Autumn'sPagdating na pagdating namin ni Carly sa room namin eh nagtuturo na yung professor naming mukhang masungit. Paktay.
"Excuse me, Sir", sambit ni Carly.
"Yes, ladies? Anong kailangan ninyo? Saan ang room niyo?", tanong ng prof namin with matching nakakatakot na tingin. Gusto ko sanang sumagot ng, "Dito po, Sir. Halata naman po siguro kasi dito kami pumunta, diba?" Kaso magmumukha akong babaeng walang galang at maldita, kahit oo naman talaga, pero konti lang naman. Kayo naman, grabe T_T
"Uh, room 18 po, Sir", magalang na sagot ni Carly.
"Oh, I see" at bigla siyang ngumiti. Ang creepy niya ha!
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon kung saan kami nakatayo ni Carly at sinabing..
"Wala ba kayong mga relo?! Alam niyo bang 30 minutes na kayong late?! Ha?!", nagulat ang lahat sa biglaan niyang pagsigaw. Grabe talaga! Parang nangangain ng buong tao 'tong prof namin, jusko!
"We're really sorry, Sir. Hindi na po mauulit", paghingi ng paumanhin ni Carly. Bait talaga nitong babaeng 'to.
"Ganun ba? Okay then you may take your seats." Ang bipolar myghad! Papunta na sana kami sa mga bakanteng upuan ni Carly ng biglang nagsalita ulit yung prof namin.
"But wait ladies, I almost forgot, introduce yourself first."
Oh shoot! The only thing that I hate on the first day of every school year is this. INTRODUCTION OF YOURSELF. Hindi naman kasi ako mahilig magpakilala huhu
Pinitik ko yung kamay ni Carly ng palihim para sabihing siya na ang mauna. Nagets naman niya ako agad at naglakad pabalik sa harap at nagsimulang magpakilala, "Hi everyone! My name is Carla Agatha Miller. I hope we can be friends", tapos ngumiti siya.
Tumingin naman siya sa akin and then she mouthed, "Ikaw naman. Bilis!" Kaya naman naglakad na ako papunta sa harap at nagsalita, "I'm Autumn. Autumn Harrison"
May mga nakita akong nagbulungan na mga babae. May narinig pa nga akong, "Siya siguro yung kapatid ni baby Winter ko." Putek! Baby daw niya si kuya! HAHAHA di ko kinaya! Muntik na talaga akong matawa nang hampasin ng palihim ni Carly yung kamay ko. Tinignan niya akong masama at ngumiti lang ako sa kanya. Hehe.
Pagkatapos ng pagpapakilala ay agad-agad naman na kaming pumunta sa bakanteng upuan, pero bago nanaman kami makarating eh may isang asungot na namatid sa akin!
Hutaina. Kung sino man 'to! -____-
"Aray!", at napatingin sa 'kin lahat ng kaklase ko at nagtawanan.
"What's the matter, Miss Harrison?", tanong ng professor namin.
"Nothing, Sir! Uh, natapilok lang po si Autumn", at tumawa naman ng peke si Carly. Mabuti nalang at naniwala agad si Sir at bumalik na sa pagsusulat sa board.
Tinignan ko naman yung tukmol na namatid sa 'kin kanina na kasalukuyang nakangiti ng nakakaloko, kunyareng may kinuha ako sa lapag para malapitan ko pa siya saktong malapit sa tainga niya at binulungan ko ng, "We're not yet done, monkey." At parang medyo nagulat siya dahil nawala bigla yung ngisi sa mukha niya. You messed up with the wrong person, mister ;)
Sa wakas ay nakaupo na din kami ni Carly! Haaay. Matapos ang dalawang oras ay natapos na din ang klase namin.
"Kita mo na! Nalate tuloy tayo kasi nagpantasya ka pa kay Gab! Gusto mo pang ulitin bessy? Di ka ba natakot sa prof natin na yun? Mukhang kakainin na tayo ng buhay kanina sa lakas ng pagsigaw eh! May lahi sigurong aswang yun", sabi ko kay Carly.
BINABASA MO ANG
Micro Gaming (On-Going)
RandomNaranasan mo na bang paasahin? O di kaya'y pakiligin tapos iwan nalang bigla? Naranasan mo na bang masaktan at umiyak dahil sa letseng pag-ibig na yan? O di kaya'y maghabol na parang aso sa taong may iba namang gusto? Kilalanin si Autumn, ang babaen...