"Azenith Salvador!" sigaw sa pangalan ko ni Gayle kahit na kaharap ko na sya. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Mabuti na lamang at 11 pa ang unang pasok ko. Ten palang ng umaga pero pinuntahan ako nila Gayle at Marra kanina para pumasok ng maaga. Mga kaklase ko sila at naging matalik na kaibigan na rin.
"Anong ginawa mo kagabi at mukhang may hang over ka? At nakasalamin ka pa? Hindi nga nakasikat ang araw dahil mukhang uulan pero OA lang sa sunnies? Care to explain?" talak nya habang iniinom ko ang kape ko. Black, no sugar, no milk kaya kanina pa ko napapangiwi sa pait.
"Wala akong dapat i-explain. Di kita mommy." pagtataray ko sa kanya. Sumasakit kasi lalo ang ulo ko isama ang frustration ko kay Zuriel. Paggising ko kasi kanina wala na sya sa apartment nya. Ni note hindi sya nag iwan kaya umuwi nalang ako na mabuti nalang at malapit lang ang dorm sa tinitirhan nya.
"Ay, virgin pa." mater of fact na sambit ni Marra. Sumimangot lang ako sa kanya at tiningnan sya ng masama although i doubt kung nakikita nya dahil sa salamin ko.
"Akala ko pa naman, pagong pala." tinaas ko ang salamin ko at binigyan ng nagtatakang tingin si Gayle. Pagong pa pala ako sa lagay na to? Duh!? 20 lang kami. Bakit ko mamadalian na mawala ang virginity ko? Yung iba nga sising sisi na agad lumandi. Sa panahon ngayon, parang privilage pa kung virgin kapa.
"Hey, ladies." nanigas ang likod ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Mas lalo pa kong nanigas ng maramdaman ang kamay nya sa may balikat ko at upo sya sa tabi ko.
"Well, well.. Nandito na pala si pagong." ok, now i'm confused. Kanina sabi ni Gayle na pagong ako, ngayon si Zuriel, tinawag din nyang pagong? I don't get it.
"Shut up! Kanina pa kayo?" nakita ko sa gilid ng mga mata ko na sa akin nya nakatingin. Binalik ko ulit ang salamin ko dahil ayokong makita nya ang nerbyos sa mga mata ko and hindi ko rin sya matingnan ng diretso sa mga mata kaya mainam na nakasalamin ako.
Pasimple ako tumalikod at kunwaring may hinanap sa bag ko para maalis ang kamay nya pero imbes na alisin ito, hinawakan lang nya ang balikat ko para hindi dumausdos ang kamay. Kahit hindi ako tumingin kila Marra, alam ko na nasa amin ang mapapanuring mga mata nila.
"Anong hinahanap mo?" napasinghap ako ng idikit nya ang katawan nya sakin at sumilip sa bag ko. Napaunat ako ng upo kaya tinamaan ang pisngi nya sa ulo ko. Mas lalo tuloy sumasakit ang ulo ko kaya nahilot ko to at napailing iling.
"Hang over?" bulong nya. Hindj pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Paano ba dapat ang asta ng hindi ako na-aw-awkward?
"By the way, I-el, nice photo." napatingin kaming lahat kay Gayle sa sinabi nya.
"Anong picture yon?" nagtatakang tanong ko. Mukhang ako lang sa kanila ang walang alam.
"Di kapa nag o-open ng fb mo?" tanong ni Marra. Sino ba naman ang makakaisip pa na mag open ng Facebook sa nararamdamn kong hangover? Umiling nalang ako at kinuha ang cellphone ko.
"Mamaya mo na tingnan." hinawak ni Zuriel ang kamay ko na akmang kukunin ang cellphone.
"Mauna na ko sa inyo. Sama ka Marra?" tumango lang ang isa at pareho na silang nagligpit ng mga gamit.
"Sama na..."
"Dyan kana muna. Samahan mo muna si, Lover boy mo. See yah love birds." hindi nako naka protesta ng hapitin ako sa bewang ni Zuriel.
"I don't understand. Mukha ba tayong may relasyon?" inalis ko ang salamin ko at hinilot ang mga mata ko. Hindi na sana ako pumasok ngayon. Isa lang naman ang subject ko. Pero kasi laboratory ito. 2 hours and 30 minutes din ito. Alan ko alanganin ang oras pero sakto lang to para kung may hangover pako ng weekend, hindi mahirap tumayo ng maaga.

BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 5 - Strip Pokies
Short StoryThe Kissing Game Series 5 Strip Pokies "I can't do this." umuling iling ako at inalis ang pagkakahawak ng mga kamay nya at umupo sa sofa. Enough na na naka exposed na ang lacy red bra ko. I don't think kaya kong pati panty ko ay makita nya. Although...