Who is TGT Nonsense Author

11 0 0
                                    


    "Tan Gang Tao" 'yan ang pangalang madalas itawag sa akin, hindi ko alam bakit yan ang panangalang ibinansag nila, pero tanging nasa-isip ko weird ang pangalan na ito.

Ang buong pangalan ko ay Tasiony "Bartolomew" Gangis Tao sa tunog pa lang ng unang word e tunog pangmatalino na, pero wag ninyong isipin 'yon dahil marupok pa sa tungaw ang utak ko. Balik tayo sa pangalan ko .

Hindi ko nga maisip (kung meron) bakit naisipan ng pamilya ko na ganyang pangalan ang ipagkaloob nila??!! Kasumpa-sumpa, kasuklam-suklam at nakapagod isulat na halos maubos ang tinta ng ballpen ko sa pagsusulat sa pangalan kong ito.

Tulad ni "BO" hindi ako hapones at higit sa lahat hindi din ako intsik o tsinoy at lalong hindi ako unggoy tulad ng inaasahan ko na reaksyon mo sa kakaiba kong pangalan. Pero malaking palaisipan sa maliit kung kokote-- ay ang bakit ito ang ibinigay sa aking pangalan dahil hindi naman ako singkit!! Fetus pa lang ako mas malaki pa ang mata ko sa mga addict, kwago at kung mag kasukatan pa tayo ng mata mas malaki ang akin.

Tutuusin wala namang umiidolo isa sa magulang ko sa mga singkit (noon) liban sa tatay ko na addict na addict sa pagpanood ng mga palabas na walang dakong patutunguhan nila Bruce Lee at Jackie Chan. Kung 'yon man ang malaking dahilan sana isa sa kanila ang pangalan ko booonggggga pa..!! at posibleng mauso ang K-Pop no'n dahil wala pa ang Wondergirls at U-Kiss.

Kung ikaw ang nasa ganitong pangalan baka isipin mo pa na magpakamatay. Kahit ako naisip ko na 'yon pero pinigilan ako ng konsensya kong mapang-alipusta, pinigilan n'ya ako hindi dahil sa mawawala kaming sabay sa magulong mundong ito, kundi mahal ang palibing at kabaong. At kung sakaling mabigo ako sa gagawin kong karumaldumal mahal ang magpa-confine at bumili ng gamot sa ospital, biruin mo magkakonsensya ka kaya ng maskuripot pa sa ninong ko surely mayaman kana ngayon.

"Tan Gang Tao" ayan na naman, pagtinatawag ako ng mga kamag-aral ko mula grade school at high school agad kong sinasabayan ng word na "PLEASE DON'T CALL MY NAME FAST". Dahil nagkakaroon ng kahulugan at baka masapak pa kita ng di oras (kahit di ko kaya panakot lang). Hindi na ako umabot ng kolehiyo at hindi na rin nagbalak na mag trabaho dahil sa malaking kahihiyang naka-atang sa balikat ng pangalan ko na bakit sa dami-daming pangalan sa mundong ibabaw bakit ito pa ang na-isipan nila, bagama't tulad ng dati makulit ang tao paulit-ulit nila pa din akong tinatawag ng pangalan na halos walang space ang bawat words.

Minsan napapalingon ako pag may nagsasabing "Tangang Tao 'yon" na halos mahigpit na niriin ng utak ko ang word na si "Tan Gang Tao 'yon" at biglang mag blubluff!! sa utak ko na tanungin kung kilala nila ako dahil sikat na ang pangalan ko, pero nalinlang ako ng tenga kong bungog at tulad ng nakasanayan pahiya na naman at panibagong record. Baka dumating ang araw na nasa Guiness World Book of Record na ako sa kadahilanang pinaka maraming kahihiyang natanggap sa balat ng lupa (kung may balat ba talaga ang lupa?).

Aaminin ko sayo na aking tagapagtangkilik ng librong itong walang kwenta ang nilalaman dahil walang kwenta din ang author na ang nanay ko ay lahing Spanish at ang tatay ko ay pure Pilipino... Atin-atin lang 'yan wag n'yong ipagsasabi, ipangalat o i-pose sa FB n'yo ang patungkol sa mga ito. Matapos mong basahin lahat ng mga nakasaad dito. Kung maari itapon mo at kalimutan ang lahat ng nabasa tulad lang ng pag kokorsilyo madali lang naman diba at wag sasabihin kahit kanino ang mga sikretong nakapaloob dito dahil baka kumbinsihin ko ang sarili kong mag paputol ng ulo (leeg) sa Saudi dahil sa pangalan ko.

"TAN GANG TAO" tinatawag nanaman ako ng katutubo kung baliw na kapitbahay na sobrang kulit sa lahat ng mga makukulit. Dyahee.. sa susunod ko nalang ipagpapatuloy ang mga sumusunod na talata sa sunod kong librong ipapalimbag"KAPAG" di ko nakumbinsi ang sarili ko na mag paputol ng leeg sa Saudi dahil sa pangalan ko !!!

@Bulong@

*Di naman ako tanga ah.. Bobo lang ..*


World With "Out" Strangers (Who Am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon