(Yena's POV)
"Sis,talaga bang di ka uuwi sa condo??"-si Deanne.Ang kulit nya!
Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang di ako makakauwi dun eh.
"Mauna ka na! Itr-try kong i-convince si Daddy tungkol dito. Sige na!"
"Basta Sis ha?Kapag may ginawang kalokohan yung lalaking yun sayo,tawagan mo ako ahh."
"Oo na!"
Saka lang sya umalis.
Nagtungo ako sa library,and for the first time,hindi para magbasa...
Doon kasi ang kasunduan naming dalawa ni Suho,doon kami magkikita.
Puno ng kaba yung dibdib ko..Di ko alam kung para saan yung paguusapan namin.
Hinanap ko sya sa loob. And gladly, I found him at the corner.
Nakaupo sya habang nagbabasa.
Umupo ako sa harapan nya. Tumingin sya sa akin saglit atsaka sya tumayo. Ibinalik nya ang libro at naupo ulit sa harap ko.
May inilabas syang papel mula sa bulsa nya.
"Ano to?"-takang tanong ko.
"A contract. I already signed it, pirma mo nalang ang kailangan."
"Para saan ang kontratang to?"
"Para sa kasal na balak ng mga magulang natin. Napagisip-isip ko na after 5 months of being married, saka nalang tayo maga-annul. And after that, we're free from each other. Di na natin kailangang pahirapan ang mga sarili natin. Pero dapat sa loob ng 5 months, stable na ang kompanya nyo. Ikaw nang gumawa ng paraan para jan."
Tumingin ako sa papel na iniabot nya.
Nasasaktan man ako, kailangan ko paring pirmahan to..
Okay lang na ako yung mahirapan, basta wag lang sya.
Pinirmahan ko na iyong papel saka ko ibinigay sa kanya.
"One more thing, I have my rules. Malalaman mo nalang iyon sa bahay."-sabi nya bago tumayo.
"Teka!Di ba ako pwedeng sumabay sayo??Hindi ko alam yung address ehh--"
"Mag-commute ka nalang."
Umalis na syang tuluyan.
Yan!Yan ang ayaw ko sa kanya. Yan ang dahilan kilung bakit ayokong matuloy yung kasal.
Ayokong lagi nalang akong nasasaktan nang dahil sa pakikitungo nya sa akin.
Oo, gusto ko sya... at gustuhin ko mang ma-link sa kanya, hindi maaari.. baka lalo pa akong masaktan.
---
Vote and Comment ^^~
YOU ARE READING
Highschool Hunks (EXO fanfic)
FanfictionPosible nga bang magkatuluyan ang isang idol sa fangirl?? Read to find out!