Chapter 7

4.1K 64 1
                                    

"Zeeennn.." malambing na turan ni Zuriel sa akin. Niyaya na naman nya kong mag spend ng buong linggo sa condo nya.

For a month now, lagi akong nasa bahay nya every sunday. Pag sabado naman, maghapon kaming namamasyal. Dinala na nya ko sa Laguna, Tagaytay, Antipolo at kahapon nga, pumunta kami ng Subic. Lagi lang kaming balikan. Susunduin nya ko ng 3 am then uuwi kami before midnight. Yung wala ng traffic.

"What?" nakaupo kami sa carpet at nakasandal sa sofa. Ganito lagi ang posisyon namin pag nasa sala nya. Madalas dito lang kami, pag sa kwarto daw kasi nya baka di sya makapag pigil. Pero kahit naman nandito kami sa sala, may panahon na ang lilikot ng mga labi at mga kamay nya. Parang mga bata na may ADHD.

"Let's go out. I'm bored. Kanina pa tayo nakatunganga dito. Lika pasyal tayo?"

Sya lang naman ang walang ginagawa, ako kanina pa nagrereview dahil may test ako bukas. Pero tama sya, kanina pa ko nag rereview so it's about time to relax. Hahatid naman nya ko ng maaga sa dorm mamaya kaya ok lang.

Akala ko naman kung saan nya ko dadalhin. Sa Luneta Park pala. Nagdala pa sya ng sandwiches, chichirya at inumin. May dala din syang blanket na nilatag nya sa damuhan at naupo kami dun.

After kumain, humiga sya sa mga hita ko at pumikit. Hindi ko tuloy malaman kung tulog ba o gising. Nag facebook nalang tuloy ako habang ang isang kamay ko ay mina-massage ang ulo nya. Nalaman ko na gustung gusto nya palang minamasahe ang ulo bago matulog. Narerelax daw sya.

Hinayaan ko lang syang matulog dahil alam kong puyat sya. Nag over night kasi sila ng mga kagrupo nya para gawin ang project nila. Galing pa kami ng Subic kahapon kaya alam kong pagod sya.

After one hour, saka ko sya ginising. Alas-singko na rin kasi at kailangan kong umuwi ng six. 8 pm palang ang curfew namin pero ang usapan namin ay iuwi nya ko ng six every sunday.

Nagyaya muna syang maglakad lakad bago umuwi. Kahit 30 minutes lang daw. Hinayaan ko na sya dahil hindi pa naman ako pagod.

"Favourite food?"

"Fried chicken. Ikaw?"

"Pasta carbonara."

Kanina pa kami nagtatanungan ng mga paborito namin. Kahit na matagal na kaming magkaibigan, hindi ko naman talaga alam ang mga paborito nya.

"Colour?"

"Purple."

"Green."

So far wala pa kaming nagkakapareho. Hindi yata kami compatible. Pero ang sabi naman nila, opposite attracts di ba? Parang yung law ng magnetism. Same polarity repels, opposite attracts. Pero kahit na hindi kami same ng mga gusto, hindi ko maramdaman ang attraction. May mali ba sa akin? Siguro may konting kaba, but that just it! Di ba dapat may kilig din? Enjoy akong kasama sya, pero hindi yung tipo na hinahanap ko sya pag wala sya sa tabi ko. He's always at my side, anyway. So, paano ko sya mami-miss? He texts and call often as well.

"Cartoon character?"

"Hmmmm... Ang hirap naman nyan. Di naman kasi ako mahilig masyado sa cartoon."

"Yung unang papasok sa isip mo. Nung bata ka ba di ka nanood ng cinderella? Snow white? Sleeping beauty?" shit! Bakit pang fairytale ang mga sinasabi nya? I never believed in happy ending. Practical kasi akong tao. You make your own destiny. Kasi kung di ka kikilos at nga nga ka nalang sa kakahintay, walang mangyayari sayo.

"Dragon ball z nalang." natawa pa sya sa sagot. Wala talaga akong alam. Ayoko naman yung mga princesses. I am far from them. They are too ideal for my taste. Realistic akong tao kaya ayaw na ayaw ko sa mga happily ever after. Don't get me wrong, wala akong nakaraan na makakasira sa pananaw ko sa buhay, siguro turo na rin ng parents ko. Masipag kasi silang tao. Kung ano man ang meron sila ngayon, pinaghirapan naman nila ng husto. Although, dad's side of the family are rich or atleast, above middle class, hindi naman umasa si daddy sa kanila.

The Kissing Game Series 5 - Strip PokiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon