Kabanata Pito

8 0 0
                                    

Disappointment

Kinabukasan excited akong pumasok upang maibigay tong regalo ko kay Evo. Hindi ko alam kung bakit pero naeexcite na ako na lagi siyang makita. Yung parang pag hindi kami nagkita ng isang araw miss na miss ko agad sya.


"Oy, gela! Ang aga mo ata ngayon?" Ani ni Janella. Si Janella kabaligtaran ko yan. Kung ako laging nagpapalate sya naman laging una sa klase. Ewan ko ba dyan. "Wait! Alam ko na. Excited kang ibigay yung gift mo kay Evo no?" Dagdag pa nya.

"H-ha hindi ah. Bakit naman ako maeexcite?" Maang maangan ko.

"Asus! Hwag ako Gela Grace Montes. Kilala na kita umiihi ka palang sa diapers mo. Alam kong excited ka. Kanina ka pa palinga linga oh. Hinahanap mo sya eh." Aniya

Oo tama sya hinahanap ko nga si Evo. Pano kasi kanina ko pa sya hinahanap hindi ko parin makita. Mag fa-flag ceremony na wala parin sya. Imposible naman umabsent sya. Nag promise sya sakin kagabi.

Flashback

To: Evo

Pumasok ka bukas para mabigay ko sayo yung gift mo. Hehe.

Fr: Evo

Oo naman no. Excited na nga akong pumasok para magkita na tayo. Promise papasok ako bukas. :)


"HOY! GELA! MAG-AAKYATAN NA!" Sigaw ni Janella na nagpabalik sa ulirat ko. "Nagpris sya" ani ko. "HA? HOY! ANO BANG PINAGSASABI MO? SINO ANG NAGPROMISE?" Aniya.

"H-ha? A-h w-ala wala tara na nga" sagot ko nalang. Nasan ka ba Evo Trixel. Baka naman late lang? Hays. Late lang sya Gela. Hindi nya bibiguin yung promise nya.

Nagdaan ang apat na klase. At ngayon ay Vacant na. Nandito kami ngayon ni Janella sa Coop Canteen kumakain ng lunch.

"Oh bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo? Ang daming nagugutom ngayong kabataan alam mo ba?" Ani ni Janella

"Hindi ba sya pumasok?" Hindi ko pinansin yung tanong ni Janella. Bagkus pinalitan ko pa ito ng tanong.

"Ha? Sino?" Aniya "Evo" sagot ko sakanya na nagpalaki naman sa singkit nyang mata.

"Oo nga no. Hindi ko sya napansin. Baka naman absent? You know birthd--...." hindi ko na sya pinatapos nang magsalita ako muli.

"Hindi pwede. Nagpromise sya sakin kagabi" sagot ko. "So sya pala yung dahilan kung bakit kanina ka pa tulala dyan? Tsk! Loko yun ah. Hayaan mo na, kumain ka na. Malay mo may valid reason sya kung bakit hindi sya nakapasok ngayon" mahabang sabi ni Janella

"Pero kasi nag promi--..." hindi nya na ako pinatapos at nilagyan yung bibig ko ng pagkain.

"Kumain ka na. Akala ko ba crush lang? Don't tell me mas lumalalim na?" Mapang-asar na sabi ni Janella.

"Shut up will you? Nagpromise kasi sya. Kaya akala ko..." mataray pero lumungkot din na sagot ko.

Bakit ka ba nag kakaganto Gela Grace? malay mo naman may importante lang na pinuntahan yung tao? Masyado ka na atang nasasanay sa presensya nya? Ugh.

Nag tapos ang klase at walang Evo Trixel na nagpakita. Absent talaga sya. Binali nya yung pangako nya.
Tiningnan ko yung phone ko wala din kahit isang message na galing sakanya. Nasan ka ba Evo?

"Gela. May narinig ako kanina." Sabi ni Janella kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pauwi. Natripan namin na maglakad dahil malapit lang din naman ang school sa Subdivision namin.

"I don't care!" Pataray kong sagot sakanya.

"Okey. Okay lang naman sayo diba? Tungkol kay Evo lang naman yung ikikw---."

Hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita at sumagot agad ako. "Spill it"

"Sabi ko na nga ba eh. Hahahaha. Ganto kasi narinig ko na Si Evo daw ano. Si Evo kasi ano daw. Nasa ano daw kasi si E--..."

"Fvck Janella Clare. Direct to the point please!!!!" Talak ko sakanya.

"Sorry, si Evo nasa Star City daw,kanina. May kasamang babae. Hehehe yun lang."

"Okey! Yun lang pala eh. Tss!" Sagot ko. Star City? Babae? So kaya nya binali yung pangako nya para pumunta ng Star City ng may kasamang babae?

Ugh, I hate this feeling!

She Left HangingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon