Four

3 0 0
                                    


Autumn's

Pakalayo naman pala ng cafeteria ng eskwelahan na 'to sa classroom namin! Nakakahingal. No wonder, malaki naman kasi talaga ang HAU, business partner kasi nila Papa ang may-ari ng school na 'to kaya dito nila ako pinapasok. Sa pagkakaalam ko, ninong ko pa nga yata.

Medyo madami pa ding tao sa cafeteria pagdating namin, buti nalang talaga at meron kaming isang oras na vacant after ng break time.

Pumila na kami nila Joyce at Carly sa may cashier para bayaran yung nakuha naming pagkain. Bumili lang ako ng red velvet cupcake and lemon iced tea since may pinabaon naman na lunch sa akin si Mama. Kila Carly naman ay roasted chicken with rice tapos orange juice.

Habang nakapila kami ay nagsalita ako, "Hindi naman kayo nag-usap ng bibilhin ano?", pabirong tanong ko. Tumawa sila at sinabi ni Joyce na, "Hindi naman!", at nagtawanan kaming tatlo lalo.
Kami na pala ang magbabayad, di namin namalayan dahil tawa kami ng tawa. Nakakahiya tuloy dito kay ate! HAHAHA.

"375 po lahat", sambit ni ate na nasa cashier. Magbabayad na sana ako ng iabot ni Joyce ang 500 pesos kay ate at sinabing, "Eto po. Keep the change", at nginitian niya yung babae.
Medyo nagulat ako kaya tiningnan ko siya ng 'huh?-bakit-mo-ginawa-yun-look' then she answered, "Pagpapasalamat ko na sa'yo about what happened earlier", at nginitian niya ako. Pucha ang bait talaga nito! Tapos ang ganda pa. *sigh* Huy hindi ako tomboy o bisexual ha pero napapaisip kasi talaga ako sa unggoy na yun kung saan siya kumuha ng kakapalan ng mukha at lakas ng loob sa kung paano niya nagawa kay Joyce yun. Tsk!

Nang makabayad na kami eh humanap na kami ng bakanteng table. "There!", sabay turo ni Carly sa isang bakanteng table sa may bandang kaliwa ng cafeteria.

Naglakad kami papunta doon sa table na tinuro ni Carly, nang makaupo na kami eh agad kong tinanong si Joyce.

"Now tell me, bakit gustong-gusto mo yung tukmol na yun?", tanong ko. Tumawa siya at sinabing, "Hay Nako, Autumn. Kumain muna tayo, okay?" Nagugutom na talaga ako eh", sabi niya. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Carly at nagsimula na kaming kumain.

After several minutes ay natapos na kami sa pagkain.

"*Burp* Ah hehe. Excuse me", saad ko. Orayt! I'm full. Hehe.

"So, we're done. Magkukwento na ba ako?", tanong ni Joyce pagtapos naming kumain. Agad naman kaming tumango ni Carly bilang sagot at nagsimula na siyang magkwento.

"3rd year high school palang kami noon. Nakilala ko siya kasi sobrang sikat niya sa school. He's part of the varsity team din kasi. Gwapo? Oo. Malakas din appeal. Pero halos lahat sinasabing suplado daw siya", tapos medyo tumawa siya at nagsalita ulit, "Hanep nga eh, one day kasi after ng ballet practice ko eh biglang sumakit yung paa ko, medyo nagkamali din kasi ako ng practice noon. Then he saw me sitting on the bench, lumapit siya sa akin at tinanong ako, "Hi. Are you okay? Magdidilim na ah? Hindi ka pa ba uuwi?", I was shocked that time kasi diba? He's the most suplado among all boys. I smiled and answered, "Nagpapahinga lang, medyo masakit kasi yung paa ko. Nagkamali kanina sa practice eh" tapos sabi niya, "Ganun ba? C'mon let me help you. Hatid na kita sa inyo", umayaw pa nga ako nung una pero nagulat nanaman ako kasi he insist. Kaya pumayag na din ako kasi hindi din nagrreply yung driver namin. Naisip ko pa nga noon na hindi pala siya ganon kasuplado" tapos ngumiti ng pilit si Joyce at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "We became friends. Tapos naging close pa kami lalo sa paglipas ng mga linggo. Naging close kami to the point na hinahatid at sundo niya ako everyday. Yung tipong tinatanong na din ako ng mga kaibigan ko kung nililigawan daw ba ako ni Raz. Hanggang sa iba na pala yung nararamdaman ko para sa kanya, nahuhulog na pala ako. I told one of my friend about what I am feeling", she let out a sigh, "She told me na pigilan ko daw hanggang kaya kong pigilan. Why? Because Raziniel is the 'Micro King' of the Holy Angel University. Di ko pinansin yun, I mean, hinayaan ko lang yung sarili kong mahulog sa kanya ng tuluyan. Ang bait naman kasi niya, gentleman pa, sweet din, caring, in other words, he's almost perfect. Actually, he's the type of guy every girl deserves to be with. Akala lang ng iba masungit siya, pero pag nakilala mo na yung totoong Raziniel, imposibleng hindi ka mainlove sa kanya", tapos ngumiti siya ng pilit, "Until one day I woke up na hindi niya na ako pinapansin, ni hindi na niya ako kinakausap, hindi tinetext o tinatawagan man lang. Akala ko nga kung anong nangyari sa kanya eh, akala ko noon, nagka-amnesia siya kaya hindi siya nagpaparamdam" tapos tumawa nanaman si Joyce kahit na may luha na yung mga mata niya, "Hanggang isang araw, nakita ko siya ulit. Tapos alam niyo ba? Para lang akong hangin na dumaan para sa kanya. I tried to approach him several times, hanggang sa isang araw ulit, pinayagan niya akong makausap siya. I asked him about what happened, I asked him kung ano ba talagang meron sa amin, and his answer? "Microhan lang yun, Joyce. Hindi ko alam na nahuhulog kana pala. I'm sorry pero pinaasa lang kita" tapos tumakbo ako sa lugar na yun after hearing those words from him. Masakit pala no? That was my first heartbreak. Pero pagkatapos nung araw na yun, sabi ko sa sarili ko, magmomove-on na ako pero tang na orange, magtatatlong taon na siya pa din!" at tuluyan na siyang naiyak.

Micro Gaming (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon