Chapter 9

29 5 0
                                    

Romina's P.O.V

Tentenenen! Weekend! Kaya heto, linis at laba ang peg ko.

Pag tapos nito, mag kakaroon kami ng quality time ng mga baby ko xD (anime)

Tagal ko na kaya di nakapanuod, 1 day ago na. XD

Mag isa lang ako ngayon sa bahay. Yung tita ko, busy un sa work , ganun din yung hubby niyang si tito Ryan.

Si Hailey naman nandun sa lola niya naka stay every weekend.

Yung lolo ko naman, malakas pa daw siya kaya ayaw niya pang tumigil sa work niya.

Kaya naman... solong solo ko ang bahay! At syempre ang tv! Hehehe.

Nang matapos ko yung mga gawain ko, inasikaso ko naman sarili ko.

Sinalang ko na yung bago kong cd nang may kumatok sa pinto.

Kasabay ng pag tunog nung cp ko. At dahil mas malapit yung cp ko yun ang una kong tinignan.

~~~
From:asungot
Malapit na kami jan.
~~~

Eh!? Napabalikwas ako bigla pag kabasa ko, baka sila na yan? Kanina pa siguro tong text minsan kasi delay ang dating ng message. tumakbo ako papunta sa pinto para buksan yun.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko kay Raizen na salubong ang kilay at kay Yuri na ngiting ngiti.

Anong problema ng mga to.

Nagulat naman ako nung hinawakan ni Raizen yung ulo ko. Tinap ng mahina.

"Ikaw! Wag ka ngang bukas ng bukas ng hindi mo pa tinatanong kung sino kumakatok!" Sabi niya sabay pasok ng bahay. Hala feel at home??

"Eh! Bakit nag text ka naman ah! Kaya alam kong ikaw yun.! " sagot ko.

"Sasagot ka pa? Eh panu kung hindi ako? Panu kung masamang tao? Edi napahamak ka?!" Hala galit na.

Natameme ako, wala na akong maisagot eh.

"Easy lang pre, haha. Romina, pasok na ako ah. Nakalimutan niyo na ako sa labas eh." Singit ni Yuri.

"Bakit ba kasi kayo nandito?" Tanong ko ulit.

"Dinadalaw ka lang namin, bawal ba? " si Yuri ulit ang sumagot, si Raizen kasi tahimik na nakaupo sa may sofa.

"Eh, bakit naman ? Anong meron?" Tanong ko ulit.

"Trip lang namin" si Raizen na yan.

"Sinong kasama mo dito.? " tanong niya.

"Wala sila eh, uhh..?" Ano ba yan di ko alam kung panu sila ieentertain, minsan lang naman kasi ako mag karon ng bisita.

"Tignan mo na," sabi ni Raizen.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Sa susunod wag kang bukas ng bukas ha? "

"Naks, naman pre!" Sabi ni yuri.

"Oo na po, daig mo pa tatay ko ah. "

Natawa na sila after nun, wala to baliw na talaga.

Kung ano ano lang ang napag uusapan namin. Nag tour sila sa bahay, syempre ako tour guide.

Ewan ko ba jan sa mga yan, naisipang mag libot libot sa bahay. Buti na lang talaga nag linis ako.

Hindi uso sa bahay na to ang pictures kaya boring daw. Nanuod nalang kami ng anime.

Actually mas nakakaenjoy manuod ng may kasama, kaso ang gulo nila papalit palit ng cd kada makakaisa kaming episode lang na gusto nila.

Okay din pala tong si Raizen, dami din alam sa anime! Sarap maging buddy buddy.

So This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon