Chapter 13

29 4 2
                                    


Raizen P.O.V.

Umaarte nanaman si Chynthia na parang kami eh, hindi naman kami nag uusap tungkol dun. Hinihigpitan niya nanaman ako, nag aaway nanaman kami ng hindi ko alam kung bakit.

Tapos ang lumalabas nanaman akong masama? Tapos parang pinalalabas niya din na makikipag break nanaman siya sakin.

Wala na nga kami di ba? naguguluhan na ako.

Sawang sawa na ako sa ganitong sitwasyon, sakal na sakal na ako.

Pero bakit ba hindi ako makawala?

Napaka duwag ko ba? Ano bang kinakatakutan ko?

Ano bang gusto kong mang yari?

Badtrip naman oh. Para na akong tanga dito. Hindi ko na din naman matext si Romina, kahit kating kati na akong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.

Bahala na!

Bigla kong idinial ang no. ni Krizzy, kahit halos madaling araw na.

Wala na akong choice, siya na ang pinaka nakakakilala sakin bukod kay Gabby, yung best friend ko, di ko naman din yun macontact. Di ko rin maaasahan ngayon si Yuri, panu tulog mantika pa naman yun. Hayss!

Nag ring lang ng ilang beses tas sumagot din,

"ANO BA NAMAN OH, LAKAS MO NAMANG MANG ISTORBO DI BA? ANO BANG KAILANGAN MONG KUMAG KA??!" galit na galit si Krizzy sa kabilang linya.

"Krizzy please may itatanong lang ako."

"bilis! sayang yung tulog ko."

"Ano bang gagawin ko kay Chynthia? kasi di ba. . uhh alam mo naman yung sitwasyon ko. . tsa-"

"Alam mo, kung ako sayo paninindigan ko nang hindi ko na mahal yung taong yun, ewan ko nga ba sayo panu ka nakakatagal jan. eh ano naman kung awayin ka? sus! kalalaking tao."

" ah, sige, panu naman kung may iba na ak-"

"Alam mo, kung ako sayo sasabihin ko na dun sa taong yun na mahal ko siya, kasi mahirap yung nag tatago ng nararamdaman, kasi minsan yung iba nawawalan na ng pag kakataon,tapos baka maunahan ka pa. masasayang lang di ba? sus! first time mo?? first time mo??"

"haha! Baliw ka talaga, para kang mang huhula, ay mali! mang kukulam pala! haha! "

"ANAK NG! AKO PA TALA--"

"SALAMAT!" pag kasabi ko nun ibinaba ko na, na encourage niya ako lalong sabihin kay Romina yung nararamdaman ko. Syempre, hindi ko bibiglain, pero itatry ko nang mag paramdam.

Sisimulan ko na rin layuan si Chynthia, sasama na ulit ako kay Romina at sa mga baliw niyang kaibigan.

tinext ko naman si Yuri.

~~~

to: YURI

dre, sa saturday ulit kila Romina.

~~~

Sa ngayon, mag papahinga na ako. Nakakapagod na sobra.

ROMINA's POV

Nagising ako sa kahol ng tuta? wala naman kaming aso ah? huhu, baka sa kapit bahay. Ano ba yan antok pa ako eh.

Tinakpan ko ng unan yung tenga ko tsaka tnry bumalik sa tulog pero. . .

"ATE!! ATE!! GISING!! " inaalog na ako ng pinsan kong si Hailey! Sa gulat ko, napabangon ako bigla. Tapos nag panic na din ako.

"ANOO?? ANONG NANGYARI ? MAY SUNOG BA?!" Tanong ko na pasigaw din.

So This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon