Necessity

9 0 0
                                    


   IWAS PAGTANDA nakabasa kana ba ng ganyan o nakakita na ng programa o commercial na tulad n'yan at kung "oo" ayos di na ako maghihirap pang ipa-intindi ang tungkol dito dahil bago mo pa ito mabasa ay alam mo ang ibig kong sabihin.

Kamakailan lang kasabay ng experience ko na nakilala ang nakakapanindig balahibong si Mariposa dito din sa Cavite nabasa ko ang isang article sa dyaryo ang patungkol dito, at ang di ko maarok e bakit nakasama ang tungkol sa pampatangkad. Ganun naba ngayon pagmatangkad ka bata ka pa rin tignan kahit mahigit shinto dyes kanang nabubuhay sa mundong ito at naransan ang lahat ng bagay?

Ang pinakang matindi pa d'on na parang the best among the rest e yung magsuot ng damit na patayong guhit (vertical lines) linsiyak !! 'yan pati pala pagsusuot ng damit na patayong guhit (vertical lines) ay may effect na sa tao at ito yung uri "DAW" ng damit na nakakapagpatangkad. Kaya pala nabitin si Dagul sa height at di natuluyan pang lumaki dahil hindi sya nag susuot ng ganitong damit (masubukan nga).

Pa'nu naman sa damit na guhit pahiga (horizontal lines) ang effect ba nito e yung hahaba ang katawan mo parang si Bossing si "Lastikaman" WOW !! ha ?! malupit pala kung ganun siguro mga basket ball player laging nagsusuot ng ganung damit para tumangkad sila Nyak!! *astig*

wannabe wannabe..

At meron pa para sa mga kababaihan na magsuot ng sapatos na may takong, wait lang di lang naman kababaihan ang tumatanda diba pati din kaming kalalakihan, pero ikaw lalaki kong mababasa kung tumatanda na ang mukha mo dapat mag takong kana din at sumali sa Marathon paramasanay kanang magsuot n'yan public man o private places.

.

.

.

.

[PROCESSING DATA RECONnECT]

.

.

.

[INITIALIZING]

.

.

.

[SUCCEsSFULLY CONNECT]

.

Balik sa takong sa kababaihan tulad din ng una effect pampatangkad kahit pa mag mountain hiking kau o mountain climbing mag takong ka pa rin kasi sabi "NILA" ang pampatangkad ay pampabata sa mga nagmumuka ng ampalaya kahit shinto dyes kanang nabubuhay. Ika nga "Tallest is like a dream that you always looked ahead " (pauso ko lang yung salita na 'yun) na pag matangkad ka papangarapin ka ng mga kalalakihan dahil mukha ka ngang bata.

Ayon sa teorya nilang di ko alam kung totoo ba o hindi dahil kahit basahin ko ng mahigit 999.9 na ulit ay di ko pa rin maintindihan, na ang mga kababaihan na nagtataka kung bakit ang bilis ng pagtanda ng kanilang itsura. May posibilidad na stress sila o depress sa sobrang pag-iisip. Pero isa lang ang sulusyon d'yan para hindi ka ma-stress at ma-depress subukan mong mag patanggal ng utak(kung meron pag wala ulo) promise di kana stress di kapa depress.

At meron pa kasabay ng pagbabasa ko ng dyaryo meron namang nako-conscious sa kanilang edad at personalidad. Hindi ko alam ang ibig sabhin ng conscious pero ipapaliwanag ko sainyo ang kahulugan nito. Nako-conscious sila dahil din sa pag tanda nila at pagkawala nang sex appeal.

Bata pa ako sa ganitong article, pero nais kong ibahagi ang tungkol dito paki ba nila. Bilang tagasugid at tagasubaybay ni BO at ng iba pang peste gaya ko sa lipunan na wag mangamba sa iyong pag tanda isa sa mga nabanggit sa akdang "Stainless Longganisa" na bentang-benta sa

lipunan na. "Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal.Maniwala ka". Ngunit sa akin naman "Ang lahat ng bagay sa mundo ay nawawala at may katapusan ano mang iwas mo sa isang bagay na alam mong darating sayo ay may kawalan.

Oo peksman cross the heart of my dog. Sabihin ko sayo sasang-ayon sa'kin si BO na isa rin iyang necessity na kailangan mong pagdaanan sa buhay ang pagiging ampalaya balang araw.


World With "Out" Strangers (Who Am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon