History

28 0 0
                                    


From: Tan Gang Tao

World With "Out" Strangers (Who am I). May mga nag tatanong sa akin paukol sa pamagat ng libro kong ito at laging bungad ay anong ibig sabihin ng pamagat na iyan sa nilalaman n'ya? Ang lagi ko lang sagot e hindi ko alam basta nakita ko nalang sa isang tatak ng damit kasama ang damit na may brand name na "Brat." Naisip ko na din 'yan noon kung bakit ito ang naisipan kong ipamagat sa librong hindi naman sisikat at makakapasa sa mga editor higit sa lahat hindi din naman tuluyang maipapalimbag, pero nababasa mo na ngayon kaya naipalimbag na ito. Sikreto lang natin 'to, sa totoo lang naawa lang sa akin ang editor at publisher kaya nailabas ito ng walang bayad.

Ngayon sa pagbabasa mo bago mo muna simulan, ipababatid ko muna ang history ng librong ito na "siguro" may kapupulutan kang aral at idealidad sa araw at gabi ng iyong pamumuhay.

First of all thanks sa sumoporta sa akin para maipalimbag ang pinaka-unaunahan kong libro na hango sa iba't- ibang pangungopya, at saka nga pala binabati ko ang tropa kong si totoy bulitag. Second is is is... tama na baka mawalan kana nang ganang magbasa pag ipinagpatuloy ko pa.

Data of World With "Out" Strangers (Who am I)

Topic: unknown

Style: BO style (pero bakit di lang aman s'ya ang may-style ng pagsusulat ng ganyan kaya hindi ako makakasuhan ng plaguirism)

Size: 12.5 arial writting (sulat kamay)

Inspiration: My Family at ang mga taong lupa

Favorite Color: Zaido

Author: ?

Book: ha?

History of This Book

Bago ko sinimulan ang librong ito marami akong pinagdaanan andiyan si stress, si dipressed at dahil puyat ako lagi at laging may tagyawat sa mukha mahahalataan mong ka-close ko silang dalawa. Sa pagsusulat kailangan lang naman gamitin dito ay ang kamay at ang maliit mong utak (sa pag iisip) na nagpapatakbo sa bawat cell ng iyong katawan.Takot, kahihiyan at panghihiram ng mga bagay ang kinailangan ko para sa librong ito. Bilang isang manunulat (sa kaloob-looban ko ayaw kong tawagin ang sarili kong manunulat.) Kailangan mong harapin ang lahat ng bagay at laging nakataya ang iyong dangal, ang takot, pagod, puyat, pagsasakripisyo, at pagkalimot sa mga hindi maipaliwanag na bagay sa mundong ibabaw kahit ang kakaiba mong pangalan ay kailangan mong kalimutan at itaya, maging sanhi man ito ng kahihiyan, alang-alang sa sining at ang pamilya mo ay kakalimutan mo na din para sa pagsusulat. Mararanasan mo ang nagsasalita ng mag isa na parang laging may bulong at nakagamit ng pinagbabawal na bato.

Pamilyado ka na ba sa pangalang Bob Ong at kung oo, sikat talaga s'ya at kung hindi okay lang. Bilang "fan" ni pogi ika nga sabi ni BO kung tatanungin s'ya ano ang maganda sa trabaho mo tanging sagot n'ya lang "Amo ko ang sarili ko." Gan'un din ang sagot kung ano naman ang pangit sa trabahong manunulat dahil walang magpapasahod sayo kundi ang sarili mo at wala kang sisisihin pag bumagsak ang kumpanya kundi ikaw. Para kang tanga na nakikipag talo sa sarili mo.

Ang mga ibang batikan na manunulat tulad ni Shakespear, Thomas More, D.H Lawrence, Eros Atalia at Roberto "Bob" Ong ay ang mga taong "weird", mga malalim kung mag-isip dahilan sa ang pagsusulat ay ginagamitan lang ng mata, kamay, at utak (pag-iisip). At minsan kung mamalasin ka mismong isipan mo ang magtutulak sayo sa isang word na hindi mo maintindihan na kahit paulit-ulitin mo mang basahin e talgang wala.

Encyclopedia, thesaurus, English-filipino at Webster Dictionary. Sa tuwing hinahanap ko d'yan ang mahiwagang word na iyon lalong gusto ng ulo kong iumpog siya sa semento hanggang mabasag at kung 'di pa makuntento sasabihin pa sayo "O! eto dictionary lamunin mo nakakahiya ka manunulat ka pa naman!".

Bagito pa lang ako sa larangan na ito, pero aminin ko mang weird ako dahil isa akong manunulat, ako 'yong taong weird na tatanga-tanga at bakit na-isipang magsulat ng walang kwentang libro.

Balik tayo sa history, ang mga bagay na nakapaloob sa librong ito ay hango sa totoong pangyayari at mabasa mo man ito h'wag tangkaing gayahin sapagkat mga experto lang ang gumagawa nito patnubay sa iyong sarili ang kailangan (makakasuhan ako ng MTRCB pag hindi kita paalalahanan.) At kung nanaisin mo man na gayahin gumawa ka muna ng death note, letter o kahit i-type mo muna sa notepad sa iyong computer na nag babala ako sa iyo bago mo isagawa ang planong nabasa sa librong ito.

Mula sa buhay ng tao, katangahan, kalokohan, mula sa lipunan at at at... kahit hanggang sa aking sarili (nakakahiya). Mula sa mga oras na ito ay nagpapasalamat ako sa'yo ng sobrang laki dahil kahit papaano ay pinagtiisan mo itong basahin kahit nakaka-bored ang nakasaad dito. Saludo ako kahit matapos mo ng mahigit isang dekada ang nakasaad dito sapagkat walang kwenta. "Harigato gusaimasta" sa iyo kapatid, kapuso at kapamilya sa kaunting oras na tatangkilin mo ito kahit sa kapiranggot na oras salamat ng marami.


World With "Out" Strangers (Who Am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon