Chapter 15

53 4 0
                                    


Romina's POV

Inopen ko yung text message na galing kay Raizen.

~~~

from: Raizen<3

Sorry

~~~

Huh? bakit naman siya nag sosorry? dahil ba sa nakita ko? eh? wala naman ako kinalaman dun.

Pinili kong hindi na lang siya replayan, di dahil sa hindi ko gusto, di lang talaga pwede kasi mag papa quiz na si ma'am.

Mamaya na lang siguro pag uwian.

Raizen's POV

Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Romina ngayon, di ko naman alam na ganun ang gagawin ni Chynthia eh, mas lalo naman hindi ko alam na makikita yun ni Romina.

Bakit pa kasi pumayag akong mag usap kami ni Chynthia eh.

(Flashback)

Dumiretso na ako sa labas pag ka daan ko kay Romina. Hindi naman talaga ako galit eh, nag tatampo? siguro.

Gusto ko lang naman din siyang makasamang mag recess.

Pinaloadan ko talaga siya kahapon para maka usap ko siya at saka maipag patuloy yung kwentuhan namin kahapon.

Malay ko bang wala sa kanya yung cellphone niya, okay na rin siguro yung nangyari. Siguro mas maganda sa personal ang pag kwekwentuhan.

Kaya heto inaya ko siyang ilibre ako ng ice cream mukha naman payag siya. Pero di ako mag papalibre nuh, mag papasama lang, para makasama ko siya.

Habang hinihintay ko sa may hallway si Romina, dumaan naman si Chynthia at ang barkada niya.

"Oh? bakit nan dyan ka? Hindi ka nanaman ba mag rerecess?" sabi niya.

Oo, hindi ako usually nag rerecess, bakit? kasi pinang dodota ko? Oo siguro kung pinapayagan niya ako,

Mas madalas yung kumakain kami sa labas.

"May hinihintay lang ako."

"Guys, una na kayo, sunod na lang ako sa canteen."sabi niya kila Mae. Naiwan siya dito.

"ah, okay pwede ba kitang maka usap?" tanong niya.

"may hinihintay nga ako di ba?" pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko,

"sige na sandali lang naman eh,"

"Ano ba yun, sabihin mo na"

"Pwede bang wag dito? uhhm, dun na lang tayo oh," sabay turo sa may gilid ng poste sa labas,

Pumayag na ako, saglit lang naman siguro yung sasabihin niya.

"Mhine. . ." akmang yayakap sakin , medyo umusod ako.

"Ano ba yung sasabihin mo sakin?"

"uhh, mhine, pasensya ka na ha? dami ko nang kasalanan sayo, alam ko hirap na hirap ka na sakin, sa kalagayan natin, lagi kitang dinidedma"

Tahimik lang akong nakinig, wala naman akong dapat sabihin.

"mahal na mahal kita!Please! underestand! sayo lang naman ako eh,pero ayoko muna sa ngayon ng commitment, babalik ako mhine! promise! pero not now, siguro kapag mature enough na tayo, kasi hindi ka nag sasawang mag pakatanga para sakin.!"

"Tapos ka na ba ?? " sawang sawa na ako chynthia. Tumalikod na ako kahit hindi pa siya samasagot.

"wait! sorry ! sorry! sorry! talaga! basta nandito lang ako for you! I Love You!" at hinalikan niya ako, wala, wala na yung pakiramdam na katulad ng dati.

So This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon