Five

5 0 0
                                    



Autumn's

Nahanap din naman namin ni Carly yung classroom namin para sa susunod naming klase. Pagdating namin ay wala pa namang nagtuturong prof. Yes! We're not tardy. Baka mamaya terror nanaman pala yung next prof namin diba? Mahirap na. T_T

Maya-maya ay may pumasok na lalaki na siguro around 40's na yung age, siya na siguro yung prof namin no?

"Good morning, class", nakangiting bati niya. "Good morning, Sir!", masiglang bati naman namin pabalik.

"You may take your seats", sabi niya at nagsimula na nang kanyang discussion. Habang nagtuturo na yung prof namin sa harap ay may biglang dumating na lalaking estudyante. Para bang wala siyang nakita at dire-diretso siya sa bakanteng upuan. Aba ang unggoy pala! Tsk! Hindi na ako magtataka.

"Would you like to greet me good morning first, Mr. Santiago?", tanong ng prof namin kay unggoy. So, Santiago pala surname niya. Taray naman! Parehas pala sila ng apilyido ni Ninong Roger.

Para lang siyang walang narinig at naglagay lang ng earphones sa tainga niya. Halatang naiinis na yung prof namin pero parang pinipigil niya na sermonan 'tong si mokong. Bakit naman kaya?

Because curiosity kills, at ayoko pang mamatay, I secretly asked Carly.

"Bessy, bakit parang takot na takot si Sir sermonan yang si mokong? Eh halos 10 minutes din siyang late tapos wala pang respeto. Diba dapat sermonan siya ni Sir ng bongga?", sabi ko.
She answered, "Bessy, alam naman natin pareho na Santiago Family owns the most expensive schools here in our country, right? And Holy Angel University is one of those schools. Uh, this may be awkward but" tumigil siya ng mga ilang segundo at nagpatuloy ulit sa pagsasalita nung nakita niyang parang bitin ako, "Mukhang kinakapatid mo yang si Raziniel", dahil sa gulat eh medyo napalakas ang pagsigaw ko ng "What?!"

Buti nalang at di narinig ng professor at ng mga classmates namin. My golly! Pero joke lang. Mukhang may nakarinig yata at may lumingon. Jusko naman, Autumn. Nag-peace sign lang naman si Carly dun sa classmate namin. Teka naman kasi! Sino ba naman atang may gustong maging kinakapatid yang lalaking ubod ng lakas ng loob magpaasa ng mga babae?!

"Are you serious, Carly Agatha Miller? This can't be happening! Can you pinch me?! I just don't think this is really happening!", saad ko ng pabulong -.-
"I'm dead serious, Autumn. Mukha ba akong nagjojoke?", she said with an annoying tone.
"Pero bakit? Paano naman nangyari yon?", nakakatanga man yung tanong ko kasi alam ko naman na Ninong ko ang may-ari ng eskwelahan na 'to at lumalabas na anak niya 'tong si Raziniel.
"Anak siya ni Ninong Roger?", tanong ko kahit na ayokong malaman pa. *sigh*
"Bago pa magsimula ang klase eh nag-research na ako ng history and other informations ng HAU, at nalaman kong Santiago Family pala ang nagmamay-ari nito. Di ko lang alam kung sino yung anak ng Ninong mo pero mukhang yes bessy, si Raziniel a.k.a mokong ang pangalawang anak ni Mr. Roger Santiago", paliwanag ni Carly. "Yang bibig mo, baka pasukan ng langaw. Psh", sita niya sa akin.
"Ay! Pero bessy, pangalawa? Ibig sabihin he's not the eldest?", tanong ko nanaman.
"Hindi mo ba alam bessy? Di mo ba kilala mga kinakapatid mo sa side ng Ninong Roger mo? But yep, may mas matanda sa kanya, ate niya at meron din namang mas bata. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid", sagot naman ni Carly sa akin.
"Aha! Naaalala ko na! Si ate Razenia yung eldest nila! Siya palang yung namemeet ko noon" -ako
"Oo yata? Makinig na nga tayo, ang daldal mo talaga bessy eh. Pag tayo nakakuha ng itlog na score pag nagpa-surprise quiz 'to si Sir nako!" -Carly
"Ay hehe. Sorry, bessy. Pero alam mo? Di ko pa rin lubos maisip na kinakapatid ko yang unggoy na yan", sabi ko at nakinig na kami ulit.

Habang nagdidiscuss si Sir sa harapan ay hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung bakit sa lahat ng lalaki dito sa HAU bakit kaya siya pa? Jusko talaga. Buhay nga naman, parang life. 😩 Pero napaisip din ako, malamang sa malamang naman may rason kung bakit siya ganyan ngayon diba? Kung bakit ang hilig niyang magpaasa at manakit ng feelings ng mga babae? Ano naman kaya yun? Tsk! Bakit ba ako interesado. 😑

After an hour, natapos na din ang klase. Uwian na din pala. Bilis talaga ng oras.
Lumingon agad sa akin si Carly paglabas na paglabas ni Sir, "Bessy, nag-text si Mommy. May inuutos eh. Okay lang ba na mauna na akong umuwi? Sorry ha? Hindi kita masasamahan", tapos nag-pout siya.
"Pfft! Tigilan mo nga yan bessy! Hindi ka cute huy!" at tawang tawa ako.
"Batukan kaya kita bessy?", at binigyan niya ako ng nakakatakot na tingin.
"Joke lang bessy. Nako, it's okay. Don't bother. Kaya ko naman. Ingat ka, okay?", tapos nagbeso-beso kami at umalis na din si Carly.

Pag-alis ni Carly at naisipan ko namang maglibot-libot muna sa school tutal maaga pa naman. Habang naglalakad ako ay kinuha ko yung iPod ko sa bag ko at sinaksak ang earphones ko, at nagsimula akong makinig ng mga kanta. Mahilig ako sa mga pang-senti na kanta. Nakakita ako ng parang garden sa likod ng isang building malapit lang din sa building namin. Pumunta ako dun at naupo muna at pumikit.

Maya-maya ay parang may nararamdaman akong taong naglalakad palapit sa 'kin. Agad-agad kung iminulat ang mga mata ko at tinanggal ang earphones sa tainga ko. Hindi ko naiwasang manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Ikaw?!", sabay naming tanong.
"Ikaw nanaman?!", at nagkasabay nanaman kami. Yung totoo?!
"Aish! Ginagago mo ba ako?!", this time ako nalang yung sumigaw.
"Hindi! Pinagttripan lang!" at tumawa siya ng pagkalakas lakas.
"Ah, so, trip mo pala ako?" at nag-smirk ako.

So trip pala ako nitong unggoy na 'to? Eh kung pag-tripan ko din kaya 'to? Dahan dahan akong lumapit sa kanya ng naka-ngiti ng nakakaakit. Nang makalapit na ako ay isinandal ko siya sa puno. Tumingkayad ako para maabot siya, pucha! Ang hirap maging maliit! Nakita ko pa siyang naka-smirk. Tsk!

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at bumulong ng, "You like trippings huh" at kinurot ko siya ng malakas sa gilid niya. Napa-aray naman siya at tumawa naman ako ng tumawa habang tumatakbo. HAHAHAHAHA jusko! Ang sarap pala pag-tripan nung mokong na yun! Bumibigay agad pag babae eh! Tsk! Akala niya lahat mahahalikan niya at makukuha niya? 😏 Utut! Walang ganun, Raziniel!

Nakangiti akong sumakay sa kotse namin at napansin ako ni kuya.

"What?", tanong ko sa kanya.
"Nagda-drugs ka ba?", tanong ni kuya sa 'kin. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa tanong ni kuya Winter.
"Kuya?! Are you crazy? Bakit ko naman gagawin yun? HAHAHAHAHA"
"Ngumingiti ka kasi mag-isa. Akala ko high ka lil sis", sagot naman ni kuya.
"May naalala lang akong nakakatawa kuya! Yung napanood ko nung isang araw" at kinuha ko na yung phone ko sa bag ko at nag-tweet ng, "Hahahahappy" then I texted Carly na pauwi na ako. Nag-reply naman siya ng, "Ingat bessy!"

"Manong, tara na po. Uwi na tayo, gusto ko ng magpahinga", sabi ko sa driver namin. Nilingon ko naman si kuya Winter at nakita kong busy na siya ngayon sa phone niya.

Masaya din naman pala ang first day ko bilang kolehiyala. Marami pa kayang susunod na magandang mangyayari? Nako, hihintayin ko nalang.

Pag-uwi namin sa bahay ay humalik at nagmano lang ako kay Mommy at nagpaalam na matutulog muna. Nakakapagod din kasi pero masaya.

-----*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Micro Gaming (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon