Autumn.
Pagbaba ko ng kotse namin ay nagpaalam na ako kay kuya Winter na mauuna na ako, sabi kasi niya kanina eh may pupuntahan pa siya. Mambabae nanaman siguro. Joke! Hahaha!
Madalas kasi ay hinahatid ako ni kuya, pero malaki naman na ako. Baka nakakaistorbo pa ako sa kanya noh T_T
"Are you sure na ikaw na lang ang pupunta sa room niyo?", tanong ni kuya.
"Yes kuya, hindi na ako bata. I'm a young lady now.", I rolled my eyes at my brother.
"Osya, I need to go, lil sis. Baka pagkaguluhan pa ako dito ng mga fan girls ko pag may nakakita sa 'kin eh, hay nako, ang hirap maging gwapo.", sinabi niya yun habang tumitingin tingin pa sa paligid na parang nag-iingat na may makakita sa kanya.
"Whatever, kuya Winter. Sige na, I got to go. Malalate na ako. Take care!", then I gave him my flying kiss.
Yes, I admit, I'm being mean to him sometimes but he's still one of the best brother :)
"Bye lil sis! Take care of yourself!", then he winked at me.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa classroom namin pero bago pa ako makarating ng classroom, nakita ko si Carly, ang bestfriend ko.
"Good morning, bessy!", masiglang bati niya sa akin.
"Good morning din.", nakangiti ko din namang bati.
She's Carly Agatha Miller, my best friend since 3rd grade.
Bigla naman siyang ngumiti ng napakalapad habang nakatingin sa direksyon sa likod ko. Mukhang alam ko na 'to.
Hindi na ako nagulat ng tumili siya ng napakalakas. Haaay.
Mukhang nandito na siya. He's Gabriel Johnson, ang lalaking pinapangarap ng bawat babae sa HAU.
At kung ang iniisip niyo eh isa ang best friend ko sa mga babaeng yun, tama kayo. Ewan ko ba kung anong nakikita ng mga babae sa kanya na halos tuwing makikita o dadaan siya eh magkakaroon ng ingay at tilian. Ewan ko nga din kung anong nakita ni Carly diyan, sabagay may hitsura naman.
Mukhang unggoy! Joke syempre! Hahaha!
Akmang tatalikod na sana ako kay Carly ng pinigilan niya ako at bigla niya akong niyugyog ng malakas sa magkabila kong balikat -___-
"Bessy, yung totoo? Di ka pa ba nakuntento na nagsayang kana nga ng boses kakatili dun sa lalaking yun tapos yuyugyugin mo pa ako? Maawa ka naman sa 'kin bessy! Hindi ka nga napansin oh!", sabay turo ko sa nakatalikod na si Gabriel.
"Bessy, alam mo namang first year high school palang tayo eh crush ko na si Gab! Siya na nga lang nagpapakilig sa akin eh.", sabi niya sabay pout.
Aba pigilan niyo 'ko! Hahatakin ko 'tong labi ng best friend kong 'to! Jusko! Eh kilalang-kilala ngang playboy yang si Gabriel Johnson na yan eh! Hindi nga lang ata dito sa loob ng school, pati sa ibang schools -___-
"Haaay. Ang kulit mo talaga. Okay, susuportahan na kita pero please lang huwag naman yung sobra na paghanga, bessy. Hindi pa natin alam kung anong tunay niyang ugali, gets?", paalala ko.
"Of course bessy, pero kyaaah! Ang gwapo talaga ni Gab myloves! His jawline ugh!", kilig na kilig na sabi naman ni Carly na halos maging hugis puso na ang mga mata.
"Papasok na ba tayo? O hihintayin muna nating pumuti ang uwak bago tayo umalis dito?", mataray kong sabi.
"He-he! Tara na bessy! Late na tayo, first day pa naman!", at hinila na ako ni Carly papunta sa classroom namin.
Buti naisip ng best friend ko yun. Akala ko dito nalang kami hanggang mamaya eh.
"Halika na! Bilisan na natin at lagot na talaga tayo sa prof natin! We're almost 30 minutes late! Ghad!", sambit ko.
"Halika na bessy! Dali!", pagkatapos nun ay tumakbo na kami papuntang classroom.
------
VOTE. COMMENT.
HE-HE ALL THE LOVE! x
-jungkookiexxbby
BINABASA MO ANG
Micro Gaming (On-Going)
RandomNaranasan mo na bang paasahin? O di kaya'y pakiligin tapos iwan nalang bigla? Naranasan mo na bang masaktan at umiyak dahil sa letseng pag-ibig na yan? O di kaya'y maghabol na parang aso sa taong may iba namang gusto? Kilalanin si Autumn, ang babaen...