ng kanyang itsura. Tumangkad at naging mas matipuno ang katawan. Lumapit si Anton sa kanya at niyakap siya.
"Nasurpresea ka ba mahal? Pasensya na binigla kita" masayang sabi ni Anton.

"Ahh eee. Oo naman" napatingin si Selia sa lalaking nakatalikod.

"May kasama ka pala mahal? Sino siya ?" Tanong niya kay Anton. Habang minumukaan yung lalaki.

"Siya nga pala si Daniel, tinulungan niya ako mahanap ang bahay mo. "
Lumapit si Anton kay daniel.
"Pare, halika ipapakilala kita kay Selia, siya yung kinukwento ko sayo kanina. Maraming maraming salamat sa iyo kung hindi dahil sayo maliligaw ako kakahanap ng bahay ng mahal ko"

Hindi kumikibo si Daniel, tumingin siya kay Selia. Nakatitig lamang at tulala.

Napatalikod si Selia at naglakad papasok ng bahay iniwan si Anton at Daniel sa labas.

"Ano na gagawin ko, bakit ngayon pa. At bakit pinagtagpo silang dalawa. Paano ko sasabihin sa kanila na pareho ko silang boyfriend?" Lumuluhang bulong niya.



TWO TIMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon