Chapter 2: Start

53 8 2
                                    

Bukod kay Jemma, Close friends ko din sina Angel, Michelle at Krizzy. Mula kasi nung nauso ang K-pop, ayun hindi na kami masyadong nag kakausap ni Jemma, mas dumami naman ang nakaclose ko kaya okay lang.

tulad nga ng sinabi ko, tahimik lang ako kaya, kahit same padin yung mga classmates ko simula nung 1st year hanggang ngayon, konti lang halos ang kaclose ko, pero lahat naman sila friends ko, wala pa naman akong nakaaway.

halos isang buwan din ang lumipas, at next week, hindi na kami dito sa gym mag kaklase, dun na sa bagong ayos na classroom, hehe.

"Hon," heto nanaman siya, sanay na ko. naisip kong sakyan na lang to eh, nakakapagod din kasi mastress ha,

"yes?" with matching ngiti yan ---> (^-^)

"sabay ako sa inyo mamayang lunch,"

tumango lang ako saka tumalikod.

Lately, lagi na yang sumasama samin, hmm.. siguro kay Krizzy lang kasi kababata niya yun eh, tapos syempre kasama namin yan si Krizzy kaya ayun, basta ganun.

Yung Class namin, kung idedescribe ko , may grupo grupo,may k-pop group, ayan sila jemma, merong mga dancer, singer, tapos kami nila krizzy, at dahil mag cclassmate na kami mula pa nung 1st year, ayan, sobrang mag kakaclose na sila, oo sila, d ako masyadong kasali, section 2 kami kaya, kailangan namin mag maintain ng grades.

at dahil binubuo ang klase namin ng mga talentadong nilalang, lahat ng pacontest dito sa school, lagi kaming kasali sa mga nanalo, kaya galit ang section 1 samin, kasi lagi silang naiikumpara samin.

"uy guys, bukas ha? kila Faith tayo gagawa ng props. mag dala rin kayo ng extrang paint brush." sabi ni Cynthia, pag dating naman sa ganitong panahon nahahati naman ang class sa dalawa lang, yung mga taga gawa ng props, at yung mga nag peperform. Ako? syempre sa props.

Yung Contest pala para sa buwan ng wika. Sabayang bigkas.

***

Natapos na namin lahat ng preparations,dumating na rin yung araw ng contest. one week din namin itong pinag handaan kaya alam kong mananalo kami. Nalipat na rin kami sa bagong room.

"Guys, okay na ba lahat? 10 mins pa , bago mag start."

sabi nung isa kong classmate.

Yung mga classmates ko hindi halatang kabado panu mga nag haharutan pa yan eh. Lumipas ang 5 mins.

"Okay! Tayo na, Let's pray, Cynthia, ikaw na mag lead."

ugali na talaga namin yan. bago sumabak sa bakbakan,

"Lord, nag papasalamat po kaming lahat, at natapos namin ang mga dapat gawin at nandito kaming lahat, sana po patnubayan niyo kami mamaya, at lagi niyo kaming iingatan. . . (AMEN!) "

"kamay sa gitna!"

"1, 2, 3! Go!"

***

Tulad ng inaasahan, nanalo kami, 2nd place pero masaya na kami dun.

"guys! birthday ni Chynthia! kila Faith daw tayo!"

Sadyang maligalig yung mga classmates ko kaya kahit umuulan, pumunta na kami kila faith, nag enjoy din ako sa paliligo sa ulan, lagot ako nito pag uwi.

Napili nilang mag celebrate kila faith kasi medyo maluwag yung space sa labas ng bahay nila. Syempre nuh, sa dami namin di kami pwede sa loob ng bahay.

kantahan sila ng kantahan, habang nag lalakad papunta kila Faith walking distance lang, yung iba may kanya kanyang pinag uusapan, ako? heto, nanunuod lang at pinag tatawanan yung mga kalokohan ng mga classmates ko.

Ang pinaka nakakatawa pang part yung nadulas si Raizen, tawanan din yung iba kong classmates, pero matapos nun hindi ko na siya nakita.

Nang makarating kami kila Faith simple lang ang handaan, kainan lang, tapos tuwing lumalakas ang ulan, hala sige kami ligo.

Napaka memorable nun sa'kin, dahil mula nung 1st yr, ngayon ko lang nararanasan ang mga ganitong bagay. Dati kasi, school at bahay lang ako.

matapos nun, yung iba nag kanya kanya nang uwi, yung iba, hinatid si Chynthia, ang desisyon ko ay sasama nalang akong umuwi pero ewan ko ba, parang gusto ko biglang sumama sa iba na mag hatid kay Chynthia.

malapit lapit din yung bahay nila kila Faith kaya lakad kami ulit, wala akong ka close sa mga kasama ko ngayon kaya nakikisabay at nakikinig lang din ako sa mga pinag uusapan nila.

Naunang nag lalakad sa harap namin sina Chynthia at Raiven, mukhang seryoso yung pinag uusapan nila. Nang makarating na kami isa isa silang bumati saka yumakap sa kanya.

matapos nun lakad na ulit kami papunta sa may sakayan, medyo nahuhuli ako, sakit na ng paa ko eh, sa unahan ko si Yuri at Raizen, sa unahan nila ayun yung iba ko pang classmates.

"ayos ka lang pre?" tanong ni Yuri kay Raiven.

"oo,sanay na ko." sagot niya.

"okay, pag gusto mong pag usapan, tawagin mo lang ako."

"sige pre,salamat, pwede bang sa inyo muna ako matutulog ngayon?"

"okay lang, teka may itatanong lang ako sa kanila." tumango lang si Raizen.

hindi ko alam pero kapag tinitignan ko siya ngayon parang naawa ako, ang weird ah? kaya nilapitan ko siya.

"huy! Napano yang nasa braso mo?" may sugat eh medyo malaki. itinaas niya.

"nung nadulas ako kanina," tapos naalala ko yung kanina tapos natawa na ako.

"hahaha, oo nga, kasalanan mo eh nilalaro mo yung baha,"

"uy hindi ah! sakit nga eh,"

"haha tignan mo, hugis punctuation mark! ayos! pag naging peklat yan parang tatoo. hahaha."

"hahaha, oo nga noh! " marami pa kaming pinag kwentuhan, tawang tawa kami pareho sa mga kwento niya, sumali na rin samin si Yuri nung huli.

Ngayon ko lang nalaman na nakakatawa to si Raizen, ngayon lang din ako tumawa ng ganito na ang kausap ko, lalaki.

simula nun, lagi na kaming mag ka text at minsan mag ka chat pa.

~~~

(a/n):

Belated Happy Birthday Insaaann! Love Love! Aaraiia_Riisu!

Pinublish ko na to kahit d pa ako ready para lang mabati ka!. xD

more birthdays to come! :)



So This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon