NBI- No Bad Influence

12 0 0
                                    


  Kanina lang sa pagbabasa ko tungkol sa isang stimulant book may nakapansin sa akin kaya't nagimbal ako at ang tingin niya sa'kin e gumagamit ako ng drugs (pero imagine ko lang naman iyon.) lumapit s'ya at bahagyang nagtanung (nanlalaki na ang mga mata ko na halos matanggal na sa aking ulo.) "saan mo nakuha ang libro na 'yan! pwede pa share ?" kinabahan ako at natensyon kasi mukha siyang killer. (sa pagkakaakala ko lang iyon dahil tensyonado ako, pero sa totoo lang peksman mabait s'ya.) napasagot na lang ako ng "ah... eh... ih... oo sige." sa pagbabasa ko ng stimulant book na hindi ko naman alam bakit binabasa ko iyon na wala namang kinalaman sa akin dahil hindi naman ako addict, marami akong nalaman sa mga iyon at maraming tanong ang nabuo sa kakapiranggot kong utak na mahigit siyam na pong bilyon pito na raan at pitong pu't pitong milyon, dalawang raang libo at apat na po't siyam o

(900, 777,200,049) na tanong na nabuo, pero hindi ako si Einstein para maka-isip ng ganiyan karaming tanong. Ngunit kahit papaano may nabuo pa ding 20 questions at bibigyan ko kayo ng ilan kung bakit na adik ang tao sa drugs?

*Bakit nagda-drugs ang tao?

*Anong dahilan ng pagda-drugs nila?

*Paano nila nagagawang mag-drugs?

*Dahil saan ang pagda-drugs?

*Ano ang iniisip ng tao para magdrugs?

*Bakit kailangan mag-drugs

Pero ang ipinagtataka ko bakit sa anim na mga tanong ko iisa lang ang sagot (pito talaga lahat 'yon promise.) pagna-itanong ko na ito sa isang taong adik na adik at high na high sa ipinagbabawal na gamot. Bukod sa teorya ni Roberto "Bob" Ong sa kaniyang librong "APLH" (na hindi ko alam kung siya ba talaga ang nagsulat ng itim at nakakatakot na libro na iyo.) na ang tunay na demonyo ay puti solid at hindi kaluluwa na pagsumapi at nalanghap mo ang aura nito ay masahol pa kaunti ang effect kung ikukumpara sa gobyerno natin, pero tutuusin tama nga naman siya at may natutunan ako dagdag sa iyong kaalaman na ang paggamit sa nasabing usapin na tatawagin nating batong cosmo. Liban sa ito'y nakahuhumaling sa paningin ng mga namamayat at mga nanlalaking mga mata, mapababae man ito o lalaki nagdadala din pala ang mga taong gumagamit nito ng mga di maipaliwanag na lakas gaya ni green Hulk, imahinasyon ni Sponge Bob, kakulitan tulad ni Tom and Jerry, katangahan tulad ni Patrick the starfish at papansin tulad ni Johny Bravo at maliban na parang baliw na nagsasalita tulad ni Dexter ay biglang may bubulong tulad ni Buzz at higit sa lahat magiging henyo na didiskubre ng kung ano-ano tulad ng magkapatid na Phenias at Ferb. Animatic ang dating pag tinablan kana ng nasabing bato, saka nga pala ang pinakang sagot na na-survey ko sa lakas at tibay ng loob na pagharap sa kanila, simple lang problema--- problema sa pag-ibig, problema sa pamilya, problema sa magulong lipunan, problema sa pera (kahit may pambiling batong cosmo) at ang isa pang MALUPEEEEETTT...!! yung testing lang kung anong feel matapos gumamit ng batong cosmo, na pagkagamit ay parang mala-Darna ang side effect. Wow!! Nakakabilib sigurado ako may mga sidekick din sila tulad ni Ding.

Addiction, like so many things in life, is complicated. It takes its toll on a person both physically and mentally.

Ayon kay Dra. Nora Volkow (Director of National Institute of Drugs Abuse) sa article niya sa Time magazine na ang paliwanag niya ay:

"Some people have generic predisposition to addiction, but because it involves these basic brain function, everyone will become an addict the sufficiently exposed to drugs or alcohol."

Marami din pa lang class ng addictions item merong dahon, likido, at mga kontaminado ng drugs na nagagamit ng mga normal at abnormal tulad ko, pero sa mga iyan ang alam ko lang ay yung dahon, ang masamang damo na tatawagin nating Maryjane, nakakita na ako nito sa personal ginagamit ng mga tropa kong adik. Madalas akong napatritripan ng taong nahuhumaling sa alindog ni Maryjane na hindi ko naman alam kung bakit? Hindi naman ako gumagamit no'n tulad ng tropa ko, pero sa akin madalas ang bagsak. Ahem! Bagsakan na ba ako ng mga adik SIYEEETEE... naman talaga.

Ang Maryjane ay tinatawag na five finger leafs astig!! may Maryjane, aluminum foil at lighter paghirap kandila hiram pa sa kapitbahay solve kana mag mumuka ka ulit Mr. Suave, kaso mababa nga lang ang amount ng amats ang makukuha mo dito hindi tulad ng batong cosmo. Parehas unique pagtinablan kana, ngunit isa ka pa lang bigginer sa ganitong addictions kaya papadala ka muna sa alindog ni Maryjane o kung kaya ng bulsa gumamit ng batong cosme na mala-Darna ang style. (Oppss!!!... paalaala baka makasuhan tayo ng panghihikayat sa masamang gawain TANDAAN h'wag tangkaing gayahin pagkat eksperto lang ang kayang gumawa nito.)

May napansin ako wala s'ya sa mga stimulant, pero nasabi sa akin ng naki-share sa binabasa ko meron pang ibang bentang-benta sa mga batang hamog (batang kalye) hindi ito solid, liquid naman ito, malagkit at madikit medyo mamula-mula nasa bote at ang pagkakaakala ko isa itong laro sa America 'yon pala ito talaga ang tunay nitong pangalan. Tanong ko ulit sa sarili bali-pangwalo na ito na bakit ba nila naisipang ito ang ipangalan sa nasabing likidong nakaka-addict, kaya siguro malakas, maliksi at kayang pang kardagan sa tangke ang mga player nito ng dahil lang sa pangalan o 'yong effect matapos gumamit ng mahiwagang likido WATTASIYEEET... matindi! Liban sa mura tuyot pa ang mamasa-masa mong utak at ang feel mo e para kang si Vash ng Triguns at Dante ng Devil may cry at pwera pa sa amats nito na nakukuha at vitamins na mapupulot sa hindi maipaliwanag na ka-astigan at angking abilidad.

Meron ring tinatawag na solvent tulad rin ng impact ng nasabing laro. May fraternity kapa brotherhood welcome to the world of addiction.

  Matindi na ang tao ngayon gumagawa na ng pampalakas sa iniinum, tinuturok, hinihitit at sinisingot. Isa din ako sa mga taong bilib at sumasaludo sa mga taong pilit na pinipigil, pinupuksa, at walang tigil na ginagalugad ang mundo para mapahinto ang transaction na ito. At ang taong handang lumaban hanggang kamatayan para lang magapi at maiangat sa mabuti ang bawat nalululong sa segundo at minutong tumatakbo tulad sa mga oras na nagbabasa ka ngayon.



World With "Out" Strangers (Who Am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon