Kabanata 8

8 1 0
                                    

Falling

Umuwi ako sa bahay nang malungkot. Hindi ko maintindihan pero ang lakas nang tibok nang puso ko.

Mali to. Hindi ko dapat to nararamdaman. Bakit ka ba nagkakaganto Gela! Ilang beses ko nang pinagsasampal at kinakausap ang sarili ko pero wala pa din. Ang lakas parin talaga ng tibok ng puso ko hanggang sa nakatulog ako.

Lumipas ang mga araw na hindi na nagtetext si Evo. Nalulungkot ako pero sa kabilang banda it's ang good sign upang matuloy ang plano kong pag-iwas at kalimutan na sya.

Naglalakad kami ngayon ni Janella at ni Angelika isa ko pang kaklase papuntang 7/11 wala kaming klase ngayon dahil sa may faculty meeting ang mga teachers.

"Gela" biglang salita ni Janella.
na nagpatranta sakin dahil paglingon ko nakita ko si Evo na may kasamang babae. At magkaholding hands pa sila. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit. Ang sakit sa dibdib. Feeling ko aatakihin ako sa sakit.

Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat na gawin. Hindi pa kami napapansin ni Evo dahil nagtatawanan at nakatingin sya dun sa babaeng kasama nya. "Lika na Gela!" Sigaw ni Janella at hinatak ako.

Napa tingin si Evo. Nagkatinginan kaming dalawa. Ang kinagulat ko ay nagtago sya. Iniwan nya yung babae. Bakit sya nagtatago? Dahil sakin? At bakit naman? Wala namang kami. Wala akong karapatang magalit.

"Anong nangyayari bakit tayo tumatakbo?" Tanong naman ni Angelika na nagpabalik sa wisyo ko.

"Wala. May pangit kasi kaming nakita. Tara na ayun na yung 7/11 oh." Sabat naman ni Janella.

Pumasok kami sa loob nang hindi ko man lang namalayan. Ang sakit parin ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Wala dapat akong pakielam kung anong ginagawa niya kung sino man yung kausap o kasama nya.

"Fall ka na." Ani ni Angelika na ikinagulat ko. "Ha? Anong sinasabi mo? Hahaha" tumawa ako pero obvious namang pilit ito.

"Hindi ako bulag Gela. Mas lalong hindi ako bingi. Madami akong naririnig about sa inyo ni Evo. At sa mga ikinikilos mo ngayon masasabi kong Fall ka na" mahabang pahayag nya pa.

"H-ha? Hindi ah. Ano ka ba?" Wala akong masabi. Hindi ko na alam nagkakabuhol buhol na ang utak ko. "Alam mo. Kahit ilang beses mong itanggi, mga galaw mo ang nagdidikta nito." Aniya.

Tumahimik at hindi na ako na ka sagot pa sa sinabi nya. Mabuti nalang din at dumating na si Janella dala ang inorder naming pagkain.



Nandito kami ngayon sa unit ni Evo. Napilitan ako dahil dito kay Janella.

Flashback:

"Tara na kasi Gela. Sayang naman yung gift na binili natin para sa kanya." Ani ni janella

"Hayaan mo na. Ibibigay ko nalang sa iba" sagot ko naman para hindi na sya mag-inarte pa at hayaan na akong makauwi.

"Hayaan? Ano ka ba? Para sa kanya yan eh. Tapos sa iba mo ibibigay? Ano ba yan Gela!? Tara na kasi." Aniya

"AYOKO NGA!" Sigaw ko sa kanya. Naiinis na ako.

"Bakit ba ayaw mo Ha!?" Sya na naiinis na din.

"AYOKO KASI NGA INIIWASAN KO NA SYA! HINDI MO BA MAINTINDIHAN HA!? BECAUSE I THINK I AM FALLING IN LOVE WITH HIM!" napatakip ako sa bibig ko pagtapos kong sabihin sa kanya yun. Shit mouth.

"OMG! Sabi na nga ba eh. Alam kong sasabihin mo din. Obvious na sayo. Tara na sabihin mo sa kanya." Aniya

"Ano ka ba? Nakakalimutan mo na bang may kasama syang babae kanina. Super sweet nila. I think girlfriend nya yun." Sabi ko ayoko talaga eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Left HangingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon