Habang tumatagal ay hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Basta ay masaya ako kapag andyan sya. Andun pa din yon hindi nya ko padadaanin kunwari pero may hihilingin lang pala saakin. Halimbawa;
"Makakadaan ka lang pag pinahiram mo saakin yung notebook mo sa El Fili. Hindi ako nagsulat eh." Kahit sayo na ang notebook ko kung ikaw naman ang magiging kapalit. Lol.
Nitong mga nagdaang araw ay mas lalo ko pa siyang nakikilala. Tamad sya magsulat kaya ako naman ay laging ginaganahan magsulat dahil gusto ko saakin lang sya hihiram ng notes. May mga araw din na hindi sya gagawa ng assignment, kahit matalino naman siya ay alam naman nya kung paano gawin ay makikiusap pa din sya saakin.
"Max, please pwede pacopy naman ng assignment sa Math. I'll make it up to you, mayang recess, promise."
Wushu. Kahit walang kapalit ay basta saakin ka lang dedepende. Kinikilig pa ako sa simpleng gesture na kapag halimbawa ay Mapeh namin, ipapahawak nya saakin ang fone nya at wallet nya pag sya ay magbabasketball. Feeling ko ay girlfriend nya ako at saakin nya pinagkakatiwala ang mga gamit nya. There was a time din na pag umiinom ako ng ice tea ay nakasanayan ko ng unti untiin dahil may time na aagawin nya un ice tea ko at iinumin. Hindi ko alam kung talagang nauuhaw sya or trip nya lang inumin kung ano un iniinom ko. Minsan nga pati panyo ko ay kukunin nya bigla at ipapahid sa leeg nya at ibibigay saakin pag inamoy ko naman ay hindi amoy pawis. Kumapit sa panyo ko ang pabango nyang paborito ko narin ngayon.
Minsan ay nakikipagpalit din sya ky Reyner ng upuan at sya ang magiging katabi ko at habang kami ay nakikinig, hawak nya ang kamay ko sa ilalim ng desk. Sobrang saya ng pakiramdam, pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.
Eto na ba ang tinatawag nilang love? Alam kong bata pa ako at pagaaral ang dapat kong atupagin ngayon, pero bakit imbis na makasira sya sa pagaaral ko at lalo akong ginaganahan? Sadya kasing matalino na sya at kahit hindi sya mgreview ay hindi sya babagsak sa test. Hindi kagaya ko na kaylangan ko pang magsunog ng kilay para lang makapasa. Gusto kasi pagdating namin sa 4thyear ay kaklase ko pa din sya kaya gagawin ko ang lahat para makapantay ko sya sa mga grades dahil may posibilidad na maging section 1 sya sa susunod na taon. At yun ang pinagsisikapan ko, ang maging magkaklase kami nextyear.Kagaya ngayon, wala kaming teacher at sya ay nakatabi saakin, kagaya ng nakasanayan ay hawak nya ang aking kamay, pinipisil. Pinaglalaruan. Patay malisya lang ako pero ang totoo ay nandun pa din ang pakiramdam na hindi ko alam pa din ang tawag. Kung love ba ito ay eto na nga. Basta ang alam ko lang ay nahuhulog na ako.
"Max.." Tawag nya saakin. Habang nilalaro nya ang aking kamay. Nakayuko sya sa desk at nun lingunin ko sya ay nakatingin sya saakin.
"Hmm?" Yun lang ang nasabi ko.
"Have you had your first kiss?" Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa tanong nyang yon. Biglang nag-init ang pisngi ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para bang nawalan ako ng dila. 15 palang ako at hindi ko pa nararanasan ang mahalikan ng sino man.
"Hey, Max." Tawag nya ulit saakin nung hindi ako sumagot sakanya. Nilingon ko sya at nakita ko ang seryoso nyang mga mata pero mas makikita mong andun yung salitang pag-asa. Pag-asa na wala pa.
"Enebe. Bata pa kaya ako. Wala pa ko nagiging boyfriend no. Kaya wala pa ko experince sa mga ganyan. Bakit ikaw? Balik tanong ko sakanya.
Nakita ko ang pagkislap sa kanyang mga mata. "Come closer, Max." Pagkaraan ay sabi nya. Kinabahan ako. Shet. Anu daw? Eto na ba yun, hahalikan nya ba ko? Sya na ba magiging first kiss ko? Hello, andito kaya tayo sa classroom, Rafael. Sa isip ko. Kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Yumuko ako pero hindi ako lumapit.
"Max, come closer please. My ibubulong lang ako sayo." Sabi nya dahil hindi ako lumapit kanina. Yun naman pala, Max. May ibubulong lang naman pala. Kung anu ano iniisip mo. Sa tingin mo, hahalikan ka nga nya sa loob ng classroom?
