Kabanata Anim

15 0 0
                                    

Ngayon lang ako nakapag update kaya hahabaan ko. Thanks for reading guise! xoxo.

-yellowredbluee❤

-----------------------------------------------------

Visit

Nandito kami ngayon sa Luneta Park. Gaya nang sabi ni mommy kailangan kong itour ang aking mga pinsan. Kumakain kami ngayon dito sa damuhan ng Park.

"Ang ganda pala talaga ng Maynila Ate Grace" Ani ni Althea. Naalala ko pa noon batang bata pa siya nung nagpunta sila dito ng mommy niya.

"Oo naman hayaan mo. Nextime hindi lang luneta pupuntahan natin. Magpapaalam ako kay mommy kong pwede tayong magpunta sa Star City. Dun mas mag-eenjoy ka." Sagot ko kay Althea.

"Talaga? Sana pumayag si tita lizza" Nakangiting sabi niya

Naglaro at nag-enjoy naman kami sa pamamasyal sa Luneta. Nagplanuhan na di namin na sa isang fastfood malapit nalang dito kami kakain ng dinner.

Masaya akong pinagmamasdan ang mga pinsan kong naglalaro ng badminton ngayon. Hindi nila ininda ang pagod.

"Gela Grace" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng tawagin ako ni Kuya Christian seryoso ang kaniyang boses na para bang may napakali akong kasalanang nagawa sakanya.

"What with the serious tone kuya Tian?" Nakangisi kong tanong. Pero sa loob loob ko natatakot ako dahil nagiging seryoso lang naman sila pag may napapansin silang pagbabago sakin.

"May napapansin kami sayo Gela Grace" seryoso ding boses ni Kuya Christianie.

Tumingin ulit ako sa mga pinsan kong masaya paring naglalaro bago sumagot. "Ano naman yun? Hahaha." Nagpanggap akong natatawa pero kinakabahan na ako.

Nakita kong huminga nang malalim si Kuya Christian at nagsalita. "Kahapon, habang nanunuod tayo.... nakangiti ka sa screen ng cellphone mo." Aniya.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita din si Kuya Christianie "At kagabi, inutusan ako ni Tita Lizza na kumuha ng unan sa kwarto mo dahil ang dami mo daw unan. At pagpasok ko narinig kitang nagsalita ng EVO! Ano si Evo? Or should i say Sino si Evo?" Ani ni Kuya Tianie.

Sa amin ako talaga ang may pinaka madaming unan. Eight ang unan ko sa kwarto. Ang saya kaya pag madaming unan. Pero ang hindi maalis sa isip ko ay bakit sinalita ko ang pangalan ni Evo? Ano ko nga ba si Evo? Sino nga ba siya sakin? FRIEND!

"Hahahaha. He's just my friend" mga kuya naman eh. Natatawa ko pang sabi kahit na kinakabahan parin ako hanggang ngayon.

"Gusto niyo na kumain?" Sinubukan kong ibahin ang usapan. Sila talaga ang pinaka close ko simula bata palang ako. Pero simula noong umalis sila. Ewan ko ba nakaramdam na ako ng Awkwardness sakanila. I think hindi ko na kayang mag-open sakanila.

"Friend? Pero hanggang sa panaginip nadadala mo?" Akala ko ay maiiba ko ang usapan. Pero dahil sila si Christian Montes at Christianie Montes ay hindi ako nagwagi.

"Correct me if im wrong Gela Grace" ani ni kuya Christianie. "Evo-ng in your dream is Evo-ng katext at dahilan kong bakit mo nginingitian ang phone mo?" Aniya.

"A-ahm yes." Nahiya ako kaya yumuko nalang ako.

"That's love" Pabulong na sabi ni Kuya Christian na hindi ko masyadong narinig.

"Ha? Ano yun?" Tanong ko. "Wala tara kain na tayo" at nag walk-out silang dalawa.

Pag-uwi namin umakyat agad ako sa kwarto ko. Narinig kong tumunog ang ringtone ng phone ko na senyales na may text ako.

She Left HangingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon