37: Journey

473 11 0
                                    

.Ayan medyo sunod sunod na update kasi, sinisipag. At hindi busy =P gusto na ding tapusin hehe.

37: The journey starts…

[Ranz POV]

Umuwi ako agad, nung nalaman ko yung balita. Syempre Masaya ako, dahilmukhang okay na kami ni Trisha. Pero super naexcite ako, hindi man lang sakin sinabi ni Papa na siya pa pala yung magiging daan sa pagtupad ng pangarap naming Chicser.

“Pa??” Pumunta ako ng kusina ng wala akong dinatnan na tao sa living area namin, sakto namang andun si Mama,  “Ma, si Papa?” Tanong ko kay Mama, mukhang naghahain na ng dinner si mama. Late dinner na ata gawa ko. >_<

“May pinuntahan lang Ranz..anak yung dalawang kapatid mong babae samahan mo nga bukas sa Birthday , 18th birthday nung pinsan niya. Magchaperone ka dun.” -_- mama talaga.

“Ma, eh..may GT kami bukas.” Sumayaw ako ng konti sa harap niya. “Di kopo alam kung anong oras makakauwi eh. Hehe.”

“Anong oras ba magstart yun anak?? Tsaka biglaan ata. Ngayon mo lang nasabi eh.”

“Eh, si Papa sisihin niyo. GInulat kami. Siya yung may contacts dun sa sponsor.” Nagulat naman siya sa sinabi ko. Napatingin siya sakin, binaba yung hawak hawak niyang tasa.

“Naku naman..” =__= ginulo ni mama buhok ko. “Bigboy na ang baby ko, proud ang Mommy mo.”

“Ma talaga. Salamat po kung ganun. Hehe. Punta po or nood kayo bukas.” Ngumiti lang siya , pero…

“I think di ako makakapunta, eh di mo masasamahan yung dalawa. Ako na lang yung sasama. Baka Papa mo lang makapagayos. Sorry Ranz.. si Baby niana , baka isama ko na din. EH, si Tita Fatima naman eh kilalang kilala tayo. Di na rin nakakahiya pumunta, at least may bonding din kaming girls, kayo ng Papa mo, okay lang ba nak?”

Tumango tango ako. Ngumiti ako sa kanya..

“Okay lang Ma, basta sa susunod punta kayo ha.”

“Oo naman, pag di busy si Mommy. Tara na kain na tayo, pakitawag na lang yung dalawa mong kapatid sa taas, eh kanina pa online dun. Kukunin ko na si Niana.”

“Opo ma,”umakyat nako ng hagdan, at si Seah, nakatutok sa tablet, si Nina naman..Nakikinig lang ng mp3. Naguusap pa kaya tong dalawang to?

“Nina, Seah. Kain na daw tayo. Papalit lang din akong damit, bumaba na kayo. Sunod nako.”

“Sige Ranz/Kuya.”

Pagkatapos nagpalit nako ng damit, pagbaba ko eh. Nakita kong papasok palang ng pinto si Papa. Niyakap ko si Papa, yakap mag-ama ba.

“Balita?”

“Pa, talagang si Ully pa nasabihan ng una. Magkakasama kami kanina, sobrang nasurprise kami!”

“Eh syempre, haha. Alam ko namang handa na kayo, kahit bukas nayun. Alam ko yata na may mga performances din kayo sa school.” Binaba na niya yung gamit niya sa sofa, tsaka dumeretso na kami sa kusina. Humalik muna siya kay Nina, Seah at Mama. Sabay kiss sa noo kay Niana.

Sabay kaming naupo sa magkatapat na dulo ng lamesa.

“Hon, proud na proud ako sa Anak mo. Alam ko malayo ang mararating niya.” Ngumiti si Mommy Elcid. Natutuwa ako syempre, dahil kahit di kami tunay na anak ni Tito Nino, eh may ginagawa pa rin siya para samin. TInuturing niya kaming tunay na anak ni Nina.

“Anak natin.”

“Anong meron?” :O Si Seah at Nina walang kaalam alam eh.  Ang kulit.

--

I Juander Why Chicser? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon