Random thoughts...
Minsan nagtataka ko, bakit kaya mas madalas na magkagusto tayo sa taong hindi naman tayo gusto at hinding hindi magkakagusto satin? Gusto ba talaga tayong saktan ng universe? Hay.
Ilang araw lang ang nakalipas, I met a person who is madly, deeply, and crazy inlove sa isang taong ginawa ata sa bato sa sobrang tigas ng puso. Three years... tatlong taon na pala siyang nagpapakatanga doon sa lalaking yun. Ang sakit sakit lang kasi pinaasa e. Yung tipong sabi niya, nagbibigay daw ng motive, hinayaan siyang mafall kaso walang sumalo, hinila lang pala siya. Nung bumagsak, wala na yung taong yun doon.
Kaso alam niyo yung mas masakit? Willing yung guy na saluhin yung besfriend nung girl. Oo. Sa bestfriend nung girl nagkagusto yung guy. Nakakaletse diba? Okay lang sanang mainlove yung guy sa iba kaso siopao lang! Sa bestfriend mo pa? Alam mo yung sinugatan ka, hiniwa ka tapos nilagyan pa ng asin yung sugat mo para lalong humapdi? Ganun yung feeling.
Hindi ko alam kung gaano kasakit sa girl. Hindi rin naman siya pwedeng magalit sa bestfriend niya diba? Kasi hindi naman kasalanan nung bestfriend niya na siya yung nagustuhan diba? Hindi rin naman siya pwedeng magalit doon sa boy kasi hindi naman mapipigilan ang feelings. Ang nanakafrutas lang e, liligawan nung boy si girl. Letse diba?
Hay.Ang sakit sakit noon. Kung ako yun iiyak talaga ko. Yun lang naman magagawa ko diba? Kaso, ang hirap naman umiyak sa bestfriend mo. Syempre awkward na yun, ewan ko ba. Ang kulit lang talaga ni cupid. Nagtulong ata sila ni destiny para paglaruan yung girl e.
Kaya minsan talaga, naiisip ko. Napaka-complicated ng buhay. Pero wala naman tayong magagawa kundi ang sumabay sa agos noon. Kapag nahulog naman tayo o nadapa e pwede naman tayong bumangon, at sa bawat pagbangon natin ay kaakibat noong ang mga aral na mas magpapatatag, magpapalakas, at magpapatalino sayo para mas maging handa ka sa susunod mong kakaharaping pagsubok. Siguro yun na lang ang pambawi ng buhay satin sa kapilyuhan niya na dahilang kung bakit tayo nasasaktan. Pero lagi nating tatanaan, na kapag naramdaman mo na yung sakit, mas maaapreciate mo ang tunay na ligaya.
=== Goodnight!===
BINABASA MO ANG
Kapag May Crush Ka...♥♥
Short StoryTumitigil ang ikot ng mundo, Bumibilis ang tibok ng puso mo. Pinagpapawisan ka ng malagkit, Yan ang epekto pag may crush ka.