#13

20 4 0
                                    

(Yena's POV)

Kakauwi ko lang... at ang haggard ko na!

Grabe sya!

Pinagcommute pa ako, eh ang lawak ng kotse nya.

Nadatnan ko syang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.

Umupo ako sa pang-isahang sofa.

"Ba't late ka na nakauwi?"-tanong nya pero sa TV sya nakatingin.

"Ako ba tinatanong mo o yung TV?"

Tiningnan nya ako ng masama.

"Uyy, concern ka sakin noh?"-tanong ko ulit.

"Tch! First rule, ayoko yung nag-aasal couple tayo maski dito man o sa school."

"Alam ko, di naman tayo eh!"

"Second, ako ang laging masusunod."

"Edi ikaw na! Geh! Magbibihis pa ako."-saad ko at tumuloy sa taas.

Bubuksan ko na sana yung isang kwarto nang..

"Kwarto ko yan!"-Suho.

"Eh,ano namang masama? Magiging mag-asawa na tayo soon,kaya magsasama na rin tayo sa isang kwarto--"

"Third rule, ayoko yung dikit ka ng dikit sa akin... I hate the feeling of being beside you,CLOSE!"

Pagkatapos nun ay pinatay na nya ang TV at nagtungo sa kwarto nya.

Ang hard talaga nya! Aaaarggh! Grabe sya!

---

[Kinabukasan]

"Hoy!Gising na!"

"Ayoko! Tinatamad pa ako!"

"Fourth rule, ayoko ng tamad!"

Bumangon ako at tumingin sa kanya.

"Rules Rules Rules!!!!!!Aaaargghh! Nakakainis ka na!"-saad ko saka tumayo at nagtungo sa banyo.

Nakaka-stress yang rules nya eh!

Maya-maya pa ay bumaba na ako para mag-almusal.

At alam mo yung ulam, maanghang na seafood ramen with rice.

"A-ayoko nito."-saad ko at inilayo yung pagkain.

"Fifth rule, ayoko ng mapili!"

"Ang dami mo nang rules!Pwedeng ako naman! Isang rule lang, pwede bang yung gusto ko kainin,yun ang kakainin ko?--"

"Rules are rules!Ano?? Kakainin mo yan o hindi?"

"Ano kasi--"

"Just eat!"

Wala na akong magagawa! Di rin naman ako makakasingit pag nagsalita pa ako eh.

Kinain ko yung ramen...at wala pang five minutes, nagsimula nang bumaliktad ang sikmura ko...

Tumakbo ako papunta sa kitchen sink at doon nagsuka.

Lumapit sya sa akin at hinagod ang likod ko.

Tumingin ako sa balat ko at naglitawan na ang mga rashes...

Sabi ko na ehh!

"Anong nangyayari sayo bakit---"

Bago pa sya matapos ay nawalan na ako ng ulirat.

---

Guys, pls comment po kung anong magandang gawin?

I'm planning to create a compilation of short stories,at yung mga characters ang hahanapin ko..(parang yung ginawa ko dito, pero di EXO related ito)

I need suggestions po...

Siguro pagkatapos nito,gagawin ko na yun~

Highschool Hunks (EXO fanfic)Where stories live. Discover now