Kabanata Isa

63 5 2
                                    

"Gela Grace Montes!" sigaw ni ma'am
"Po?" sagot ko.
"Ito na yung ticket mo for the film showing tomorrow. Don't be late ok?" Tumango nalang ako para sa sagot ko kay Ma'am Garcia

"Gelaaaa!!!" sigaw ni Janella bestfriend ko. "Ano bang sinisigaw mo Janella Clare Celerio?" Irita kong tanong. "Hihihi. Sorry be. Nakuha mo na ba yung ticket mo para sa film showing tom?" Aniya "Yup" bored kong sagot sakanya. "That's great. Sabay ako sayo bukas pretty please!" Nag puppy eyes pa sya. "Tss, fine" sabi ko nalang para hindi na sya kumulit pa.

Pag-uwi ko sa bahay nakita ko si mommy sa kitchen na nagluluto. "Nandito ka na pala. How's school so far baby? Kamusta ang pagiging Grade 9 student?" Tanong ni mommy na may kasamang paghagikhik "Fine mom. We will have a film showing tomorrow morning" sabi ko. "That's good. Anong gusto mong ipabaon? May susundo ba sayo bukas?" Aniya "Yes mom. Si Janella. Ahm, Bacon sandwich is better mom. I gotta go my im tired goodnight loveyou." Pag akyat ko salpak agad ako sa kama I'm damn sleepy!

Kinabukasan late na kami ni Janella na nakarating sa venue. King bakit ba naman kasi traffic eh. Kaya ngayon sa ibang section kami pinaupo.

"Hi Gela!" Bati ni Pauline sakin kaklase ko lastyear nalipat na kasi sya ng section eh. "Hi Pau section 4 ka pala? Late kami kaya dito na kami pinapila sa pila nyo" sabi ko "Ah kaya pala. Oy Evo Trixel Santiago may pagtingin kay Gela ah." Anya napalingon ako at dali daling hinanap kong sino ba yung Evo Trixel na tinutukoy nya. "Ha? Hindi oy." Sabi nung Evo Trixel "Grabe ka Pau nadamay pa ako dyan" spell awkward shemz! Ito namang si Pauline tumawa lang tss!

Focus na focus ako sa panunuood ng hindi ko namalayang may luha na pala na pumatak sakin ikaw ba naman iwan ng lalaki o babae ng hindi mo alam ang dahilan halos mabaliw na sya sa kakaisip kong ano ba yung ginawa nya para maisipan ng jowa nya na makipagbreak hays!

"Hoy Evo may pagtingin talaga kay Gela ah." Nagulat ako sa pagsasalita ni Pauline teka, si Evo Trixel? Nakatingin nanaman sakin? Well, kung titingnan sya matangkad sya hanggang balikat nya lang nga ako eh.Maputing balat May mga mata syang singkit na kulay brown mahahabang pilikmata, matangos na ilong at pinkish na labi inshort Gwapo sya! Oo na! Pero hanggang doon lang yun. Nothing more nothing less! Nakakainis lang ang perfect perfect nya eh ako? Bilugang mata na kulay itim Pilipnong Pilipino ang dating, hindi masyadong katangusan ang ilong maliiit sya. Sa labi naman? Masasabi kong pinkish din pero yung kanya? Mas grabe talaga eh.

"Pano kasi umiiyak sya kaya napatingin ako" sabi ni Evo na nagpabalik sa ulirat ko. Napansin nya pala na naiyak ako. Tss! Bakit ba kasi ang iyakin ng malaki kong mata? "Ha? Hindi ah napuwing lang ako" sabi ko nalang ayoko namang sabihing umiyak talaga ako nakakahiya no tska baka sabihin nya pa pabebe ako masyado na parang yun lang iniiyakan ko.

"Asus! Baka may gusto ka lang sa bestfriend ko?" Sabat naman ni Janella nakakainis na baka naman naaalibadbaran na si Evo bakit ba kasi ako nagakaroon ng kaibigang malisyosa tss! "Hay naku, tama na nga! Grabi kayo sa tao tumingin lang may gusto agad? Tss!" medyo pagalit kong sabi mukhang effective naman kasi tumahimik na sila hanggang sa matapos yung show. Kumain lang kami ni Janella sa pinabaon ni mommy at pagtapos umuwi na din. So tiring day!

She Left HangingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon