Dictionary ><

997 20 1
                                    

Guy:  Sige ingat. 

Girl:  Thankyou! 

Tapos pagtalikod ni guy nagtititili. OMG! Nagke-care siya sakin! Mahal niya ko! GOSH! Baka mutual yung feelings! Inlove din siya sakin! INGAT DAW! OMG! -- yan na iniisip niyong mga girls *EHEM* Tama ba? Yan tayo e. Binibigyan natin ng meaning. 

Ewan ko kung yung guys ganto rin. Pero mostly kasi girls e. Tama ba? Pag yung crush natin naging mejo caring kahit naman nagiging tao lang siya e binibigyan natin ng meaning. Ino-oa natin na tipong akala natin mahal na tayo nung tao or whatever.

Wag kayong mag-ano diyan! Alam ko ganyan kayo--tayo. Makita lang natin yung crush natin na nakatingin satin feeling natin pinagmamasdan na tayo lagi. Makasangga lang natin yung crush natin (kahit sinadya nating banggain -.-) tapos tutulungan tayo iisipin natin OMG! Nagcare siya! Mahal niya nako! Tapos halos mamatay na tayo sa kilig pero natural tulungan tayo diba? Tapos ang matindi talaga e yung pag dalawang beses o mahigit nating nakasalubong yung crush natin sasabihin natin  Inaabangan niya kong makita!  O diba? Anong pagfifeeling yan? 

Minsan pa  MEAN TO BE KAMI! DESTINY KAMI! IKAKASAL NA KAMI NIYAN!  grabeng pagbibigay ng meaning ano po? Baka gusto niyong ipredict na rin yung bukas sa sobrang dami niyong alam. Nahiya si einstein sa inyo XD Satin pala XDXD

Pero girls, diko rin naman kayo masisisi kasi ang hirap kasi sa inyo guys! PAASA KAYO! Minsan kasi talaga kataka taka yung sweetness niyo tapos wala lang pala? ABA MATIBAY! PAra niyo kaming pinakain ng mixers sa jollibee tapos papabayaran niyo lang pala samin--- inshort, WALA RIN! 

Kaya minsan guys, be careful sa sweetness niyo. Kaya nagbibigay kami ng meaning na mga babae dahil din sa kakaibang kilos niyo. Diba girls? APIR! Sabay kembot tapos sigaw tayo " That's My Kenji! My sexy love! Go sexy, go sexy!  GO sexy-sexy love" with matching dance steps pa ni athena! Lol! Sorry po, naadik ako sa teaser e! KAsi! Kinikilig ako XDXD So mabalik tayo, minsan kasi guys yung sweetness niyo din namin alam kung ano na. Di namin alam kung saan kami lulugar. PAg di namin pinansin manhid kami , pag binigyan namin ng meaning assuming kami. Ano ba talaga? Nuod na lang tayo ng Shes dating the gangster! Kiligin pa tayo kay kenji! XD

Pero girls, minsan kasi nag-eexagge talaga tayo. Kung nakikita niyo namang hindi naman talaga ganun kasweet o alam niyo naman na ganun siya sa lahat--- PLEASE! Huwag na nating bigyan ng meaning. Nahihiya na yung dictionary satin e, magtatago na lang daw siya sa baul tapos babalik na lang siya pag hindi na tayo nagbibigay ng meaning at nagfifeeling.

Minsan, alamin din natin yung lugar natin. Kung bestfriend tayo, aba syempre sweet yan! Ganyan kasi talaga pag magbff kayo ng matagal na, super comfortable na kayo. O kaya naman gentleman talaga yung guy Tapos girls, kung sweet talaga yung guy, tapos feeling natin mahal tayo or may gusto satin huwag tayong mafall agad. Pero sabagay, hindi naman kasi mapipigilan yung sariling mafall. So gawin na lang natin, lets remind our self na HUWAG MUNANG MAFALL HANGGAT DI PA UMAAMIN.  Kasi mamaya taglandi lang yung guy, tapos ikaw yung napagtripan ka niya kasi ikaw yung willing magpalandi sa mga oras na iyon.

Girls and guys, sabi nga ni papa jack --- " Dont give meaning on someones action, you need a confirmation." 

Lamniyo na? Behold everyone ;) Baka masaktan kayo pag nagbigay kayo ng meaning sa kinikilos niya <|3

------------------------

Sorry lame. Sabaw po ako :) SDTG kasi e >< Nabaliw ako!! 

Kapag May Crush Ka...♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon