"Tangna naman, Azenith! Bakit mo sya pinatulan?" paulit ulit nalang kami ni Hanz sa pinag uusapan namin. Noong isang araw pa sya dumating pero ngayon lang kami nagka time na magkita. Nasa isang cafe kami malapit sa dorm ko.
"Hindi ko nga alam. Basta nangyari nalang." nakaka-frustrate na syang kausap. Kanina ko pa ine-explain sa kanya pero parang wala syang naririnig.
"Fine! Pero kailangan ko pa rin syang makausap. Tang-ina nya talaga."
"Will you stop swearing? Magkwento ka nalang about sa'yo." best way to change the topic is to ask him about what's happening with his life. Narcissist kasi ang pinsan kong to eh. Gustung-gustong pinag uusapan ang sarili.
Pagkatapos naming mag usap ni Hanz, hinatid lang nya ko sa dorm at umalis na sya. Since Friday ngayon at tapos na ang mga klase ko kaya wala nakong ibang pupuntahan. Simula kasi nung naging "kami" ni Zuriel, sya nalang ang lagi kong nakakasama.
Sa buong linggo na lumipas, nung Thursday ko lang sya nakasama. Pareho kasi kaming busy sa mga subjects namin at nung thursday lang kami magkaklase sa isang subject. Hindi nya rin ako nahahatid o sundo tulad dati dahil sa mga projects nya. Nagte-text naman sya pero kadalasan hindi ko na rin sya nire-reply-an dahil tamad akong mag text. Ang huling text nya ay kagabi pa. Simpleng "goodnight" lang ang na receive ko sa kanya. Aminin ko man o hindi, kanina ko pa hinihintay ang text nya. Pagkagising ko palang kanina, cellphone ko na agad ang tiningnan ko kung may message ba sya. Kahit sa facebook ko inaabangan ko kung may message ba sya.
Itinulog ko nalang ang paghihintay ng text nya. Ayokong mabaliw sa kakaisip. Alas-tres palang ng hapon at wala pang pasok bukas.
Alas-otso nang magising ako. Cellphone ko pa rin ang una kong tiningnan pero nakakadismaya lang dahil wala pa ring text si Zuriel. Kating kati nako na tawagan sya o i-text man lang pero napipigilan ako ng pride ko. Ang hirap pala pag nasanay kang sya lagi ang unang nag tetext at tumatawag.
Nagpa-alam ako sa landlord namin kung pwedeng lumabas para bumili lang ng pagkain. Pinayagan naman nya ko at binigyan ako ng isang oras. Nag time out pa ko bago lumabas ng dorm.
Habang kumakain, hindi pa rin ako makapag decide kung mag te-text ba ko o hindi. Sabado pa man din bukas at usually ginigising nya ko ng alas-dos para makapag ready ako kung saan man nya ko dadalhin. Then by 3 am, nasa harap na sya ng dorm. Sya na rin ang nagre-ready ng breakfast namin at kakainin namin yon on the way. Pandesal lagi ang dala nya at kung anu anong palaman. Kape sa kanya at hot chocolate naman sakin.
Pagkatapos kong kumain, umuwi agad ako at nag-ready ng maisusuot kinabukasan kahit na hindi ako sigurado kung matutuloy ba kami o hindi.
Biling baliktad ako sa kama at maya't maya ang pag check ko ng cellphone ko. Alas-dose na ng madaling araw at hindi pa rin ako makatulog. At hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Zuriel. Kung anu-anong scenario na ang naiisip ko pero hindi ko pa rin makuhang i-text sya.
3 am
Gustung-gusto ko ng sumilip sa labas baka nandun na si Zuriel at hinihintay ako pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Bawat minutong lumilipas, mas lalo akong hindi mapakali.
5 am
Sumuko na ko sa kakahintay na magparamdam sya at pati mga mata ko sumusuko na rin dahil dinadalawna ko ng antok. Nalulungkot ako sa nangyayari pero hindi ko na nalabanan ang antok pa.
---
Tok tok tok
Pupungas pungas akong tumayo para buksan ang pinto. Alam ko naman na receptionist ng dorm yon kaya hindi na ko nag abala pang mag ayos.
"May bisita ka sa receiving area." pagkasabi nya yon tumalikod na agad sya.
Nag-hilamos at toothbrush agad ako para makalabas na. 10 am na pala. Konti palang ang tulog ko at groggy pa ko ng lumabas pero sa kaisipan na baka si Zuriel yon kaya minadali ko na ang mga kilos ko.
"Hanz!" nanlulumong umupo ako sa sofa na kaharap nya. Hindi na sya nag abala pang tumayo para batiin ako.
"Why? May ine-expect kang iba?" narinig siguro nya ang disappointment sa boses ko. "Maligo kana, let's go out." sabi nalang nya ng hindi ako sumagot. Ayokong umalis pero dahil one week lang sya dito kaya pinagbigyan ko na sya.
Dinala lang naman nya ko sa mall at gumala lang kami sa mga shops. Binila nya ko ng isang pares ng damit at kumain lang. Bago kami umuwi, nagyaya pa syang manood kami ng sine.
Dis-oras na rin ng gabi ng makauwi kami. Dahil na rin sa pagod, hindi nako nakapag bihis pa at diretso ng natulog.
Maaga akong nagising kinabukasan. 8 am. Maaga na sa akin yon dahil usually, 10-11 am nako nagigising tuwing linggo. At tulad kahapon, wala pa ring message galing kay Zuriel. Gusto ko syang puntahan sa condo nya dahil tuwing linggo naman sa condo nya ko naglalagi.
Pero imbes na gawin ko yon, naglinis nalang ako at inabala ang sarili ko sa mga assignments ko. Nung lunch time na, dinalaw ulit ako ni Hanz at nilibre ulit ny ko sa labas. Maggagabi na ng makauwi kami at tulad kagabi, maaga ulit akong nakatulog.
Monday came at wala pa ring text mula kay Zuriel. Nade-depress na nga ako pero ayoko munang isipin yon. Apat ang subjects ko ngayon at panay activities lang ang mga ginawa namin.
Morning lahat ng subjects ko kaya ng mag lunch time na, dumaan muna ako sa canteen para kumain. Ng makapili nako, umupo lang ako sa may labas na malapit sa pinto ng canteen para dun kumain. Nahihiya kasi akong mag isa sa loob habang kumakain. Atleast dito sa labas, nakakapag people watching pa ko. Ito kasi ang madalas kong gawin kapag nagkakape ako sa labas.
"Ano ka ba? Cheer up! Para kang namatayan." napalingon ako sa may gilid ko dahil sa boses ni Louise. Papasok sya ng canteen pero nagulat ako ng makita ang lalakeng nakasunod sa kanya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at nanlamig ang mga kamay ko at pinagpawisan. May kirot din akong naramdaman sa may tapat ng dibdib ko.
Hindi pa nila ako napapansin kaya iniwas ko ang tingin sa kanila at nagkunwaring walang nakita.
Ilang araw ko syang hindi nakita at naghintay ng text nya pero heto sya ngayon at kasamang kakain si Louise. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. May namumuong luha na rin sa mga mata ko pero ginawa ko ang lahag para hindi tumulo ang mga to.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko para makaalis na don. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko pag nakaharap ko sila. Kung ngayon ngang nakita ko palang sila nasasaktan nako paano pa pag nakaharap ko na sila.
"Azenith?" bago pa ko makaalis, narinig ko na ang pagtawag nya sa akin.
"Shit." mahinang mura ko sa sarili ko. Dapat kanina pa ko umalis para hindi na nila ako nakita.
C-in-ompose ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa tumawag sakin. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko at nagpaskil ng ngiti sa mga labi ko bago akp humarap sa tumawag sakin.
"Zuriel!"
BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 5 - Strip Pokies
Short StoryThe Kissing Game Series 5 Strip Pokies "I can't do this." umuling iling ako at inalis ang pagkakahawak ng mga kamay nya at umupo sa sofa. Enough na na naka exposed na ang lacy red bra ko. I don't think kaya kong pati panty ko ay makita nya. Although...