(Suho's POV)
Ayoko mang iwan si Yena, kailangan parin.
"Hyung, ayos lang yan. Babalik pa naman tayo diba? Kaya lang talagang mahirap iwan ang mga taong napamahal na sayo."-Sehun.
"Mahirap nga."-Sagot naman ni Chanyeol.
Lahat kami dito parang mga lantang gulay. Walang balak bumalik sa pinanggalingan.
Sana lang, hindi sya magbago. Sana hindi sya susuko sa ano mang meron kami ngayon. Sana maintindihan nya.
---
(Yena's POV)
Nakangiti akong bumangon at nagtungo sa banyo. Naalala ko yung nangyari kagabi, ang unang date ko, dream date pala.
Bumaba ako at nagtungo sa dining room para mag-almusal pero wala si Suho doon.
"Manang, nauna na po bang unalis si Suho?"-tanong ko sa kasambahay.
"Ayy, di ko po alam Ma'am. Paggising ko po eh wala na sya."
Napatango nalang ako. Baka nauna na sya sa school. Nagbreakfast nalang ako at nagtungo na sa school.
---
"Ruro, nakita mo ba si Deanne?"-tanong ko kay Ruro na abala sa paggi-gitara.
"Hindi eh. Nandyan yung bag nya pero di ko pa sya nakikita."-sagot nya.
Dumating yung prof namin. Wala pa si Suho, pati ang buong EXO at si Deanne. Nagsimula na akong kabahan.
---
Agad akong lumabas pagka-break namin. Kailangan kong hanapin si Deanne. Isang lugar lang ang alam kong kinalalagyan nya ngayon. Ang tambayan nya.
At tama nga ako. Nandun sya, umiiyak.
"Deanne, ano bang nangyayari sayo? Wala ka kanina sa klase, ano bang ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak?"
"Yena..."-Yun lang ang sagot nya habang patuloy parin sa pag-iyak.
Hinayaan ko muna syang mahimasmasan.
"So tell me, bakit ka umiiyak?"-tanong ko ulit.
"Hindi mo ba alam? Akala ko ba kasama mo si Suho kahapon? Di ba nya sinabi sayo?"
"Wala syang sinabi sa akin. Ano ba yun?"
"Bumalik na sila sa Korea. Kagabi ang flight nila. Yena, hindi ko alam kung babalik pa ba sila. Si Sehun..."
Muli syang humagulgol. Ako rin ay napaiyak na. Bakit di nya sinabi yun kagabi? Kaya ba isa isang tinupad ni Suho ang mga hinangad nya?
Babalik pa ba sya?
---
(Heidee's POV)
"Magiging sayo na tong practicing room."
Paulit-ulit iyong pumapasok sa isip ko. Iyon ang huling sinabi sa kanya ni Kai bago ito umalis patungong Korea.
Di ko man maamin sa kanya, alam ko sa sarili ko na Mahal ko na sya.
Kaya ganito nalang ang pangungulilang nararamdaman ko, ngayong wala na sya.
"Heidee!!! Congrats girl! Ay nako, alam kong kayo talaga ang mananalo eh! Grabe ang intense ang chemistry nyo ni Kai, parang totoo talaga eh! Wait, totoo nga ba?"-intriga ni Sir Allan.
I forced a smile.
"Siguro... May chance sigurong magkatotoo ang lahat kung nandito pa sya."
He pouted.
"Magpakatatag ka lang. I know he will come back and I know he will return for you."-he adviced.
I just nodded.
Now that dancing alone without him doesn't make sense....
Huling sayaw na ba namin ang kahapon?
---
Aww..
Last dance na daw...
-PinkyHeartsGoneBlue
YOU ARE READING
Highschool Hunks (EXO fanfic)
FanfictionPosible nga bang magkatuluyan ang isang idol sa fangirl?? Read to find out!