Autumn's POV
*kring kringggg*
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tinignan ang oras.
"Alas syete palang pala.. Alas syete?! :o 7:30 ang pasok ko! Waaaah!"
Napabalikwas ako ng bangon ng marealized kong tinanghali ako ng gising. Jusko naman! First day na first day of school tapos late ako? Wow ha! Ano ba naman kasi 'tong alarm clock ko na 'to! Di naman ako tinalaban eh. Lintek! Dali-dali akong pumunta sa CR para maligo.
*after 20 minutes*
Madalian akong nagbihis at nag-ayos. Wait, naipakilala ko na ba ang sarili ko? Hi, my name is Autumn Harrison. 17 years of age. A girl who loves sleeping, eating and listening to musics.
I'm the youngest member of the family, unica hija din. Mayroon akong isang nakakatandang kapatid, si kuya Winter. I'm currently studying at Holy Angel University. 1st year college. Yes, college na ako. Yung kuya ko naman is 2 years older than me so he's 3rd year college now.
Pagkatapos kong mag-ayos eh lumabas na ako ng kwarto ko para bumaba at kumain.
"Goodmorning, anak", bati sa 'kin ni Mommy paglapit ko sa kanila.
"Goodmorning, Mom! Goodmorning, kuya!", nakangiti kong sabi.
"Goodmorning, lil sis", sabi naman nung kuya kong minsan hindi ko alam kung pinaglihi ba sa aircon dahil sa daig pa ang lakas ng hangin ng bagyo. Jusko. Pero mahal ko yan, kahit na madalas kami mag-asaran eh kung mag-care naman yan, grabe.
May pagka-overprotective nga lang sa 'kin yan si kuya.
"Oh, anak? Kumain kana muna at baka mahilo ka pa mamaya. Anong oras nga ulit ang pasok mo?", tanong sa akin ni Mama at doon ko lang narealized na medyo wala pala ako sa sarili ko. Puyat din kasi ako kakabasa ng Wattpad eh. Hays.
"Ay! Ano po yun Ma?", tanong ko kay Mama bigla namang sumingit yung magaling kong kapatid, "Epekto ba yan ng kababasa ng Wattpad, lil sis? Nawawala sa sariling pag-iisip? Nako, itigil mo na ang pagbabasa ng mga storya doon ha? Baka lumala pa yan.", seryosong sabi ni kuya Winter.
Binigyan ko siya ng "Seriously-kuya?-look" at tinawanan niya lang ako. Kuya Winter talaga oh.
Bigla naman akong may naalala, " Kuya! Hindi mo man lang ako ginising ng mas maaga ng nakapaghanda ako ng mas maayos ngayon. Tingnan mo oh! Late na tayo.", at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Autumn, nakakalimot din minsan ang mga gwapo kaya pasensya kana lil sis.", sagot sa 'kin ng kuya ko.
Napa-pout nalang ako sa naging sagot ni kuya. Ano sa tingin niyo? -____- Hahaha. Pero gwapo naman kasi talaga si kuya Winter. May fan girls nga yan sa school eh! Kamusta naman -____-
Ewan ko ba. Hindi ko naman sinasabi na panget ako, marami din namang nagkakagusto sa 'kin pero nah, parang wala pa sa isip ko yang mga ganyan lalo na sa mga nababasa ko sa Wattpad na madalas mang-iwan at manakit ang mga lalaki ngayon, totoo naman kasi diba? Pero hindi naman siguro lahat. Hay nako! Ewan ko ba 😂
"Nako, kumain na nga kayong magkapatid kayo. Baka malate pa kayo, anong oras na oh!", sabi ni Mommy.
At nagsimula na nga kaming kumain.
Pagkatapos na pagkatapos naming kumain ni kuya eh tinawag na ni Yaya Daisy ang driver namin.
"Bye, Mom!", paalam ko kay Mommy with matching kiss sa cheek at nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay namin.
----------
A.N/ Hi there mga ate at kuya! So, this is my second time na gumawa ng story. I'm a wattpad reader pero hindi pumasok sa isip ko ang maging isang author, hanggang sa dumating nalang bigla yung araw na bengs! Parang gusto kong subukang gumawa ng isang storya na gusto ko pagkatapos basahin ng isang tao yung storya ko, hindi niya makakalimutan. Sana magawa ko hehe. Hayaan niyo po, I'll do my very best na maging maganda ang flow ng story na ito. Enjoy reading! All the love! x
Vote and leave a comment! Gusto ko po yun eh hehe. Salamat!!
- jungkookiexxbby
BINABASA MO ANG
Micro Gaming (On-Going)
RandomNaranasan mo na bang paasahin? O di kaya'y pakiligin tapos iwan nalang bigla? Naranasan mo na bang masaktan at umiyak dahil sa letseng pag-ibig na yan? O di kaya'y maghabol na parang aso sa taong may iba namang gusto? Kilalanin si Autumn, ang babaen...