Kabanata Tatlo

11 2 0
                                        

Author's Note:

Hi/Hello thankyou sayo kasi binabasa mo tong first story ko. Sana pagtapos mong basahin tong chapter nato macomment ka kong okay ba. Thankyou! xoxo.
---------------------------------------------------

Girlfriend

Mabuti nalang weekend ngayon dahil napuyat ako sa pakikipagtext kay Evo. At mabuti nalang din ay wala akong dapat na tapusing assignments or projects. Makakapag facebook at wattpad ako magdamag.

Bumaba na ako para makapag breakfast. Nakita ko si mommy na nasa kusina naghahanda ng tanghalian namin. "Good morning mom" bati ko kay mommy. "Oh bakit ngayon ka lang nagising? Parang datirati lang ginigising mo pa ako odikaya si Manang Leticia para lang maipaghanda ka ng breakfast. May pinag-aabalahan ka ba ngayon?" Aniya "Napuyat lang po ako sa pagtetext kagabi mom." Tinitigan nya ako na para bang hinhintay nyang sabihin ko kong ano o sino ba yung katext ko kagabi. "It's just a friend mom" dugtong ko. "Hahahaha. Yeah I know baby." Halakhak nyang sabi "I'm not a baby now mom." Medyo irita kong sabi. I'm fifteen years old for damn sake! "Okay! Chill Grace! Hahaha. Basta wag mong kakalimutan yung "No secrets" policy natin ok?" aniya at nagquotation pa sa hangin pagdating dun sa 'No Secrets'

Si mommy ang lagi kong pinagsasabihan ng lahat lahat even about my crushes. Simula noong iwan kami ni Daddy sya na yung tumayo bilang mommy and daddy ko. Only child ako kaya kaming dalawa lang talaga sa buhay simula pa noon. Kay mommy lang talaga ako nakakapag open. Though nandyan naman si Janella mas open parin ako kay mom.

"Yeah mom. Hinding hindi ko po yun kakalimutan." sabi ko.
"Good to know. I gotta go baby. Seeyou later" kumiss ako kay mommy at umalis na din sya matapos yun.

Kumakain ako ngayon ng Tuna Sandwich ng biglang nagvibrate yung phone ko. Senyales na may nagtext sa akin.

Fr: Evo

Goodmorning cute! :)

Si Evo. Kagigising nya lang din? Malamang ay napuyat din to kagabi.

To Evo:

Goodmorning too! :)
Okay naman ang tulog ko. Ikaw? Mukhang kagigising mo lang ah. Napuyat? Haha. :P

Nakasanayan ko na na ganyan si Evo every morning magtetext sya sakin. Minsan nga sya na yung nagiging alarm clock ko sa umaga. Dahil mas nauuna pa syang nagtetext kesa sa pag riring ng alarm clock ko.

Fr: Evo

Late na ba ako nakapagtext? Sorry, oo napuyat ako kagabi. Ang cute mo po kasi katext eh. :D

Yan nanaman sya sa kakacute nya. Ganto naba ako kacute para hindi nya na tantanan ang pagsasabi ng cute sakin? Well, kung talagang cute ako dapat naging crush na ako ng crush ko. Pero hell NO! for sure binobola lang talaga netong isang to.

To: Evo

Tama na sa cute thingy. Hindi ako cute. Kung cute ako dapat naging crush na ako ng crush ko.

Tama naman diba? Kung talagang cute ako dapat crush nila ako pero hindi eh. Hindi na dapat niloloko pa ako.

Dumaan ang sampung minuto pero hindi parin sya nagrereply. Inisip ko nalang na wala na syang load. Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Pagtapos ko gawin lahat ng rituals ko. Nahiga ako sa Queen Size bed ko para sana manuod ng TV nang nakakita ako ng isang mensahe galing kay Evo.

Fr: Evo

Cute ka naman talaga eh. Kaya siguro hindi nila sinasabing cute ka kasi nahihiya sila. Sa taray mo ba namang yan. Sino maglalakas loob. Hahaha. Cute ka talaga kaya nga naging crush kita eh. :D

Cute ka talaga kaya nga naging crush kita eh.

Cute ka talaga kaya nga naging crush kita eh.

Cute ka talaga kaya nga naging crush kita eh.

Dubdubdub! Ano ba tong puso ko? Inaatake ata ako ng hika ko. Ano ba naman kasing klaseng text yun? Evo naman kasi eh.

To: Evo:

Hahaha. Hindi naman ako ganon kataray noh. Oy baka magalit girlfriend mo tama na nga sa pagjojoke na crush moko. Ikaw talaga oh. :D

Dubdubdub! Kainis na puso! Baka may girlfriend na yung tao gaga ka puso! Wag ka ngang ano dyan! Nagjojoke lang yung tao nagpadala ka nanaman sinasabi ko naman sayong wag ka ng mafall ng mabilis diba? Tss!

Fr: Evo

Wala akong girlfriend ano ka ba. Hahaha.

Okay? What now Gela? Bakit ko pa kasi tinanong parang ang curious ko naman masyado sa buhay nya. WRONG MOVE GELA!

She Left HangingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon