Kinabukasan ay maaga akong pumasok nagbabakasakaling nasa library sya para humingi ng sorry kung naoffend ko man siya. Ngunit para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng hindi ko sya makita sa dating tinatamabayan nya. Laglag ang balikat kong lumabas ng library. Saan kaya sya ngayon? Tinignan ko ang relo ko at nakita kong 11am palang. 1pm pa ang klase namin at mukhang matatambay ako ng dalawang oras nito.
Tutal ay wala naman siya ay pumunta ako sa tambayan naming magkakaibigan. Nakita kong andun na si Anadell at Piere.
"Oy beh, ano nakita mo ba c Paeng sa library?" Si Anadell. Paeng ang tawag ky Rafael ng mga ilan sa mga kaklase ko dahil yun daw ang palayaw nya sa bahay. At dahil din ky Pol kaya nakasanayan na syang tawaging Paeng, magkapitbahay lamang sila ni Rafael kaya alam nya ang mga ganong bagay.
"Wla siya sa library. Baka mamaya siya papasok. Maaga pa naman eh." Sabi ko sabay buntong hininga. Magiisang araw palang ng hindi ko sya nakikita ay parang isang taon para saakin. Namimiss ko na sya. Lalo na at may tampo sya saakin.
Nagkibit balikat lamang ang dalawa kong kaibigan. Alam kong hindi sila vocal kagaya ng ibang magkakaibigan pero alam kong lagi lang silang nandyan para saakin.
"Uy Pol!" Sigaw ni Anadell ng mamataang papasok ng gate ng school. Kinabahan ako bigla ng marinig ko ang pangalan ni Pol. Nanalangin ako na sana ay kasama si Rafael. Lagi kasi silang sabay pumasok. Ganon na lamang ang kaba ko ng makita ko syang tumatawa habang kakwentuhan si Pol. Eto na chance ko!
At nang magtagpo ang aming mga mata nasaktan ako sa inakto nya na tila ba hindi nya ako napansin. Para bang hindi ako nageexist. Nakaramdam ko ng sakit. Sakit na ngayon ko lang naramdaman ng ganito dahil sa hindi nya pagpansin. Nakakaiyak lang! :'(
Lumapit sila saamin. Hinalikan ni Pol si Anadell sa pisngi. "Hi, hon. Piye, Max." Sabi ni Pol sabay tango saamin ni Pierre. Si Rafael ay umupo lamang sa tabi ni Pierre at nagbasa ng libro na Angels and Demons.
Tinignan ako ni Anadell at ni Pierre sa inasta ni Rafael at humingi ako ng tulong na baka pupwede nila kami bigyan o ako ng time para makausap si Rafael. Nakuha naman ni Anadell ang nais ko iparating kaya hinila nya si Pierre at Pol.
"Pierre, tara muna sa canteen. Hon, samahan mo na din ako. Libre mo ko ng ice tea. Kaw beh?" Baling tanong nya saakin at kinindatan ako.
"Ah.. sige. Pabili nalang ako ng ice tea beh. Salamat." Sabi ko nalang sakanila.
"Kaw ba Paeng sasama ka?" Sabi ni Pol ky Rafael na busy sa pagbabasa na parang hindi nya alam ang nagaganap. Tumango lang si Rafael at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Ah, Hon. Hayaan muna natin c Rafael. Can't you see, busy yung tao. Tara na at magquality time." Kinikilig habang pinanlalakihan ng matang sabi nya kay Pol at walang nagawa ng hilahin na sya ni Anadell.
Nawala sila sa paningin ko kaya tinignan ko c Rafael na busy parin sa pagbabasa. Go Max! Kaya mo yan!
"Hi. Ano yang binabasa mo?" Panimula ko pero parang wala syang narinig. Awts. Isa pa.
"Uy.. Galit kaba?"
"Pst. Rafael."
Still no pansin. Haist! What will I do now?
"Sorry na Paeng. Sorry na kung naoffend ka saakin kahapon kasi naman, ano ba inexpect mo na magiging reaction ko sa sinabi mo? Bakit kasi magpapaalam pa kung pwede namang.." Natigil ako sa pagsasalita ng mapansin ko kung ano na ang aking sinasabi. Shete! Sasabihin ko bang pwede naman syang di magpaaalam? Gawd, Max! Nakita kong tumaas ang sulok ng kanyang labi na parang nangingiti sa sinasabi ko pero mas pinili pa rin nyang deadmahin ako.
BINABASA MO ANG
My First Love. ❤
General FictionThis story is real and base on my story. Yes! Ako po yung bida. This story happened, when I was in high school when I met a guy who happened to be My First Love. This is my first story at tinry ko lang isulat ang love story ko nuon. Tara samahan nyo...