Pasukan na naman, andito na naman ung feeling ng sa unang araw ng klase, magpapakilala sa harapan at talagang ako'y kinakabahan lalo na at nabalitaan ko na ang magiging adviser ko ngayon ay sobrang strict.
Pagpasok ko ng classroom, nakita ko parin yung mga kaklase ko lastyear kaya hindi narin ako mahihirapan na kilalanin sila. My mga bagong mukha pero halos lahat naman eh kilala ko na. Umupo ako sa unahan habang hinihintay ang pag dating ng aming guro sa buong taon na to.
Nilibot ko ang aking mata at naagaw ng aking pansin ang isang lalaking nung una ay nakatingin skin ngunit tumatagos pala mula saaking likuran tila ba sya ay wala sa kanyang sarili. Ano kaya ang kanyang pangalan? Ang alam ko ay nasa section 1 siya last year. Kasalukuyan kaming nasa section 2 ngayon.
Bakit kaya sya nalipat ng section 2?
Naputol ang pagiisip ko ng dumating ang aming guro. Gaya ng nakagawian sa unang araw ng klase ay tatayo sa harapan upang mgpakilala. Hanggang sa ako na ang nasa harapan at masayang bumati sakanila.
"Hi. My name is Maxene Felipe. 15yrs old. Sana ay maging masaya ang taon na ito para saating lahat. Thank you."
Habang ako ay nagsasalita, nilibot ko ang mga mata ko sa mga datihan at mga bagong mukha. Hanggang sa mahinto ang aking mga mata sa sa dalawang pares ng matang titig na titig saakin ngayon. Hindi ko maiwasang kabahan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa di ko maisip na dahilan. Bakit ganito ang nararamdaman ko ng tignan nya ako? Hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang naramdaman ko para sa taong yon.
Nuong araw din na iyon ay nagkaron na kami ng permanent seats. Duon ako napwesto sa ikatlong row at lima kaming mgkakatabi. Mula saaking kaliwa ay katabi kong si Reyner na naging classmate ko na simula pa nun elementary ako.
"Hi!" Bati ko sakanya. Tipid lamang sya ngumiti.
"Hi." Bati din naman nya saakin. Natatandaan ko ng kami ay mga bata pa ay crush nya ung kaibigan slash bestftriend ko. May hitsura din sya kasi palagi syang naboboto na escort sa klase.
Sa kanan ko naman ay bagong mukha. Hindi ko sya naging kaklase nitong mga nagdaang daan kaya alam kong bago lang sya. Tumingin sya at ngumiti saakin.
"Adrian." Nilahad nya ang kamay nya sabay pakilala. Gosh! Ang tangos ng ilong nya at napaka ganda ng mapuputi at pantay pantay nyang mga ngipin. Nun palang ay may namuo na akong paghanga sakanya. Haha! Crush agad, first day of school?
"Max." Sagot ko, bago pa nya mahalata na nagkaroon na ako ng munting paghanga saknya ay tinignan ko ang nasa kanan nya. Si Aivon, I know her. She's my classmate lastyear and we're close. Ngumiti ako sakanya at ganon din naman sya saakin.
"Sabay tayo mamayang break, Max." Sabi ni Aivon saakin.
"Sige Aivon. Nagugutom na nga ako eh, hindi ako nakakain ng maayos kanina kasi nagmamadali ako." Sabi ko sakanya ng mapansin ang isa pa naming kahilera, yung nasa aisle. Nasa kanan ni Aivon. Muling bumilis ang tibok ng puso ko lalo ng sya ay tumingin saakin. Pero hindi sya ngumiti. Hmm, sungit! Siya yung kanina. Ang lalaking nakaagaw ng pansin ko. Ang lalaking nakapagpabilis at nakapagbigay saakin ng kakaibang pakiramdam.
Sh!t and damnation. Totoo ba to? This will be the most exciting school year, for sure. And I'll make sure of that.
❤❤❤
Wooh. ☺
BINABASA MO ANG
My First Love. ❤
General FictionThis story is real and base on my story. Yes! Ako po yung bida. This story happened, when I was in high school when I met a guy who happened to be My First Love. This is my first story at tinry ko lang isulat ang love story ko nuon. Tara samahan nyo...