#25

20 3 3
                                    

(Thyia's POV)

Ang boring dito sa booth.

Puro pagkain lang naman ang nakikita ko rito ehh.

"Thyia, bored ka na ba?"-tanong ni Reena, classmate ko.

"Kanina pa."-sagot ko.

"Eh, kamusta na kayo ni Beakhyun?"

Natameme ako sa tanong nya.

Kamusta na kami??

Eto, kunwari Bf/Gf kami. Haayy, kung pwede lang sanang totohanin nalang..  Para di na ako mahirapan.

Ang hirap magpanggap na kayo ng taong alam mong di magkakagusto sayo.

"Wala."-simpleng sagot ko.

"Tss."-Reena.

Lumabas ako ng booth para mag-C.R.

Pero pagkalabas ko ng CR....

"Ate Thyia, you are under arrest!"-sigaw nung lower grade student sabay posas sa isang kamay ko.

"T-teka, paanong---WALA AKONG KASALANAN!"

Nagkamot naman ng ulo yung estudyante.

"Ate, para po ito sa jail booth, may nagpapa-aresto po sa inyo."

Ahhhh.... ganun? Akala ko naman makukulong na talaga ako for real.

"Sino bang nagpa-aresto sa akin?"-tanong ko nang makarating kami sa booth nila.

Nang biglang...

"Ako ang nagpa-aresto sayo... And, we are both arrested."

O.O

"B-Baekhyun???"

"Ako nga... so, tara na sa loob ng jail."-saad nya saka nya ipinosas ang kamay nya at hinila ako papunta sa loob.

Madilim dito at talagang secured pero walang makakarinig at makakakita sa labas.

"Anong gagawin natin dito?"-tanong ko.

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako.

Parang may gustong ipahiwatig ang halik na iyon.

Pero, ayokong umasa.. Ayokong lokohin ang sarili ko sa bagay na alam kong mananatiling pagpapanggap lang.

Kasama ba sa pagpapanggap namin ang halik na ito??

Naguguluhang bumitiw ako sa halik at lumayo ng konti sa kanya.

"Baekhyun, bakit mo ginawa yun? Wala yun sa Fake Relationship natin."

Ngumisi sya pero malungkot ang mga mata nya.

"Oo nga pala... Fake relationship lang tayo."-saad nya at naupo.

Napaupo na rin ako dahil nakaposas kaming dalawa.

Naghari ang katahimikan...

"Thyia..."

"Hmm?"

"Hanggang pagpapanggap nalang ba talaga tayo?"

Napatingin ako sa kanya...

"Ikaw? Gusto mo na bang tapusin ito?"

Tumingin sya sa akin... at umiiyak sya.

"Gusto ko nang tapusin ito... Kasi may linabag akong rule..
















... Ang mahulog sayo ng tuluyan."

Napaiyak ako sa sinabi nya....

Kung ganun... kailangan na talaga naming tapusin ito dahil pareho kami ng nararamdaman...

"Ako rin ehh... pareho tayo ng linabag na rule... kasi, hulog na hulog na ako sayo."

Mas lalo syang naiyak doon sa sinabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Tapusin na natin to... ayoko nang magpanggap at magtago ng nararamdaman....

dahil...







...Gusto ko, totohanin ang lahat ng ito."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko...

Ganun din sya...

"So, will you be my girlfriend??

For real?"

Napatawa tuloy ako...

Mula sa pagpapanggap...

eto, totohanin na daw!

"Yes!"

---

Vote and comment^^~

Highschool Hunks (EXO fanfic)Where stories live. Discover now