#19

17 4 2
                                    

(Taera's POV)

"Dito ka nalang kaya matulog??malakas pa naman yung ulan."-suhestyon ni D.O

Napagpasyahan kasi namin na dito sa condo nya kami magprapractice ng lulutuin namin... kaya lang biglang umulan ng malakas,hindi tuloy ako makauwi.

"Okay lang sayo?"-tanong ko.

"Oo naman..sabay nalang tayo bukas pumunta sa school."

"Ahh, sige..Dito nalang ako sa sala matutulog."

"No,dun ka nalang sa kwarto ko...dito nalang ako sa sala."-D.O

"Nakakahiya tuloy sayo..."

Ngumiti na naman sya...waaaahhh!

"Okay lang, kaysa naman ikaw ang mahirapan sa pagtulog."

Ang sweet nya talaga..

"Kukuha lang ako ng unan at kumot."

"D.O..."

"Hmm?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya...

"Salamat ha."

Ngumiti sya at imbes na 'your welcome' ang isagot nya,hinalikan nya ako sa pisngi.

Waaaahhhhh...

Napatunganga ako at sya naman ay tumuloy na sa kwarto nya.

----

(Yena's POV)

Napamulat ako nang maramdaman ko ang lamig..umuulan pala sa labas..

Hinablot ko ang kumot......Teka??hindi ko to kumot ahh...Tumingin ako sa damit ko...hospital gown...

Naospital ako?????

Think Yena.Think.....

Ahh!.Naaalala ko na, pinakain pala ako ni Suho ng maanghang na seafood ramen... umatake na naman siguro ang allergy ko kaya ako na-ospital...

Nakaramdam ako ng gutom..bumangin ako at bababa na sana nang mapansin kong may tao pala sa gilid ng hospital bed..tulog sya at nakapatong ang ulo sa gilid ng bed.

Si Suho....

Sya ang nagbantay sa akin??

Mula nung nangyari yung pagpapakain nya sa akin ng maanghang na seafood ramen, parang mas natakot na ako sa kanya..

Nagising sya at tumingin sa akin...

"Oh, gising ka na pala...Okay ka lang ba??may masakit ba sayo? sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang sakit."

Napatunganga ako..Hindi ganyan ang Suho na nakilala ko...

Napaka-maalalahanin nya ngayon..

"A-ano....nagugutom ako..pero sana yung hindi maanghang at seafood...

A-allergic ako dun ehh."-nahihiyang saad ko...baka mamaya ma-beastmode na naman sya.

"Ahh--s-sige....ano..Y-yena?"

"Hmm?"

"S-sorry dun sa ginawa ko...hindi ko naman alam na allergic ka dun...pero,natakot talaga ako dun sa nangyari..akala ko mawawala ka na sakin...I thought I'm going to loose you.."-parang naiiyak pa sya habang sinasabi iyon...

I smiled...

"Okay lang yun....may isa lang akong hiling sayo...Sana di na tayo mag-away na parang aso at pusa..kung pwede lang naman sana, sana maging magkaibigan tayo.."

He finally smiled...for the first time!!

"Okay,friends!"

---

Time to update chaps!

Vote and comment po^^~

Highschool Hunks (EXO fanfic)Where stories live. Discover now