Lumapit ako ng bahagya sakanya, sapat para marinig ko ang lalong nagpakarera ng tibok ng puso ko. "It is really nice to know that no one gets the chance to be your first kiss, baby. And I'm glad that by any chance, I'll be your first. How about a french kiss for a firstimer, babe?"
Nanlalaking mata kong tumingin sakanya at tinignan kung nagbibiro ba sya saakin. Pero wala akong makitang ni bahid ng pagbibiro. Nakangiting umabot sakanyang mga mata lang aking nakikita. Shete naman oh!
"Hahaha. Mapagbiro ka talaga. Tigilan mo nga ako sa mga ganyang salita mo. Hahaha." Dinaan ko nalang sa tawa ang lahat ng kabang nararamdaman ko. Nakita kong kumunot ang noo nya. Hindi nya siguro inexpect na ganuon ang magiging reaction ko. Tawa lang ako ng tawa ng higpitan nya ang paghawak nya sa kamay ko. Oo nga pala, hawak nya kamay ko at nawala na sa isip ko yon dahil sa nagtatalunang kong puso.
"What's funny?" Takang tanong nya. Parang napahiya dahil sa ginawa kong pagtawa.
"You. Hahaha." Napatigil ako sa pagtawa ng magring ang bell hudyat na maguuwian na pla. Binitawan nya ang kamay ko which is pretty unusual, dati kasi ay hihintayin nya muna ang mga kaklase kong makalabas bago nya bitawan ang kamay ko. Naoffend ko siguro. Yan kasi, Max. Hindi ko sya matiis, nang makita kong wala ng gaanong sa tao at palabas na sya ng pintuan ay tinawag ko sya.
"Wait, Rafael!" Tumigil sya sa paglalakad pero hindi nya ko nilingon. Hinihintay nya kung anu ang aking sasabihin ngunit para akong naging pipi kaya wala akong magawa ng tuluyan na syang umalis at lumabas ng room. Ay anung gagawin ko?
"Max, parang iba na yan ah." Si Pierre, bukod tanging sya at si Anadell lamang ang nakakaalam ng nararamdaman ko para ky Rafael. Tinignan ko sila at alam kong hinihintay nila ang kwento ko.
"Nagalit ko ata. Anong gagawin ko?" Nanlulumo akong napaupo sa upuan. Kahit alam kong wala naman kaming relasyon ay parang ayaw ko pa din kami ay nagkakatampuhan. Nasanay na ako ng sya lang lagi ang kasama ko. Madalas kasi na sya lang lagi kasama ko sa recess dahil busy c Pierre sa Student Council. Si Anadell naman ay dahil sa boyfriend nyang si Pol. Si Aivon naman ay bihira ko nalang makasama.
"Ano ba kasi nanyari? Saka beh, sa nakikita ko kayo naba? May paholding holding hands pa kayo ah." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Anadell, ibig sabihin ba nakikita nya yung gingawa namin ni Rafael sa ilalim ng desk? Tinignan ko si Pierre na nakangiti saakin at hinihintay ang sagot ko.
"Magkaibigan lang kami ni Rafael, girls. Wala naman kaming pinaguusapan kung ano kami eh. Hindi din naman nya ako nililigawan." Nakangusong sabi ko.
"Hay naku, if I were you, I'll ask him what is the real score. Kasi mahirap yung ikaw nag-aassume na kayo tas sakanya, wala lang naman pla." Sabi ni Anadell, alam kong may experience na sya sa usaping lovelife kaya pag ganitong issue ay sakanya dapat magtanong.
"Bakit siya ang dapat magtanong, eh diba dapat si Rafael yon kasi sya ang lalaki. Sya dapat ang unang gagawa ng move." Si Pierre. Tama, may point siya. Babae pa din ako at siya dapat ang unang gumawa ng move. Haist! Bahala na nga!
Nagdecide na kaming umuwe. Bukas ko na lamang siya kakausapin. Hihingi ako ng sorry kung sya man ay naoffend ko. Pero nabigla lang naman ako. Napaka straightforward naman nyang magtanong ng ganon. Bakit kasi kelangan nya pa akong tanungin? Way ba nya yun ng pagpapaalam kung pwede nya ba akong halikan. At anu raw, French kiss? Panu yon?
Oh my, Rafael. Kung sayo ang first kiss ko mapupunta ay ok lang saakin.
❤❤❤
BINABASA MO ANG
My First Love. ❤
Fiksi UmumThis story is real and base on my story. Yes! Ako po yung bida. This story happened, when I was in high school when I met a guy who happened to be My First Love. This is my first story at tinry ko lang isulat ang love story ko nuon. Tara samahan nyo...