Do you believe the world has end?

9 0 0
                                    


   December 2012 eighteen days to go end of the world na "DAW" ? hahahah... nakakatawa kung iisipin mo bakit kaya ganun ang tao pilit na tinatakot ang sarili gumagawa ng mga bagay na ikaproproblema nila mas matindi pa sila kay Madam Auring o kay Nostradamous kung kilala ko lang sila matagal na akong magpapahula kung kailan ako yayaman. Sino ba talaga ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari? , Talaga bang mangyayari ito? Totoo ba ito? At ano ba ang dahilan ng mga taong nag- direct at gumawa ng palabas na 2012 Doomsday? Napagtripan lang ba nila itong gawin para matensyon ang tao kung darating pa ang pasko o hindi? Siguro gumawa sila ng replicate ng isang lungsod one time may mga taong hindi ko maintindihan bakit tatanga- tanga sila maglaro ng kung ano man ang pinaglalruan nila tumama roon at sa sobrang talino ng tao nagka- idea sila patungkol dito?

Pero para sa aking pananaw ginawa siguro nila 'yon para hindi na gumastos ang tao kasi end of the world na. Kanino ba nanggaling ang teoryang iyan sa calculation ba nang lumang kalendaryo ng Mayan? Abay...!! loko 'tong mga Mayan ah! binigyan pa ng problema ang mga taong walang kamalay-malay sa mga pinaggagawang hindi naman natin talagang maipaliwanag. Isa pa rito ang teorya ng iniidolo kong scientist na si Isaac Newton ayon sa kalkulasyon niya daw mula sa kaniyang panahon ay magugunaw ang mundo sa taong 2060.

Ngunit tutuusin kung aarukin ng utak mong walang laman na parang totoo nga ito, ang daming nangyayari sa mundo merong lindol, typhoon, hale storm, sink holes, pagkamatay ng mga isda at tao sa hindi malamang dahilan (joke lang, 'yong pagkamatay ng isda ang totoo), volcanoes eruptions, tsunami, global warming, sunog, sakit, abnormality climate change, solar storm, pagkakawala sa mga orbit lane ng mga planeta, gyera, pagbagsak ng mga bulalakaw, crisis, pagpatay, at pag ulan ng mga isda mula sa langit? Grabe ah! kung uulan nalang bakit hindi pa naging pera total mag- end of the world na atleast naging masaya pa ang tao sa mga huling araw nila.

May mga tao talagang hindi nila mapigil ang sarili patungkol sa end of the world or judgment day or rapture or revelations or kung ano man ang tawag nila. Sa mga panahon na dumarating ang mga kalamidad na ganito bakit ang unang iniisip ng tao e katapusan na ng mundo ano bang mundo ang tinutukoy nila ang sarili ba nilang mundo o ang iproproblema ng buong mundo? Dahil sa mga hindi maipaliwanag na bagay kaya ang tao gumagawa nalang ng mga uri ng pangyayari na ikasisiya nila at ikakatensyon ng marami.

Sa mga teorya- teoryang iyan e pakiramdam ko dagdag pa sila sa mga isipin at problemang nag papasakit ng ulo mo, niya, nila, sila at ako. Nagtataka nga ako bakit isinulat ko ito at tila bagang pinoproblema ko na e marami na akong problema sa buhay dumagdag pa ito at kung totoo nga ang bagay na iyon kung palaring di pa mangyari sa sinabing petsa salamat, pero kung mangyari nga magdasal-dasal kana at humingi ng tawad sa mga pinagkasala mo malay mo huling oras mo na... *Joke ulit*. Ano kaya simula bukas mag paka uhm! na ako...?

+Pray+


World With "Out" Strangers (Who Am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon