Puzzled Ring. ❤

11 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at ngayon ay August na. Wala namang pinagkaiba. Aral, bahay lang ang gawain ko sa nagdaang dalawang buwan. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan.

"Max, andyan na c Pierre. Bumaba ka na jan." Narinig kong sigaw saakin ni Mama mula sa baba.

"Nandyan na, Ma. Bababa na." Muli kong inexamine ang kabuuan ko sa salamin at ng masiguro kong ok na ay bumaba na ako. Nakita ko c Pierre habang kausap si Mama. Si Pierre ay kaklase ko na simula nun maghighschool ako at bukod sa kami ay magklase, malapit lamang ang bahay nila sa bahay namin kaya kami ay lalong naging close, nakasanayan din na lagi kami ay sabay sa pagpasok at paguwe sa school.

"Tara na, Piye?" Yaya ko sakanya.

"Tara na. Babye Tita. Alis na po kami." Paalam niya sa Mama ko.

"Alis na kami, Ma." Paalam ko din naman.

"Sige, mag-iingat kayo ah. Mag-aral ng mabuti. Wala munang boyfriend boyfriend, ha? Aral muna." Mahabang sabi ng Mama ko. Halos ganun kami araw araw, lagi nyang sinasabi na wag ako magboboyfriend dahil wala naman daw magandang maidudulot yon. Nakakasira pa daw ng pagaaral. Yeah, sa araw araw na palaging sinasabi ng nanay ko yan ay nakatatak na sa isipan ko at wala pa naman talaga sa isipin ko ang lovelife. Study first! Yan lagi ang aking motto.

Nang kami ay makarating sa school ay dumiretso na kami saaming classroom. Bago ako makarating sa upuan ko ay madaraanan ko muna ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko maexplain kung bakit sa tuwing nakikita ko sya ay kinakabahan ako. Nakataas at nakapataong ang kanyang paa sa upuan sa harap niya na para bang ayaw nya akong paraanin.

"Excuse me, Rafael." Sabi ko sabay irap sakanya. Sa dalawang buwan na lumipas ay halos ganito sya makitungo saakin. Kung maitatawag ba itong pangbubully, name it.

Tinignan nya ako sabay ngumisi. "Pwede ka namang humakbang, Max. Nakita mong nakataas ang mga paa ko."

Argh! Nakakainis siya, hindi ko alam kung bakit trip na trip nya akong asarin. Palagi syang ganyan tuwing dadaan ako. Iilan pa lamang kami sa classroom ngayon at ng mapansin kong dumarami na kami at dumarating na ang mga kaklase ko ay hinarap ko uli sya.

"Please naman, padaanin mu na ako, padating na rin si Ma'am oh." Pagmamakaawa ko sakanya, hindi ako pwedeng humakbang gaya ng kanyang sabi dahil sa palda kong umabot lamang hanggang tuhod at kung hahakbang ako ay baka makitaan ako.

"Ok, padadaanin kita. Sa isang kundisyon." Sabi nya ng hindi parin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi.

Kumunot ang noo ko at tinignan sya kung sya ba ay nagbibiro. Sinuri ko ang mga mata nyang mapang-akit na nakatingin saakin na para bang ako lamang ang nakikita nya. Ang ilong nyang, hindi naman katangusan pero hindi rin naman pangit, bumagay lamang din iyon sakanya. Ang maninipis na labi na hindi nawawala ang kanyang ngisi. At lalo pang tumaas ang sulok ng kanyang labi ng makita nyang titig na titig ako sakanya. Para akong napahiya sa inasta ko at inirapan ko na lamang sya para matakpan ang pagkapahiya sa harap nya.

"Anong kondisyon naman yon, at bakit nman kelangan my kapalit pa ang pagdaan ko?" Pagsusungit ko sakanya, pero ang totoo ay kanina ko pa naririnig ang bilis ng tibok ng aking puso.

"Pararaanin kita kapalit ng puzzled ring na suot mo." Sabi nya na nakatingin sa kamay ko at tinitignan ang singsing na suot suot ko. Isang silver ring, na iniregalo saakin ni mama nung birthday ko.

"At bakit ko naman ibibigay sayo to, huh? Galing pa to sa Mama ko at hindi ko pwede ibigay sayo to." Matapang kong sabi sakanya.

"Guys, paparating na si Ma'am, bumalik na kayo sa inyong mga upuan." Sigaw ni Allan, ang class President namin.

Naalarma ako saaking narinig na paparating na daw si Ma'am, ayaw ko pa naman mapagalitan dahil istrikto siya at talagang namamahiya sya sa klase kaya muli akong humarap ky Rafael at ang loko nakangiti pa na para bang nasiyahan pa sya sa narinig. "Please, padaanin mo na ko."

"Akin na muna ang singsing Max, at makakadaan kana." Sabi nya saakin na para bang musika saaking pandinig, tila nang-aakit. Kaya sa hindi ko malamang dahilan ibinigay ko ang singsing sakanya hindi dahil sa gusto kong makadaan. Hindi rin dahil sa darating na si Ma'am, pero dahil sa hindi ko rin maintindihan, para bang may nagsasabing gusto kong ibigay sakanya ang lahat. Na gusto ko gawin ang lahat. Kaya ng iabot ko sakanya ang singsing ko ay malaya na nya akong pinadaan and for the nth time, my heart beats so fast at kahit ako hindi ko alam kung para saan.

God! What's happening to me, really?

❤❤❤

My First Love. ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon