Filipino Worth Dying For

24 0 0
                                    


Nga pala, itong mga nagdaang araw napapansin ko maraming mayayabang sa mundong ibabaw mga mahahangin, mahahangin siguro ang utak akalain mo magyayabang nalang maliban sa sinasabi lilibangin ka nila sa mga mala-action moves na wala ka namang pakialam, pag nauto ka bOom! Presto! Isa kana sa mga nai-record nila na parang Guardia na nagre-record sa mga record book nila sa banko. Meron akong mga tip kung saan hindi ka mapapa-ikot ng mga pasmado nilang mga kamay at malaman ang mga kumakalat nilang lahi kung sino-sino ba sila. (1)Makikilala mo sila sa mga suot nilang pam-bagets na mga porma PERO burog naman ang mukha automatic isa s'ya sa mga lipi nito. (2) Yung mga taong magyayabang na maganda o gwapo ang kanilang mga jowa sa mga taong alam nilang hindi pa nakakakita nito at nakakaalam ng tunay na maganda at pangit. (3) Sa mga taong kung pumorma e crush ng bayan at sa piling mo napapatungan ka at kinaiinisan mo. (4) Ang pinaka the best para mautakan mo sila sa bawat pagyayabang nila kung hindi maiwasan oo ka nalang ng oo sakanila sure ako pagkatapos no'n aayain ka na mag soft drinks. Hay naku tao talaga hindi mo malaman kung ano ang mga nasa isip nila.

Isa pang tanong ko sa sarili, bakit kaya may rally ngayon ano ba pinoproblema ng bayan at ano ang dinadaing nila? Rally, mapunta tayo sa usaping iyan. Sila ang mga taong namomroblema sa lipunan at problema rin sila ng mamamayan, mga taong sanhi ng trapiko sa mga nagmamadaling tao, makalat sa daan sunog dito, sunog doon, tambak dito, tambak doon, maingay lalo na kapag ang head nila e may pang-resback na mega phone para sa mga publikanong bingi. Kaya naman pala dagdag din sila sa noise pollution langya! pinuproblema nila ang lipunan, pinuproblema din sila ng sambayanan. Masyadong jologs ang mga raliyista, mga taong komunista, lahing iskortiyonista at para bang mga terorista gagawin ang lahat para lang masunod ang mga gusto nila.

Handa nilang itaya ang sarili para maisagawa ito. Sa haba nang itinagal-tagal ko dito sa Pinas (kahit hindi pa nakapunta ng ibang bansa) at malaking karanasan sa mga nakikibakang mga taong hangad ay ewan ko sa kalye, sa opisina, sa senado at pati ba naman sa iskwelahan? Ito ang mga seleksyon kung sakaling matapos mong basahin ang walang pakinabang na librong ito at maisipang umanib sa kanila.

Jetlogs mga raliyistang hindi malaman ang pinaglalaban at hindi maintindihan ng gobyerno ang kanilang kagustuhan. Sila'y mga tamad magsulat ng mahaba madalas isang pangungusap lang sapat na halimbawa: IBAGSAK! na isisigaw na I-BAG-SAK! o kaya IPAGLABAN! na I-PAG-LA-BAN! kahit sino hindi sila pagbibigyan pa'no? ibagsak? ang alin ang ibagsak? ang pangulo ba natin ang ibagsak o ang Malacanan Palace? At ano naman ang ipaglaban? Ang karapatan ni Robin Hood na magnakaw para itulong sa mga mahihirap? Sila ang mga raliyistang kahit kailan ay di pa nagtatagumpay at paulit-ulit na mangungulit ng mangungulit na parang lamok na bubulong-bulong na "Pakagat".

Barbarian (barbaro) uri ng raliyistang maraming sinasabi, pinaggagagawang mga kaipokritohan at ng kung ano ano,gagawa ng parang pintakasi nila na aakalain mong may giant festival na sarili nilang bantay. Malaking kaasaran sa kanila dahil walang naniniwala sa mga sinasabi nila maging totoo man ito o hindi. Bagay ang tawagin silang barbero bigla nilang susunugin ang mga pintakasing sinimulang ginawa, mga power-tripper salot sa lipunan kalat ang bunga ng mga ginagawa nila sila'y pahirap sa mga masisipag at matyatyagang mga street swippers mga mapagtiis na mga scavengers, sa mga naaabalang mga passengers at lalo na sa mga cast na sikat na sikat na superherong avengers tagapagligtas sa mga taong napeperwisyo dahil sa mga katarantaduhang pinaggagagawa ng mga raliyistang ito.

Tazmaniac ang pinakang matinding lipi ng raliyistang Pinoy may mga malalaswang protocols at may mga hindi maipaliwanag na bagay kung bakit kailangan nilang maging "NAKED". Handang itaya ang sariling kahihiyan laban sa katarungan. Madalas itong makikitang nagse-session sa mga pampublikong lugar at sa mga Unibersidad, ang tangi lang na natatakpan ay ang mga mukha nilang ewan. Ito ba ang effect nang pag-aaral ng kolehiyo patungkol sa sexualidad o baka nakagamit lang ng bahagya ng batong cosmo. Walastik! ang lahing Noypi habang hubot hubad ay nag wawawag-wag si silinggoy sa gitna ng mga nagtitiliang mga kababaihan na sabik sa mga ganitong rally na kanila namang inaabangan na parang isang pelikula sa sine na patok sa takilya.

Deflectors talagang puro kabulastugan ang ginagawa tulad ng Barbarian at Jetlogs, ngunit ang pinagkaiba lamang nito ay kapit bisig ang bawat myembro may pagkakaisa at may iisang pinaglalaban, na sa kanila na lahat ng pollution na lumalaganap sa buong sangkatauhan una "Air Pollution" sa bawat sigaw at pakikibaka nila kumakalat ang mala uhmm.. !! nilang hininga. Pangalawa "Nois Pollution" maliban sa effect na air pollution dahil sa hindi matukoy na amoy, nagdadala din ito ng matinding ingay habang eksaktong nanonood ka ng Doraemon!! Pangatlo "Global Warming" sa matinding init na bumubuga sa kanilang bibig dumadagdag ito at nagko-cause ng Abnormality Climate Change.

Sarsuelista sila ang mga kinatutuwaan kong mga raliyistang Pinoy nakakaaliw ang mga tulad nila pagnakita mo sila para kang nanonood ng Halloween parade sa Marikina at Maskara Festival sa Bacolod puno ng kung anu-ano ang mukha nila hindi ko alam ang ipinaglalaban ng mga raliyistang ito basta ako natutuwa ako sa mga tulad nila.

Paparatzzi mga nagrereklamong mangingisda, magsasaka at magsasako (biro lang hindi ko pa nasa-suggest sa pangulo natin patungkol sa trabaho na 'yan) hindi ko rin alam ang gusto nilang iparating basta ang alam ko laban sila sa gobyerno.

Political Empire bakbakan, senado laban sa gobyerno nagra-rally sila ng kanya-kanya at may sariling speech, hindi nila ito ginagawa para sa mamamayan, kundi dagdag pogi points pagdating ng eleksyon "MGA PLASTIK!!!".

Interesanteng mabatid natin na bakit ba nagra-rally ang mamamayang Pilipino, Americano, Pakistani, at iba't-ibang lahi dito sa mundo. Hindi natin masisisi kung sa ganoong paraan gusto nilang ipahayag ang nais nilang sabihin sa hindi malamang pagpapatakbo ng pamahalaan sa bansa. Naiintindihan ko sila tulad ko lahat ng nais kong sabihin sa mga napapansin ko sa lipunan natin ay dinadaan ko nalang sa pagsusulat.

Nakakatawa nga kung iisipin mo na silang ipinoproblema ng mga earthlings na Pilipino sa trapiko, matinding ingay at sa pagiging makalat may nagagawa din pala silang mabuti sa ating bansa. Naipapahayag nila ng malaya at lakas loob ang bawat problema, naipaglalaban ang katarungan at kalayaang magsalita paukol sa maaring ikabuti ng bansa at sa demokrasyang tinatamasa. At hindi ko ito sinusulat sa ganang aking sarili para laitin ang mga raliyista o maging pamahalaan bagkus nais ko ang magkaroon ka ng kahit papaanong kaunting kaalamang natutunan sa walang kwentang asul na librong ito.

At isa rin sa malaking tanong ko sa sarili, sino ang unang tao ang nakaisip na mag-rally at ano ang ipinaglaban n'ya sa kanyang pakikibaka at sinong unang Pilipino ang nakibaka? Saan ito naganap? Anong istilo ng pakikibaka ang ginamit niya sa nabanggit?

Ganyan ang mga dakilang raliyistang Noypi astig! mabagsik! gagawin ang lahat para lang sa kagustuhan nila handang mag marathon ng nakahubad habang nag ja-jumping jack si totoy at lumalaganap ang toxic dioxide. Saludo ako sa inyo at nagagawa ninyo 'yan ng ubos pawis na may nakatayang kalokohan ah ! este kahihiyan na inyong binabaliwala. "I'AM PROUD TO BE A PILIPINO."

Pasok natin sa usapan extra, ika nga sabi ng mga karamihang banyagang namamasyal sa ating bansa ang laging expression nila IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!!! .. totoo nga 'yon kaya marami ang krimen dahil ini-introduce ang expression ng mga banyagang sira e hindi ibig sabihin ng salitang iyan ay nakatuwa sa Pilipinas kundi ito ang ibig nilang sabihin matapos nilang madiskubre sa Pilipinas ang mga ganitong holdaFUN, kidnapFUN, rapeFun at chop-choFUN tignan n'yo nagpapakatanga tayo sa word na iyan may iba palang kahulugan kung bakit laging expression ng mga banyaga ang salitang nakakainsulto sa bansa natin kahit totoo.

"IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES" astig !! sino ba ang nagpalaganap ng salitang 'yan si Dick Gordon ba o si Dick Supot na pinag de-decatetan ng nakaguhit na ANL sa likod ng upuan na sikat na manunulat na si Bob Ong? o siguro talagang tama lang at nakaligtaan niya ito sa isa sa mga Pulitzer Prize Winning Article n'yang "Ang Paboritong Libro ni Hudas" na isa rin itong necessity na nabubuong parang libag na nasa leeg ko ngayon.



World With "Out" Strangers (Who Am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon