Juan Rafael
Napuno ang notebook ko na puro Juan Rafael lang ang naisusulat ko. Hindi na ako nakapakinig dahil mula sa kinauupuan ko ay palihim ko syang tinitignan. Nakatingin sya sa harap at nakikinig sa adviser namin na si Mrs. Benedicto. She's a Math teacher. Fave ko ang subject na yon pero dahil sa ginugulo ng isang lalaki ang sistema ko ay wala akong naintindihan sa kanyang tinuturo. Makalipas ang tatlong subject ay biglang nagring hudyat na breaktime na. Nakita ko ang mga kaklase kong nagsilabasan na para kumain.
"Max, sasabay ka ba? Tara na." Yaya saakin ni Aivon. Kung hindi c Pierre ay si Aivon ang kasama ko mgrecess. Nakita kong hinihintay din ako ni Pierre kaso ay sinenyasan ko na mauna na sila. Tutal kasama naman nya c Anadell. Kaklase namin at kaclose ko din.
"Sige mauna ka na, Aivon. Liligpitin ko lang to, kita nalang tayo sa baba." Sabi ko sakanya habang inaayos ang mga gamit ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong hindi pa din bumababa si Rafael. Tamang tama, para makuha ko na sakanya yung singsing ko. Sa isip ko.
Nang makaalis si Aivon ay agad akong tumabi ky Rafael, di pinansin ang kabang nararamdaman sa tuwing lalapitan at makakausap ko sya. "Pst, akin na yung singsing ko."
Tumingin sya saakin at sa singsing ko na suot suot nya at sinabing, "No."
"Tsk. Anu ba meron dyan? Saka bigay ng Mama ko yan nung Birthday ko kaya lagot ako pag nalaman nya wala na saakin yan." Salita ko pero parang wala syang naririnig, at nakita kong hindi naman sya saakin nakatingin. Nakatingin sya banda sa may leeg ko papunta sa balikat ko. Bigla na naman akong kinabahan. Anu bang tingin yan, Juan Rafael. Omg, ka nman! -.-
"Color of the day, red." Sabi nya bigla sabay ngisi.
"Huh?" Color of the day, red. Anu raw? Hindi ko magets. Naramdaman ko na lamang na tumayo sya at humarap uli saakin at nakita kong ang kanyang kamay ay itinaas nya na sinusundan ko ng tingin papunta saaking balikat at hinawakan ang uniform ko na medyo lumaylay saaking balikat at yon ay itinaas nya. Nun ko lamang narealized kung anu ang tinutukoy nyang color of the day ng makita ko ang strap ng aking bra. Argh. Biglang uminit ang pisngi ko lalo pa ng makita ko syang nagpipigil ng tawa. Argh! Nakakahiya!!
Humakbang na sya papunta sa pinto pero bago lumabas narinig ko pang sinabi nya na, "Saakin na muna itong singsing mo, Max. Ibibigay ko lamang ito sayo pag may hihingin na kong favor sayo." Sabay alis ng hindi man lamang ako tinitignan. Dahil sa kakaibang nararamdaman ko para sakanya, ay bigla akong naexcite. At kung dumating man yung hihingin nya na yung pabor na yun, I'll make sure that I'll do anything for him, not because of my ring but because I have this feeling that I think I am falling. Yes! Im falling. Kaya kahit nakakatakot, andun pa din un excitement.
Mabilis na lumipas ang oras at 7pm na, uwian na at hindi ko makita si Pierre. Asan na ba yung babaeng un? Habang hinihintay ko si Pierre sa isa sa mga waiting shed, nakita ko c Rafael na palapit saakin. Shet! Anung gagawin ko?
"Pauwe kana, Max?" Sabi nya saakin, kasama nya c Pol. Kaklase din namin. Gwapo sya at naging crush ko sya nun unang araw ng pasukan. Landi mo, Max! Pero iba parin kapag si Rafael ang nasa harap ko.
"Yeah, hinihintay ko si Pierre eh. Nakita nyo ba sya?"
"Ang alam ko kasama ni Allan at Anadell, inutusan ni Ma'am Benedicto." Sabi ni Pol saakin.
"Ganun ba? Oh sige, mauuna na lang ako, kasama naman pala nya sila Anadell." Paalam ko sakanila at tumalikod na. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng magsalita c Rafael sa likuran ko.
"Hatid na kita, Max."
Omg! Totoo ba ito, ihahatid ako ni Rafael. Omg!
"Are you sure?" Nahihiya akong lumingon sakanya na hindi makatingin ng direstso sa mga mata nya. Feeling ko namumula na ako. Ewan ko ba, bakit ang lakas lakas ng dating nya saakin kahit yun lang nman ang sinabi nya.
"Yeah! So, tara na." Nakita kong humarap sya kay Pol at sinabing, "Pol, pare hatid ko lang c Maxene." Tumango si Pol, kasabay ng pagharap ni Rafael saakin. Hinawakan ang balikat ko at pinatalikod ako na at tulak tulak ako papunta sa sakayan ng jeep. Naramdaman ko na naman ang familliar na feeling ko everytime na magkasama kami ni Rafael lalo na ngayong hawak ng dalawa nyang kamay ang magkabilang balikat ko habang naglalakad. I find it sweet though hindi yun ang naiimagine ko dati pag nagkaboyfriend ako. Naiimagine ko ung magkaholding hands or magkaakbay.
Wait, boyfriend? Naku, patay ako sa Mama ko neto kapag nalaman nya na may maghahatid saakin. Kaya nang makarating kami sa sakayan ng jeep ay hinarap ko sya.
"Ah, eh. Hmm, Rafael. Ok na na ko dito."
"Huh? Ayaw mo ba na ihatid kita sainyo?" Disappointment. I can see it through his eyes. At nanghihinayang ako, kaso naiisip ko si Mama.
"Ah, hindi naman sa ganon, kaso what time narin kase eh. Gagabihin ka pa masyado. Ok lang ako, promise!" Pinagaaralan nya ang mukha ko, tinitignan ang pagaalinlangan sa aking mga mata. Hindi ko alam kung nababasa nya ba yun saakin. Kaya kahit alam kong labag sa loob nya ay pumayag din sya na hanggang dito na nya lang ako ihatid.
"Ah. Sige. Ingat ka. Sakay kana." Sabi nya na napakamot nalang ng ulo.
Nginitian ko sya at pinasigla ang boses ko. "Sige. Ikaw din ingat. Salamat sa paghatid." Ngumiti sya at nagpaalam saakin. Nang medyo malayo na sya ay doon ko lamang napagtanto ko na hindi na pala ako makahinga ng maayos sa sobrang kaba ng nararamdaman ko ngayon. Kung hindi lang nakakahiya ay gusto kong tumili. Bakas sa aking mukha ngayon ang kasiyahang nararamdaman ko.
Nararamdaman ko, ano kaya ito?
❤❤❤
BINABASA MO ANG
My First Love. ❤
General FictionThis story is real and base on my story. Yes! Ako po yung bida. This story happened, when I was in high school when I met a guy who happened to be My First Love. This is my first story at tinry ko lang isulat ang love story ko nuon. Tara samahan nyo...