Long Quiz. ❤

6 0 0
                                    

Maaga akong pumasok ngayon kahit na 1pm pa ang pasok namin. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong 10am palang. Great! Just great, Max! Tinanung ako ng Mama ko kanina kung bakit ang aga ko, hindi ko pati kasabay si Pierre pumasok kaya nagduda sya pero dahil gusto kong pumasok ng maaga ay wala din nagawa si Mama. Sinabi ko nalang na my assignment ako at sa Library ako kukuha ng sagot pero ang totoo ay my isang tao lamang akong gustong makita. Rafael.

Dumiretso ako sa library at tama ako ng hinala. Nandun sya. Napag-alaman ko na maaga sya pumapasok at dito sya tumatamabay sa Library. Nakita ko syang may parang ginuguhit. Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Eheem. Woah! Ang ganda nman nyan. Ang galing mo palang mgdrawing." True. Lalung nadagdagan ang paghanga ko sakanya. Ang totoo nyan ay isa mga katangian nya ay pagiging matalino kaya lalo pa akong humanga sakanya lalo na at may iba pa pala syang katangian. Tumingin sya sakin.

"Ang aga mo ata ah. Anyway, nagawa mo na ba yung sayo?" Sabi nya at bumalik ang tingin sa ginuguhit nya. Ang tinutukoy nya ay yung sa drafting namin. Yun yung ginagawa nya ngayon.

"Oo. Kaso panget yung saakin. Hindi kasing ganda nyang sayo." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa gawa nya.

"Ah ganon ba? Hmm.. Naisip ko lang kasi na igawa kita. Kung gusto mo lang." Tila nahihirapan nyang sabi na ako naman ay napatingin sakanya.

"Talaga?" Naniningning siguro ang mga mata kong tanong sakanya. Ang saya lang! ;)

"Oo. Pero may kapalit."

Napanguso ako. "Ano naman yon?" Nakita ko pa din ang singsing kong suot suot nya. Buti nalang hindi napapansin ni Mama na wala saakin yon.

"Yung project natin sa Filipino. Ano kasi. Hindi ako marunung gumawa ng scrapbook. Babae lang mahilig sa mga design design at wala ako alam dyan. Swap tayo, please." Sabi nya na nag-iiwas ng tingin. Tinatanya nya siguro na baka hindi ako pumayag. Bigla akong natuwa dahil of all people, parang saakin sya nagtitiwala.

"Tss. Sabi na. Pagtatawanan nya lang ako." Bulong nya na umabot naman saaking pandinig.

"Sige, payag na ako. Basta gandahan mo drawing sa drafting ko ah." Sabi ko at tumayo na. Hindi ko kasi alam kung paano ako kikilos sa harap nya nang di nya nalalaman ang tunay kong nararamdaman.

"Talaga? Thank you, Maxene." Masaya nyang sabi saakin. Maxene. Sa 15yrs ko sa mundo, ngayon ko lang lubusang naappreciate ang pangalan ko. Ang sarap sa pakiramdam ng banggitin ng isang Rafael.

Pagkatapos ng tagpong yon ay matuling lumipas ang oras. Nasa classroom ako at katatapos lang ng breaktime. May ilan ilan narin akong kaklaseng nasa loob. Umakyat ako kasama sina Pierre na may dala dalang ice tea. 15mins pa ang break namin ay umakyat na kami para makapagreview dahil my quiz kami sa chemistry. Isa sa mga fave kong subject. Habang papunta ako sa upuan ko ay nakita kong nakaupo c Rafael sa upuan ni Reyner, at si Reyner sa upuan ni Rafael. Which means, si Rafael ang makakatabi ko ngayon. Juicecolored!

Napilitan akong lumapit para umupo sa upuan ko at laking gulat ko ng kunin nya un ice tea na hawak ko at ininom nya yon. Napanganga nalang ako habang nakatitig sa bumababa't taas nyang adams apple dahil sa pginom nya ng ice tea ko.

"Ah..nakakauhaw! Thanks, Max." Nakangiti nyang sabi saakin ng maubos nya yung ice tea ko.

"Hoy, bakit mo ininom yon, huh? Bakit di ka bumili ng sayo?" Pero ang totoo nyan ay hindi ko alam kung paano pa magrereact. Shet! Indirect kiss. O.o Si Rafael yun eh.

"Kanina pa kasi ako nauuhaw at tamang tama naman na meron kang dalang ice tea. I thought, you bought that for me." Sabi nya pa sabay kindat saakin. Tss.

Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang teacher namin kaya kahit kinakabahan dahil sa magkatabi kami ngayon ay hinayaan ko na lamang sya, tutal wala narin naman yung ice tea.

"Ok class. Get 1 whole sheet of paper. I told you that we will having a long quiz today so umaasa ako na nakapagreview kayong lahat." Ay oo nga pala! Dahil sa lalaking katabi ko ngayon ay nakalimutan ko ng magreview. Pero ok lang kasi nakapagreview naman ako kagabi at dahil may halong Math ang Chemistry ay hindi ako mahihiripan. Hindi sa pagyayabang pero para saakin, Math ang pinaka madaling subject. Dahil may formula kang dapat sundin. Unlike sa ibang subject, kaya alam kong makakapasa ako.

Nang maibigay na saamin yung questionares ay nagsimula na akong magsagot. Maya maya pa ay naramdaman kong gumalaw yung katabi ko. Tinignan ko sya at nakita kong titig na titig sya saakin. Ako na ang unang umiwas at tumitig sa papel na sinasagutan ko, hindi ko kaya ang mga titig nyan parang lalong nakakapagpahulog saakin. Maya maya pa ay naramdaman ko na lamang ang kamay nyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lap ko. Nanlaki ang mga mata kong tumingin uli sakanya. Shete! Eto na naman ang puso kong hindi mapakali. Dinig na dinig ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Siya naman ay parang hindi alam kung anong nanyayari saakin. Walang alam kung anong epekto saakin ng dulot ng paghawak nya sa kamay ko. Babawiin ko sana ang kamay ko ng makita ko namang busy sya sa pagsagot ngunit hinigpitan nya ang hawak saaking kamay at sinabing;

"Let me hold your hand, Max. So I can concentrate on our quiz." Seryosong sabi nya saakin at sinimulan ng magsagot muli sa quiz namin. Nararamdaman kong pinagpapawisan ang kamay ko. Shet. Concentrate daw? Eh panu naman ako? Hindi ako makapagconcentrate. My goodness naman Rafael!

Habang sya ay nagsasagot ako naman ay hindi mapakali ng nararamdaman kong pinaglalaruan nya ang kamay ko. Tumingin ako sa paligid baka my nakakakita na sa magkaholding hands naming kamay sa ilalim ng desk pero walang nakakaalam na may isang kagaya ko dito ang di makapagisip ng maayos dahil ang lahat ay abala sa pagsasagot.

Nakita kong tapos na sya samantalang ako ay hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ang yabang ko pa kanina na hindi ako mahihirapan porke Chemistry, pero ano ko ngayon. Nganga.

Naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko. Tiningnan ko sya habang sya ay nakangising sinabi na, "Concentrate, Max. You still have 15mins to answer the quiz, babe." Sabay yuko sa desk at mas lalong hinigpitan ang hawak nya sa kamay ko.

What? Babe daw? Dati ay nababaduyan ako sa endearment na babe pero bakit yun ang pinakamagandang salita para saakin ngayon. Omg! What have you done? Unti unti na kong nahuhulog at hindi ko alam kung andyan sya para saluhin ako.

Will you catch me?

❤❤❤

My First Love. ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon