1 MONTH
“Mr. and Mrs. Acosta , I’m sorry but I have to tell you this may taning na ang buhay nang anak niyo”,
“Ano?! Doc. Hindi pwede mamatay ang anak ko hindi, hindi!!”, habang umiiyak c mama
“hon, tama na 5 taon na rin tayong nilabanan ang sakit ni sofie, pati rin si sofie nahihirapan na rin “, malungkot c papa
“hindi pwede alfredo kaya pa natin toh hanggat may himala patuloy pa rin natin bubuhayin ang anak natin mahal ko si sofie hindi ko pa siya kayang isuko!”
“diyos na! ang nagdesisyon tanggap ko na Amelia na mawawala na sa atin ang anak natin ayaw ko na Makita si sofie na nahihirapan tama na! masakit man sa akin to tatangapin ko” first time ko nakitah si papa umiiyak,
“doc, haggang kailan ba mabubuhay ang anak ko?
“5 months o baka hindi na rin siya aabot sa limang buwan”
Tuluyan nang umiiyak si mama at si papa ang hindi nila alam narinig ko ang lahat nasa pinto lang ko noon, “5 MONTHS” bilang na pala ang araw ko, Diyos ko! Alam ko may rason ka kung bakit binigyan mo ako nang ganitong sakit, pero bakit ako pa?, nagging mabait naman ako sa kapwa ko at sa mga magulang ko. Pero ganun paman tanggap ko na ang lahat tanggap ko na, mamatay na ako!. Hindi na ako takot kahit hind ko pa alam kung ano ang mangayayari sa akin kapag patay na ako. Nakaka ilang man sabihin pinaghahanda an ko na ang lahat kung ano isusuot ko kapag namatay na ako at ang kulay nang kabaong ko. Kaya sa 5 buwan gusto ko may magawa ako bago ako mamatay.
“Ano!? Sa Baguio gusto mo manirahan doon mag isa hindi pwede sofie!”
“Ma, alam ko hindi kayo papayag pero buo nang desisyon ko. Ma, Pa! Please payagan na sana ninyo ako bago man ako mamatay may magawa ako” natigilan si mama at si papa.
“A ,aanak alam mo na?”
Tahimik nalang ako at tumango nalang, tahimik ang namagitan sa amin nang ilang minuto nang biglang nagsalita c papa.
“mahirap ka naming pakawalan sofie dahil sa kalagayan mo, for 23 years ka nabuhay sa mundong ito, mabait kang anak at hindi ko pinagsisihan na nagging anak kita, alam mong sobra kitang mahal, masakit man sa akin na mawawala ka na pero kailangan kung taggapin dahil wala akung karapatan isumbat ang lahat sa diyos, 23 years ka narin na sa poder namin bilang isang anak kaya……… papayag na ako sa desisyon mo, sa ngayon anak ito nalang ang maibibigay ko sa’yo ang blessing ko na umalis ka sa bahay, mamuhay kanang payapa na walang pag alala, pero kung hindi mo na kaya at kailangan mo nang tulong alam mong may pamilya ka”, umiyak c papa niyakap niya ako tutul man si mama pero wala siyang magagawa dahil na rin kay papa. Ang sakit nang nararamdam ko ayaw ko malayo sa kanila pero gusto ko mabuhay na ako lang na hindi nagdedepende sa mga magulang ko, ayaw ko na Makita nila ako nahihirapan mahirap man pero bou na ang desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Life Is Too Short To Wait
Teen FictionDescription : Paano mo mamahalin ang isang taong malapit nang mamatay? At paano mo rin mahalin ang isang tao ang turing sa sarili ay patay na?