Chapter 10

3.8K 64 0
                                    

"Hey, I missed you. Sinong kasama mo?" nilapitan nya ko at niyakap saka hinalikan sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko, kinakabahan ako, gusto kong maiyak dahil napagtanto ko na na-miss ko rin sya.

"A-ako lang." gumanti na rin ako ng yakap sa kanya.

"Kumain ka na ba?" umiling lang ako sa tanong nya.

"Hey, guys! Una nako ha? Gutom na si Karlo baka magwala na yon. Bye!" pareho naming nilingon si Louise at tango nalang ang naging tugon namin dahil tumalikod na sya agad.

"May isang klase pa ko in 30 minutes. Come on."

"Sa-saan tayo pupunta?"

"Hatid kita sa condo ko. Wait for me there." nagpahila nalang ako sa kanya kahit na nagtataka kung bakit sa condo pa nya ako maghihintay.

Malapit lang naman ang condo nya sa school kaya makakahabol pa sya sa klase nya kahit ihahatid pa nya ko.

Pagka park ng sasakyan nya, pinagbuksan nya ko ng pinto at hinila agad sa loob ng building. Hindi rin nya inaalis ang pagkahawak nya sa kamay ko. Pareho kaming walang imik at nakatingala lang sa numerong umiilaw sa bawat floor na daan ng elevator.

Pagbukas na pagbukas ng elevator, hinila na nya ko agad at binuksan ang pinto ng condo nya.

"I---hmp!" hindi na nya ko pinagsalita pa dahil agad nya kong sinandal sa nakasarang pinto at siniil ng halik. "Hhmmm Zummmm... Mmmrielmm... Male-...late... Ka.. Na.." hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil lagi nyang hinuhuli ang mga labi ko para halikan.

"Uuggggh... Absent nalang ako." inilapat nya ang noo nya sa noo at hinihingal na sinandal ang katawan sakin. Ramdam na ramdam ko ang pagkalalaki nya at inilapit nya pa to sa gitna ng hita ko saka marahang diniinan ang pagkakadikit sakin. Sa ginawa nya, mas lalong nag init ang pakiramdam ko at pinanghinaan ng mga tuhod. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa mga naiisip ko na pwede naming gawin.

"Ano ka ba? Isang oras nga lang yon." pinakalma ko muna ang sarili ko. Hindi biro ang self control na ginagawa ko.

"Paano ako papasok if I have a boner. Ikaw nalang kasi ang pasukin ko." shit sya! Halos mabilaukan ako sa sinabi nyang yon. Pulang pula na rin ang mukha ko dahil sa mga sinabi nya. Yung self control na pina-practice ko kanina ay parang bulang naglaho.

"Sira ka talaga! Alis ka na!" tinulak ko sya ng bahagya at nagpatianod naman sya. Kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko, pinilit ko pa ring umalis sa yakap nya at umupo sa sofa.

"Fine. Eto ang duplicate key ng condo. May mga emergency numbers din sa gilid ng phone. Call me if there's any problem, ok?"

"Ano ka ba? Hindi na ko bata no? Saka isang oras lang ang klase mo." natatawang sabi ko sa kanya. Ang OA naman kasi nya. Ngayon ko lang nakita ang side nyang to. Sabagay, never pa naman akong naiwan mag isa dito kahit na madalas akong naglalagi dito.

"Just in case lang. Gotta go." tiningnan nya muna ang relo nya saka ako siniilan ng isa pang halik. Smack lang at agad na syang tumalikod.

"Azenith?" nakatalikod na sya at nakahawak sa door knob bahagya rin nyang ikiniling ang ulo para tingnan ako.

"Hhhmmm?" humarap ako sa kanya pero nakaupo pa rin.

"I love you." nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at namula ang mga pisngi ko. First time nya tong sabihin sakin. And here I am, all the while yun ang nararamdaman nya samantalang ako, kung anu-anong masasamang kaisipan ang pumapasok sa isip ko. But I still need his explanation.

"Oh, wag masyadong kiligin. Babalikan kita. Just stay here, ok? If you want you can sleep in my room. Pwede mo rin pakialaman ang kwarto ko, wag lang ang bedside drawer, ok?" kumindat lang sya at umalis na.

Now I'm curious. Alam naman nya na pag binawalan ako, mas lalo kong gagawin ang opposite. Ganun katigas ang ulo ko. Di ba nga, masarap ang bawal?

Pag-alis nya, pumunta na ko agad ng kwarto nya. I know, atat much. Pero bakit kasi binigyan nya pa ko ng idea? Maybe he wants me to see what's inside his drawer.

Umupo muna ako sa kama nya at nag iisip pa kung bubuksan ko nga ang drawer nya o hindi. Ugh! This curiosity is killing me. This is probably the reason why it killed the cat. And i will be dead pag nalaman ni Zuriel na pinakialaman ko ang drawer nya.

First drawer, hhhmmm... Puro lang pieces of papers. Kinuha ko ang isang papel na naroon, yung pinaka taas. Mukhang luma na to base na rin sa kulay.

"Oh my!" napatutop ako sa bibig ko ng makita ko ang sulat kamay ko. Nung first year pa kami ito base sa memory ko. Ito yung nagpapalitan kami ng sulat sa loob ng klase. Magkatabi lang kami ng upuan at ang notebook nya ang ginagamit namin. Yung buong conversation namin nandito.

Yung first few lines about kay Louis, then the rest yung pangungulit lang nya. May hyphenated pa na "i love you" don dahil nilagay ko na torpe sya at di man masabi ang "i love you" kay Louise. Pero instead na patulan ang panunukso ko, nag "i love you, too" lang sya.

Kinalkal ko pa ang mga ibang naroon. Kung anu-anong basura lang. May straw, sintas ng sapatos, hair pin, which looks familiar. Sa akin nga yon dahil ng baliktarin ko, may initial na AKS. Nandun din yung panyo na bigay ni lola. Paborito ko to kaya iniyakan ko ng mawala ko to. May burda kasi ng initials ko na si lola pa ang nagtahi. All the while pala nasa kanya lang to.

Shit! Anong ibig sabihin ng mga to? I really need his explanations! Ayoko munang mag assume.

Sinara ko na ang first draw at sinunod ko agad ang pangalawa. Pagbukas ko palang, pabagsak ko na ulit sinara. Puro condoms at men's magazines kasi ang laman! Binuksan ko ulit at nanginginig pa ang mga kamay ko ng tingnan ang mga to ng isa-isa. I was only using my thumb and index finger. Hindi naman sa nandidiri ako, pero first time ko kasing makahawak ng condom kahit na intact pa ang box nito.

Puro FHM at Playboy magazines ang mga nandon. Ng i-browse ko ang isa sa mga Playboy magazines, halos lumuwa ang mga mata ko at panginigan ako ng kalamnan. Bakit ba biglang uminit dito? Centralised aircon naman ang buong unit ni Zuriel.

Puro mga hubad na mga babae ang nakikita ko kay sinara ko nalang to at binalik sa drawer. Sinara ko na rin ang drawer at pinunas ang mga kamay sa kama. Feeling ko kasi hawak ko pa rin ang magazine at hindi maalis alis ang image sa utak ko.

Tumayo nalang ako at nangalikot sa kwarto nya. Wala naman akong iba pang nakita na hindi kanais nais kaya humiga nalang ako sa kama nya.

Ting!

Hinanap ko kung saan naggaling ang tunog na yon. Nakita ko na umiilaw ang laptop nya sa kabilang gilid ng kama. Hindi ko yon napansin kanina dahil sa pag iisip ng paraan para mawala yung image ng babaeng hubad sa isip ko.

Binuksan ko ang laptop nya at naka log in ito sa facebook nya. May me

The Kissing Game Series 5 - Strip PokiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon